Chapter Fifteen

922 29 6
                                    

Dedicated toJogenPerez

First Year Anniversary

Tinitignan ni Scarlett ang wallpaper ng cellphone niya. Larawan nila iyon ni Andres sa mismong araw ng kasal nila na kuha ni Stacey. Ang ginamit niyang wallpaper ay litrato kung saan magkatinginan sila ni Andres. Ito rin ang larawan kung saan sinabi ni Stacey sa kanya na parang iba ang tingin sa kanya ni Andres sa kuhang iyon.

Mapait siyang ngumiti. Today is their first wedding anniversary. At wala man lang ni katiting na haka-haka ni Stacey ang naganap sa kanilang mag-asawa sa lumipas na isang taon.

Hindi siya makapaniwala na nakapagtiis siya ng ganoon katagal. Looking back for the past year, wala naman talagang masyadong nagbago sa buhay niya. Nagkaroon lang siya ng asawa ngunit sa papel lang iyon. Naging si Mrs. Scarlett Guillermo lang siya sa pangalan. Pagdating sa mga obligasyon niya sa asawa ay ginagawa niyang mabuti. Ngunit wala talagang malaking pagbabago sa pagitan nila ni Andres.

Ipinatong niya ang cellphone sa ibabaw ng dibdib saka nag-isip.

Kaya pa ba niyang magtiis ng mahaba pang panahon? Magagawa pa ba niyang paibigin ang asawa? Marahil ay kulang pa ang effort na ginagawa niya.

Bumangon siya saka pinilit na pasayahin ang sarili. Ngumiti siya. Isang ngiti ng pag-asa. She is determined to add an extra effort for their marriage life to work. Kung sa loob ng isang taon ay walang nagbago, sisiguraduhin niyang may magbabago na ngayon. Uumpisahan niya ngayong araw.

Kagaya ng nakasanayan ay nagluto siya ng almusal. Isa marahil na kamartiran sa parte niya dahil sa loob ng isang taon ay hindi naman nagawang pansinin ni Andres ang mga niluluto niya para sa almusal at hapunan. Gayunpaman ay hindi niya naiisipang sumuko. Ngayon pa ba na nakakaisang taon na sila?

Saktong naglalapag na siya ng pinggan sa lamesa nang bumaba na ng hagdan si Andres. Katulad ng dati ay nakabihis na ito at handa ng pumasok sa opisina.

"G-Good morning." Masayang bati niya rito upang makuha na rin ang atensyon nito. "K-Kain ka muna. Tamang-tama, kakatapos ko lang magluto." Patuloy niya.

Ni hindi man lang siya nilingon ni Andres.

"Hindi na. I have to go." He firmly answered.

Pero hindi nagpatalo si Scarlett. Kailangan niyang makuha ang atensyon ng asawa. Hinabol niya ito na pasakay na sa loob ng kotse.

"A-Andres!" Pahabol niyang tawag rito.

Iritableng nilingon siya nito pero hindi siya nagpaapekto. Tuluyan siyang lumapit dito saka ito tiningala.

"P-Pwede ba kitang... y-yayain na kumain sa restaurant mamaya? A dinner perhaps?" She asked full of hopes. Her eyes full of anticipation. She was silently hoping na pumayag ang binata.

Nakita niya ang pagkunot ng noo ng lalaki.

"Okay, let's see." Sagot ni Andres kapagkuwan.

Nakahinga ng maluwag si Scarlett. She took his answer as a yes.

"Okay. 7 pm tonight." Aniya saka sinabi ang lugar ng restaurant.

Napipilitang tumango si Andres bago tuluyang binuksan ang pinto ng kotse.

Tumabi si Scarlett saka kumaway sa asawa nang makaalis na ito.

Naghanda na rin siya sa pagpasok ngunit siniguradong makakauwi ng maaga. Masaya niyang ikinuwento kay Stacey ang pagpayag ni Andres sa dinner nila. Naging masaya rin ang kaibigan sa kanya at todo pa ang suporta para sa anibersaryo nila. Hiniling nito na sana ay ito na ang kaligayahang hinahangad niya sa buhay.

Unbreak My HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя