CHAPTER 32 ~ Game Plan ~

68.5K 1.1K 62
                                    

CHAPTER 32

SUMMER'S POV

May nararamdaman akong kamay na nakahawak sa kamay ko ng magising ako. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko pero agad din akong napapikit ng masilaw ako ng araw.

"Summer?"

Si Xander..nararamdaman ko na may iba pang tao sa kwarto. Pero isa lang ang taong gusto kong makita. Dumilat ako at nakahinga ako ng maluwag ng may nag sarado na pala ng kurtina.

Nandito sila Autumn kasama si Wynd na nakayuko lang sa isang gilid.

Gusto kong umiyak ng makita ko siya...dahil kahit hindi nila sabihin..alam ko na. But I still want to hope..sana..sana mali ako. Sana hindi totoo..

"Where's Ice?"

"Summer-"-xander

"Where's Ice."

Walang sumagot kahit isa sa kanila. Nag-iwas ng tingin si Autumn. Si Wynd naman ay sinubsob ang muka niya sa mga palad niya. I can see his shoulders shaking.

No..

"Where's Ice?"

"Hindi pa siya nakikita. We're hoping that someone will see him on the island dahil hindi pa tayo masyadong nakakalayo. Pero hindi siya makita. It's been two days summer..at hindi parin siya nakikita."-xander

Nanginginig ang mga kamay na pilit na hinila ko yung nakakabit na dextrose sa kamay ko. Pinigilan ako ni Xander at nag pumiglas ako. Hindi ko alam kung paano ako makakapunta sa isla..dahil nandito kami sa bahay. Our room..

"Stop. Wala ka ding magagawa."-xander

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Where stories live. Discover now