CHAPTER 49 ~ Chlymate Roqas ~

80.1K 1.2K 93
                                    

A/N: Diba po bukas dapat day off ko? Bukas ko na lang pogagawin yung kaila Althea. Mahaba po kasi yun dahil....secret ^__^v 


CHAPTER 49

SUMMER'S POV

Nakatingin lang ako sa dulo ng altar kung saan nandon ang imahe ni Jesus. Nakahawak ako sa dalawang sing-sing na nakasabit sa necklace ko. Nalulungkot parin ako.

Pero hindi ko na naman mababalik si Xander eh. Siguro tama siya..it's his choice. Dahil kung nasa sitwasyon niya ako...at nakakita ako ng paraan para iligtas ang taong mahal ko. Yun din siguro ang gagawin ko.

Alam ko naman na masyaa na siya ngayon..alam ko na hindi na siya nahihirapan. Naalala ko pa kung pano tumahimik ang buong BHO non ng makabalik kami. Puro iyak lang ng mga bata ang maririnig. Lalo na ni Chly.

Weeks pa lang ang nakakalipas...pero pakiramdam ko kahapon lang nangyari. Its hard to accept the fact that the person you're just sharing a smile a few days ago ay yung taong hindi mo na makikita kahit kailan.

At si Nathalia..hindi ko akalain na siya ang makakagawa non. Si Olivia na napagbintangan ko..kasalukuyan ng tumutulong sa charity ngayon at pinamamahalaan ang negosyo nila.

Si Nathalia na isa maid of honor ko. Siguro nga may kasalanan sa kaniya si Xander...pero hindi naman niya sinisisi si Xander dahil nagkaron sila ng one night stand non.

Because in the first place...

Hindi naman si Xander ang gusto niyang patayin.

*FLASHBACK*

Hindi ko alam kung papasok ako sa loob..o hindi. Nasa loob ng interrogation room si Nathalia. Nagwawala siya at gustong lumabas.

Nang makita kong madilim ang muka na lumabas si Ice mula sa loob ng interrogation room, tuloy-tuloy na pumasok na ako. Halata na nagulat si Nathalia ng makita ako.

Huminga ako ng malalim at umupo ako sa harapan niya.

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon