CHAPTER 25 ~ Summer's Fear ~

92.4K 1.2K 54
                                    

CHAPTER 25

SUMMER'S POV

Hindi ko maiwasan hindi mailang sa damit na suot ko. Napatingin ako kay Mommy na tinanguan lang ako. Galing kami sa kwarto namin nila Ice at may ibinigay siya saking damit. Ngayon naman ay kasalukuyan na kaming naglalakad palabas para pumunta sa clinic.

Napapatingin samin yung mga agents....namula yung muka ko lalo na ng makita ko si Ice na kasalukuyang nakanganga habang nakatitig sakin.

Suot ko yung damit ko nung High School ako...kasya pa siya sakin ang kaso maikli na. Ngumiti ako kay Ice kahit na naiilang ako at sumunod na ako kay Mommy.

"Sama ko..please? pretty please?"

Tinignan ko yung biglang sumulpot. Si Daddy. Hinilot ni Mommy yung sentido niya at akmang papaluin si Daddy ng clip board. Bumuntong hininga si Mommy.

"Oo nga tita, sama kami."-ice

"Tama yan, bata. Kampihan tayo, i like, i like."-daddy

"San mo natutunan yan tito?"

"Alin?"

"Yung 'i like, i like'?"

"Sa Twitter. Tsk tsk..nahuhuli ka na sa balita. Ang boring ng profile mo sa twitter..di tulad sakin kitang-kita ang kamachohan ko."

Pinapasok ako ni Mommy sa clinic at tinignan niya ng masama yung dalawa na halos sabay pang nag peace sign. Para silang totoong mag-ama.

"Stay. Kapag may pumasok sa inyo dito tuturukan ko ng syringe as big as a mountain."-mommy

Biglang sumarado yung pinto..si Daddy na mismo ang nagsarado. Napailing si Mommy at lumapit siya sakin. Pinaupo niya ako don sa sofa.

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon