CHAPTER 5 ~ I ♥ Ice~

105K 1.5K 54
                                    

CHAPTER 5

SUMMER'S POV

Kumunot yung noo ko ng magising ako. Una dahil hindi familiar yung kwarto at yung kama kung saan naroon ako. Napatingin ako don sa kurtina. Tumayo ako at kinusot ko yung mga mata ko dahil hindi pa ako makakita ng maayos.

Napatili ako ng wala sa oras ng bigla akong madulas dahil sa kung ano na naapakan ko. Nakangiwing hinila ko yung bagay na yon. Toy Car.

Yon lang ata ang kailangan ko para marealize ko kung nasaan ako. Mabilis na tumayo ako at naglakad papunta pintuan ng kwarto ng makita ko yung suot ko.

T-Shirt ni Ice.

-___-

Tumakbo ako palabas habang lumilingon-lingon ako. Hinahanap ko ang walang magawa na adik na yon. Pumunta ako sa kusina ng may marinig ako na kaluskos at naningkit yung mga mata ko ng makita ko ang nakatalikod na si Ice.

tatalunan ko siya at sasakalin hanggang maging kakulay na siya ng genie sa Aladdin.

"Before you strangle me, kumain muna."

Napahinto ako sa masama kong balak sa kaniya at napahinto ako. Nakasimangot na sinilip ko yung ginagawa niya at nakita kong naghahain na pala siya.

Ininspeksyon ko yung pagkain para matiyak na mukang pagkain yon. Tinikman ko at umupo na ako ng masarap naman yung lasa. Nakakapagtaka lang kung pano nakapagluto si Ice eh hindi naman siya marunong non.

Dont tell me naging magaling na siya sa cooking after niyang matulog kagabi?

"Ikaw ba nagluto nito?"

"Hindi. Pero ako ang naghain. Ang dami kong effort niyan."-ice

Ngiting-ngiti siya at parang proud na proud pa sa ginawa niya. Nakangiwing inalis ko yung tingin ko sa kaniya at nagsimula na akong kumain. Nagugutom na ako at mukang masarap yung pagkain kaya wala akong planong tumanggi.

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon