CHAPTER 31 ~ Last ~

76.5K 1.1K 50
                                    

CHAPTER 31

SUMMER'S POV

Napapakunot noo ako habang nilalagay nila Ice yung gamit sa bangka. Konti lang naman yung mga gamit..pero ang talagang ipinagtataka ko. Ay kung bakit kasama si Xander.

Hindi naman sa hindi ko siya gustong kasama..pero the last time na nagkita kami halos magsuntukan na sila ni Ice. Kaya nakakapagtakang kasama namin siya ngayon.

Or maybe pasimpleng nagyayabang lang si Ice....kanina niya pa binabanggit na buntis ako eh.

"Ano bang gagawin natin talaga?"-me

"Pupunta tayo sa kabilang isla. May masarap na kainan don."-Ice

Nagkibit balikat na lang ako. Inalalayan niya ako sa pagtapak sa bangka at ng makaupo na ako ay nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Pumasok narin sila Wynd at si Xander.

Napapatingin ako kay Ice..nagkakatinginan kasi sila ni Wynd..na parang nag-uusap sila. Whatever..sampung taon ako uupo dito hindi ko parin magegets kung pano sila mag communicate ng ganong sa isa't-isa

Inabot ko yung sandwich na binaon ko at kumain. Akala ko normal lang na nagiging matakaw na ako ng ilang araw..yun pala may matakaw na cute na baby sa tummy ko.

Napangiti ako. 

Parang naiimagine ko na kung anong magiging itsura ng baby namin.

"Kapag babae siya..she would be as beautiful as her mother..pero dahil feeling natin lalaki siya..syempre magiging kasing gwapo ko siya."

Napatawa ako kay Ice ng kinindatan niya pa ako. Kung sabagay walang duda na maganda ang genes naming dalawa. Tiyak na magiging habulin ang baby namin.

Masuyong hinaplos ni Ice yung buhok ko na inililipad ng hangin.

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon