SP 10

51 3 0
                                    


"Bakit ba kanina ka pa nakangiti?" turan ni Beshie matapos niya akong batukan na halos mauntog na ako sa desk ko. Ang brutal talaga ni Beshie! "Don't pout, nagmumukha kang bibe."



Napanganga naman ako sa sinabi niya at saka kinulbit ang nasa harap ko.



Si Crisel, isa sa milyon-milyong fans ni Beshie dito sa EXO National High School. Akalain mo nga namang kahit sa Public School mabenta pa rin ang best friend ko.



"Yes Trisxh? H-Hi Ms. Perfect?" bati nito sa katabi ko, na wala man lang naging tugon. Sila talaga ng mga kaibigan niya ang nagpauso ng alias ni Beshie na Ms. Perfect. Well, bumagay naman talaga sa kanya. Bukod sa katalinuhan niyang hindi maubos-ubos, nag-uumapaw din naman ang kanyang kagandahan. Si Beshie lang talaga itong hindi marunong maka-appreciate.


"Sabi kasi ni Beshie, mukha daw akong bibe when I do this." Nagpacute naman ako sa harapan niya, using my pouting lips. "Hindi naman di ba?"



Sunod-sunod naman itong tumango.



"Cute ko di ba?"



Muli itong tumango.



"Tama Trisxh, tama nga si Ms. Perfect!" she declared at muling humarap sa blackboard at walang pasabing tinalikuran ang cute kong mukha.



I heard Beshie chuckled kaya marahas ko siyang hinarap.



"She's your fan, that's why she's taking your side!" I told her. "Ang unfair ng buhay Beshie."



Feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. Puro kamalasan na lang kasi ang nararanasan ko when I entered this school. Una, nasaksihan ko ang karumal-dumal na scandal ng Manyak na 'yun! Tapos, nakita ko na naman ang pagmumukha niya kanina while kissing some random girls. Tapos, tapos, tapos hindi pa niya ako nakilala at ang kapal pa ng pagmumukha niyang kindatan kami ni Beshie! Grabe, hindi ko akalaing may nag-eexist na tulad niya.



"Nagsisisi ka na bang sumunod ka sa'kin dito?" Beshie asked me habang busy ako sa pagpatay sa Manyak na 'yun sa isip ko.



Marahas akong umiling.



"Hindi Beshie, bakit naman ako magsisisi? Ang saya nga kasi we're living together, tapos ang daming gwapo dito!"



Inirapan naman ako nito saka pinagpatuloy ang ginagawang pagbabasa.



Paano ba siya nakakapagbasa, ang ingay-ingay ng mga kaklase namin.



Tanging si Beshie lang ang nagbabasa, dahil ang mga kaklase nila'y may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.


Naghahabulan, nagbabatuhan ng scratch papers, nagpapasahan ng bola, ang ilang kababaihan nama'y walang humpay na naglalagay ng pulbos , ang iba'y nagbubulungan saka impit na sisigaw na tila kinikilig.



Nang magtama naman ang paningin nila nina Crisel,Chelle, Melai at Mely na nakaupo sa isang sulok na tila may ritwal na ginagawa, nginitian siya ng mga ito at OA pang kumaway sa kanya.


I smiled back.


Sana lang hindi na maulit ang nangyari sa dati nilang school, I hope they're all true and sincere. At hindi lang siya ginagamit ng mga ito para mapalapit sila kay Beshie.



I sighed at that thought.



"Para saan 'yun?" Beshie asked kaya napalingon ako sa kanya. She's staring at me at bahagya nang nakasara ang librong binabasa nito kanina.


"B-baka kasi mapaaway ka na naman dahil sa'kin.." nakanguso kong tugon. "Palagi na lang kitang pinapahamak Beshie.."



Tinaasan niya lang ako ng kilay at inilibot ang paningin sa loob ng classroom. Narinig ko pa ang impit na sigaw nina Crisel nang mapansin ang saglit na pagsulyap ni Beshie sa kinaroroonan nila. Kapansin-pansin naman ang pagsimangot nito nang mamataan ang ilang staff ng school paper na nakaabang pa rin sa kanya.



"Magiging busy ka na rin Beshie.." mahina kong sambit. "You're the new coach of our basketball team right?"


"Temporary coach." pagtatama nito.


"Ganun na rin naman 'yun." I pouted. "Ang galing mo lang Beshie, hindi pa tayo nagtatagal dito pero ang dami mo ng #StudentGoals na nagagawa."



She frowned.



"#StudentGoals?"


"Oo. Hmm I think in Airish Kaite's vocabulary its equivalent to Achievements." bahagya naman itong tumango ng tila magets ang sinasabi niya. "You're always the best Beshie."


"Trisxh.." tawag ni Beshie na ikinalingon ko. "In time, you'll find your own purpose in this school. Your own #StudentGoals. Magkakaroon ka ng maraming kaibigan, totoong kaibigan. Makikilala ka not because you're my best friend, but because you are you. Because you're Trisxhiezkie Anne Lagdameo."


"W-what do you mean Beshie?" I told her because I was speechless. Feeling ko, gets na gets ni Beshie 'yung nararamdaman ko kahit wala naman akong sinasabi sa kanya. Bakit kasi ang galing niya?!



At dahil gets ni Beshie na gusto ko lang ulitin niya ang mga sinabi niya sa'kin dahil ang sarap sa feeling, she ignored me at pinagpalit na naman ako sa hawak niyang libro.



I just smiled and decided to start my #StudentGoals.

MiSS PERFECT (SPECIAL CHAPTERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon