SP 3

195 12 3
                                    



"Excited ka na ba baby?" her Dad asked at nakangiti pa nitong hinaplos ang buhok ng anak.



"Yes Dad!" masiglang tugon niya. "First time nating mag-beach together. Let's take a lot of pictures later, okay?"



Ngumiti naman ang ina ng mapansin ang kakaibang sigla ng anak. Ilang araw na kasi niyang napapansin ang pagiging tahimik ng bata na tila may malalim na iniisip. Kung kaya't she informed her husband and they decided na aliwin ang anak.



"But Dad, is it okay for us to be on the beach?" pagkaraa'y tanong ng bata. "Is it safe?"



Nagkatinginan naman ang mag-asawa.



"What do you mean baby?" her Mom asked worriedly. May alam ba ang anak nila sa mga nangyayari?



Umiling lang naman ang bata at saka muling itinuon ang atensyon sa hawak na libro.



"Just a random thought, Mommy."



Muling nagkatinginan ang mag-asawa. Kinuha ni Mr. Gerardo ang kamay ng asawa at hinawakan ng mahigpit.



"Sir." untag ng driver nila makalipas ang ilang minuto. "May tatlo pong sasakyan ang kanina pang sumusunod sa atin."



Halos sabay na lumingon sa likuran ang mag-asawa, samantalang tahimik na isinara ni Airish ang librong binabasa at naging alerto.



"Drive faster Art. Neo, call Papa, ipaalam mo ang nangyayari." utos ni Mr. Gerardo at kaagad namang tumalima ang dalawang inutusan. "Everything's fine, baby." bulong nito sa anak.


"Daddy, Mommy. Let's face this together. Don't leave me behind." seryosong turan ng bata na ikinabigla ng mga magulang. "I know what's going on. No need to protect me, okay?"


"B-Baby.." naiiyak na untag ng Mommy niya at niyakap ng mahigpit ang anak lalo na ng magsimula ng magpaputok ng baril ang mga sumusunod sa kanila. "We love you baby."



Nagsimula ng magpa-ulan ng bala ang mga armadong lalaki, ngunit dahil mas madami ang mga ito, hindi rin nagtagal ay tuluyan na nilang naubos ang security na naka-convoy sa sinasakyan ng mag-anak.



"Come on Art, drive faster." muling turan ni Mr. Gerardo habang yakap-yakap ang kanyang mag-ina. "Neo, protect my family please."



Sinubukang mag-overtake ni Art sa isang sasakyan, ngunit pinag-gitnaan na sila ng dalawang sasakyang kanina pang sumusunod sa kanila. Samantalang ang isa naman ay pumwesto sa likuran nila.



Naluluhang hinalikan ni Mr. Gerardo ang ulo ng asawa, kung kaya't lumingon ito sa kanya. Ilang segundo silang nagtitigan at tila iisa ang nasa isip, sabay silang humiwalay sa anak.



"Mom? Dad?" nagtatakang saad ng bata ng makita ang mga magulang na parehong lumuluhang nakatingin sa kanya. "N-no.." nauunawaang hikbi niya. "Don't. Ayoko. I want to be with you until the end!"


"B-baby." sumamo ng ina, habang abala naman si Mr. Gerardo sa pag-angat ng upuan sa bandang likuran ng sasakyan. "We need to do this. Hindi naman pwedeng hayaan nating mag-isa si Lolo, right? Kailangang may mag-alaga sa kanya."



Muling nagpaulan ng bala ang mga lalaki sa bandang kaliwa nila, na pilit namang nilalabanan ni Neo.



"Dad!" bulalas ni Airish ng sapilitan siyang iangat ng ama at ilipat sa likuran. "Dad, no!" umiiyak niyang iling, "Please Dad.." mariin pa siyang pumikit ng mapansin ang tama ng bala sa balikat ng ama. "Mommy.."


"Mahal na mahal ka namin baby. Be a good child, okay? Makinig lagi kay Lolo. Learn to protect yourself. Wag mong hahayaang may manakit sa'yo." bilin ng kanyang ina. "I love you baby, masaya akong maging anak ka. I'll always be proud of you."



Lalong napahagulhol si Airish ng huminto ang sinasakyan nila. Nakita pa niyang duguan si Art habang nakasubsob sa manibela. Si Neo naman ay wala na ring buhay at halos mapuno na ng dugo ang windshield ng sinasakyan nila.



"I'm sorry baby and we love you." huling turan ng ama habang tuluyan ng isinasara ang kinalalagyan niya.



Gustuhin man niyang lumabas sa pinagtataguan ay tila nanigas na rin siya sa kinalalagyan ng halos mabingi siya sa sunod-sunod na putok ng baril. Hindi na rin niya napansin ang tila pagbaha ng luha mula sa mga mata niya.



"Boss. Mission accomplished. Wala na ang mag-asawa." rinig niyang wika ng isang lalaki. "Anak? Wala boss, wala silang kasamang bata."



Muli siyang napahagulhol ng marinig ang kinahinatnan ng mga magulang.




"Daddy, Mommy.. I'm sorry. S-Sorry po."

MiSS PERFECT (SPECIAL CHAPTERS)Where stories live. Discover now