SP 9

82 3 1
                                    


"Si Trisxhiezkie Anne Lagdameo? Ah, yeah, naalala ko na. Hindi ba't siya 'yung laging nakabuntot kay Airish Kaite. "



Napahinto ako sa akmang pagbubukas ng pinto ng cubicle na kinaroroonan ko nang marinig ko ang aking pangalan.



"Oo siya nga. Akala mo kung sino, mas mataas naman ang grades ko kesa sa kanya." tugon ng isa. "Akala niya ata porket sumasama siya kay Airish Kaite, tatalino na rin siya."



Nagtawanan sila.



"Kairita nga ang babaeng 'yun, kapag wala si Airish Kaite kay Lloyd naman dumidikit." turan naman ng isa pa. Because he's my friend! "At dahil sobrang yummy este sobrang bait ni Lloyd, hindi naman niya ito mataboy. Mapagsamantalang babae."


"Really? Kaya pala palagi kong naririnig ang pangalan niya sa mga kaklase nating babae, nilalandi pala niya si Lloyd! Gosh, ang taas din naman ng pangarap niya, akala ba niya papatulan siya ni Lloyd." muling saad ng unang nagsalita kanina.


"Tama. Hindi ko nga alam kung paano 'yan naging best friend ni Airish Kaite."


"Kinaibigan lang siguro siya ni Airish Kaite dahil naaawa siya sa babaeng 'yun."



Humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng cubicle.



"Or maybe, napipilitan lang talaga si Airish Kaite na pakisamahan si Trisxhiezkie Anne Lagdameo. Parang tayo, hindi naman natin siya kakausapin kung hindi lang dahil kay Airish Kaite."



Ramdam ko ang pag-iinit ng dalawang sulok ng mga mata ko.



"Uh-uh.. now I get it, she's using Airish Kaite to be her armor."


"Masyado na siyang desperada huh. Anyways, let's go na, baka ma-late na tayo sa klase niyan."



Maya-maya'y narinig ko naman ang magkakasunod na yabag at ang pagbukas-sara ng pintuan. Unti-unti naman akong nanlumo sa narinig. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko.



Hindi ko akalaing ganun pala ang tingin nila sa'kin.



Based sa usapan nila, mukhang kaklase ko 'yung dalawa. Pero bakit ganun, I thought they really like me, palagi kasi nila akong binabati at nginingitian. Never din akong nagkaroon ng kaaway since I started studying here. And I assumed na we're all friends. Hindi ko akalaing ang sama pala ng tingin nila sa'kin.




Nang bumalik ako sa classroom, pansin ko ang panlilisik ng mga mata ng dalawa kong kaklase so I think, sila 'yung mga nasa CR kanina. Kapansin-pansin din ang tila kalmot sa may bandang leeg nila, maging ang tila pasa sa kanilang mga braso. Hindi ko lang gets kung bakit parang pinapatay na nila ako sa ginagawa nilang pagtitig.



"B-beshie.. okay ka lang?" I asked my best friend nang mapansin ko siyang nakahalumbaba.



Kasalukuyan nang nagsasalita ang teacher namin sa harapan, kaya pasimple ko lang siyang binulungan.



"Mukhang hindi pa sila nadadala." she mumbled na hindi ko masyadong naintindihan. "If ever na makick-out na naman ako ngayon, anong gagawin mo?" she asked.



Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.



"N-nakipag-away ka na naman ba?" I accused her.


"Ikaw, umiyak ka na naman ba?" tanong naman niya na ikinagulat ko.


"Paanong—hindi ah! Bakit naman ako iiyak Beshie?" I lied.



She just shrugged then smirked.



Saka ito nagtaas ng kamay at walang prenong itinama ang mga pinagsasabi ng aming teacher kanina.



"I'am sorry Mam, but as far as I know, Latte art is a method of preparing coffee created by pouring steamed milk into a shot of espresso and resulting in a pattern or design on the surface of the resulting latte. It can also be created or embellished by simply "drawing" in the top layer of foam. Latte art is particularly difficult to create consistently, due to the demanding conditions required of both the espresso shot and milk. This, in turn, is limited by the experience of the barista and quality of the espresso machine. The pour itself, then, becomes the last challenge for the latte artist."



Sa tuwing ganito si Beshie hindi ko pa rin maiwasang humanga. Para siyang taong-Google. Lahat na lang ng bagay, alam niya.



"Can I ask you Mam, what are the two main types of latte art?" tanong pa ni Beshie matapos ng nakaka-nosebleed niyang paliwanag.



We're all waiting, lahat ng atensiyon namin na kay Beshie na parang bored na bored at na kay Mam na kulang na lang maglabas ng laser mula sa mga mata niya.



Nanatili itong tahimik habang namumula sa pagkapahiya at maya-maya nga'y umuusok ang ilong itong nagwalk-out. Nginitian lang naman ako ni Beshie saka ipinatong ang ulo sa table niya.




Sa tingin ko kailangan ko ng magpaalam kay Mommy, mukhang ito na ang huling araw namin ni Beshie sa Saint Apostle Academy.

MiSS PERFECT (SPECIAL CHAPTERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon