SP 5

159 10 0
                                    


"The National Flag of the Philippines is a horizontal flag bicolor with equal bands of royal blue and crimson red, with a white, equilateral triangle at the hoist. In the center of the triangle is a golden-yellow sun with eight primary rays, each representing a Philippine province. At each vertex of the triangle is a five-pointed, golden-yellow star, each of which representing one of the country's three main island groups—Luzon, Visayas (though originally referring to Panay) and Mindanao. The white triangle at the flag represents liberty, equality, and fraternity. A unique feature of this flag is its usage to indicate a state of war if it is displayed with the red side on top, which is effectively achieved by flipping the flag upside-down. It has been common since the 1960s to trace the development of the Philippine flag to the various war standards of the individual leaders of the Katipunan, a pseudo-masonic revolutionary movement that opposed Spanish rule in the Philippines and led the Philippine Revolution. However, while some symbols common to the Katipunan flags would be adopted into the iconography of the Revolution, it is inconclusive whether these war standards can be considered precursors to the present Philippine flag. The first flag of the Katipunan was a red rectangular flag with a horizontal alignment of three white Ks (an acronym for the Katipunan's full name, Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan - Supreme and Venerable Society of the Sons of the Nation). The flag's red field symbolized blood, as members of the Katipunan signed their membership papers in their own blood. The various leaders of the Katipunan, such as Andrés Bonifacio, Mariano Llanera, and Pío del Pilar, also had individual war standards. The organization was represented in Cavite province by two factions: the Magdiwang faction and the Magdalo faction, with each adopting a flag. Both used a white sun. Instead of the letter K the flags bore the symbol for the syllable ka in Baybayin, the pre-Hispanic writing script of the Tagalogs. The Katipunan adopted a new flag in 1897 during an assembly at Naic, Cavite. This new flag was red and depicted a white sun with a face. The sun had eight rays, representing eight provinces of the Philippines."  Walang emosyong sagot ng sampung taong gulang na si Rish.



Hindi pa man nakaka-get-over ang Teacher na nasa harapan, tumayo na si Airish kasabay ng pagtunog ng bell, hudyat na Lunch time na.



"Beshie!" humahabol namang saad ng siyam na taong gulang na si Trisxh. "Nakatulala pa rin si Teacher Beshie, pati mga classmates natin. Masyado mo naman kasing ginalingan. Hindi pa natuturo iyon hindi ba? Nag-advance reading ka na naman ba?" mahabang litanya nito habang sinasabayan ang paglalakad ni Airish.



Si Trisxh ang nag-iisang kaibigan ni Airish. Simula pagkabata ay magkakilala na ang dalawa, magbest friend kasi ang kanilang mga magulang kaya't hindi na rin kataka-taka na naging malapit din ang dalawa.



"Sa garden na ba ulit tayo kakain Beshie?" muling tanong ni Trisxh sa kaibigan.



Wala na naman siyang nakuhang tugon mula rito kaya palihim na lang siyang napanguso. Simula kasi ng bumalik ito mula sa Los Angeles ay naging tahimik at mailap na. Nawala na ang pabibo niyang best friend. Sabi ng Mommy niya, hindi daw biro ang pinagdaan ng kaibigan. Namatay kasi ang mga magulang nito tapos naaksidente pa ito, iniligtas daw ang isang batang lalaki na patanga-tangang tumawid sa kalsada. Hmp! Matapos magpagaling sa AKM Medical Hospital, dinala ito ni Lolo Henry sa Los Angeles. Dalawang taon silang nanatili doon, mabuti nga daw at pumayag na ang kaibigan na makipag-usap sa Psychiatrist. Noong maging okay na, nag-undergo na siya ng training para humawak ng kompanya! Ang bata-bata pa nito, pero ang dami nang alam sa buhay!



"Ouch!" daing niya nang bigla na lang siyang pitikin sa noo ni Airish. Isa pa yan, naging brutal na ito! "Bakit ka nananakit Beshie?"



Tinaasan lang naman siya nito ng kilay at naupo na, saka nagsimula ng kumain. Hindi man lang siya hinintay!



"Alam mo Beshie, mapapanis na ang laway mo. Uso naman ang magsalita." sita niya rito habang inilalabas ang baong pagkain. "Sa'yo nga pala ito." inabot niya ang tatlong Chuckie sa kaibigan. "Pakopya ulit ako ng Assignment ha." nakangiting wika niya saka nagsimula na ring kumain.



Walang imik namang kinuha ni Airish ang tatlong Chuckie at sinimulang inumin. Noong nasa Los Angeles pa siya at gabi-gabing binabangungot, Chuckie lang ang nakakapagpakalma sa kanya. Kaya everytime na she felt anxious, Chuckie kaagad ang hinahanap niya.



"Dito pala tumatambay ang pipi at ang iyakin." mayabang na turan ng isang matabang bata na sumulpot sa kung saan, may kasama itong dalawa pang alagad. "Ano iyakin, pwede bang akin na lang iyang pagkain mo? Nagugutom na ako."



Napatingin naman si Trisxh sa pagkain niya na hindi pa niya gaanong nababawasan, naubos na kasi ni Airish ang sariling pagkain. Bakit ba palagi na lang siyang inaagawan ng baon?



"Ano na iyakin? Ibibigay mo ba o sapilitan kong kukunin?" muling wika ng bata, ngingisi-ngisi lang naman ang dalawang kasama nito, naghihintay lang ng utos mula sa lider-lideran nila.


"Pabaon ito sa'kin ni Mommy, kapag ibinigay ko ito sa'yo, pagagalitan ako." mahinang tugon ni Trisxh saka palihim na tiningnan ang kaibigan na nagmamasid lang habang inuubos ang pangatlong Chuckie.



Nagtawanan naman ang tatlong batang lalaki, kahit wala namang nakakatawa. Sinenyasan ng batang mataba ang nasa kaliwa niya upang lapitan si Trisxh, samantalang ang isa naman ay sumunod din upang sapilitang kunin ang baon niya. Ngunit bago pa makalapit ang dalawa ay nakatayo na si Airish sa harapan ng mga ito at walang sabi-sabing pinag-untog ang ulo. Natulala at napalunok naman ang batang mataba nang makitang tulog kaagad ang dalawang alagad. Saglit lang itong tumingin kay Airish at walang babalang tumakbo palayo sa kanila.




"Look's like we're gonna transfer again, huh." taas-kilay na baling sa kanya ni Airish habang sinusundot-sundot ang pisngi ng dalawang kawawang bata.

MiSS PERFECT (SPECIAL CHAPTERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon