2: Voices of the Lost

Start from the beginning
                                    

"Aray!"

Napaatras siya nang makabangga niya ang isang lalaking nagmamadali habang maya't maya ang lingon sa likuran nito.

"I'm sorry, Miss!" Nagtagpo panandalian ang mga mata nila, saka ito nagmadaling umalis.

Natigilan si Annara nang makita niya ang lalaki. She had thought he was a man from her memory. He was someone so familiar. But she was wrong knowing he looks like another version of him. Hindi siya gumalaw at maging ang paghinga niya ay pinigil niyang titig na titig pa rin dito.

Mas nagpintig ang puso niya nang muli siyang binalikan nito.

Walang ano-ano'y bigla niya itong niyakap, mahigpit, tila may pananabik at pag-aasam.

There's a loud beat playing in her earphones, but she's only hearing a flatline sound, because of this man. Her heart jumping in her ribcage, as if her memories playing with her.

She's struck by this gorgeous man, from his dazzling half-lidded brown-black eyes, his velvety skin, his cute pointy nose and his soft thin lips. His beanie covering up his head make his face more lean and toned.

She was electrified in many aspects. Like a thunder hit the ground.

He looks like a person she've known from the past. Parang biglang nanumbalik ang saya niyang nararamdaman noon.

Inalis nito ang yakap at dumistansya ng kaunti mula sa kanya. "Miss, alam mo ba ang daan palabas dito?" tanong nitong hihingal-hingal. Para bang nagmamadali ito na hindi niya maintindihan. He wouldn't mind asking her why she did that, the hug.

Nanatili lang siyang natigilan dito at base sa mga titig niya, si Adrian agad ang pumasok sa isipan niya at ang sanhi kung bakit ganoon na lang kabilis ang tibok ng kanyang puso.

She once saw a kid who looked like Adrian before, could it be him?

Wala sa sarili siyang tumango rito bilang sagot. Kahit tumanggi pa siya, parang tango pa rin ang isasagot niya. Ganoon na lamang siya naapektuhan nito.

Tila nabuhayan pa ito nang pumayag siya. "Alam mo ang daan? Great! Sige, ganito, sa ngayon ihanap mo muna ako ng maaari kong pagtaguan, 'tapos saka mo ako ilabas dito. Ayos ba 'yon?"

Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon dito. Para siyang nahipnotismo ng lalaking ito.

It wasn't love at first sight, it was like she's seeing the love from a man who she purely gave her sweetest devotion before.

Nagsimula na siyang maglakad para panandaliang itago ang lalaking ito na humingi sa kanya ng pabor. Subalit hindi niya alam kung saan nga ba niya dadalhin ito.

"Let's go!"

ıllıllııllıllı

"Are you sure it's safe here?" tanong ng lalaking kanina niya pa pinagmamasdan nang makapasok sila sa isang maliit na bodega.

Dust are everywhere. The whole storage room seems unbearable due to its old age instability. May kalumaan na kasi ang bodegang napasukan nila, pati ang mga gamit doon ay inaagiw at kinakalawang na. Maging ang mga lumang lalagyan ng pangpinta ay halos hindi na mabuksan sa natuyong pintura.

Gustong marinig ni Annara ang boses ng lalaking ito na panay ang malalalim na paghinga sa hingal. Subalit kung tatanggalin niya ang earphones sa kanyang mga tainga, gagambalain naman siya ng mga boses na maririnig niya.

Pinanatili niyang malinaw ang kanyang mga mata sa harap nito kahit pa dumidilim na ang paligid. Maya't maya ang paglinga niya rito habang nakasilip ito sa bintana.

Strange Voices of the DeadWhere stories live. Discover now