Special Chapter

43K 1.8K 661
                                    

Hey, it's Hannah! 💛

This will be the first and last special chapter of the Perfect Heartbreaker.

Thank you and enjoy reading! 💛

Special Chapter

"Teka lang," tawa ni Nicodaine habang titig na titig sa mga mata ko.

Or my eyelashes. I'm not really sure.

Napatitig ako sa mga labi n'ya at lalo akong nakaramdam ng pagka-inis.

Naiinis na ako. Kanina n'ya pa ako hindi pinagagalaw. It doesn't help that I want to hold her closer to me... lalo na dahil titig na titig s'ya sa'kin. Did I do anything wrong? Why does this feel like a punishment?

"Nicodaine."

"Saglit kasi, Li," tawa n'ya at nainis ako dahil inilapit na naman n'ya ang mukha sa'kin.

I doesn't help that I keep getting distracted with her lips.

"Can't you just take a picture of my eye?" Inis na tanong ko.

"Mas makatotohanan nga kung live!" Aniya habang patuloy na nagpipinta.

Bakit ba ako nagpapa-uto kay Nicodaine? Kanina pa inilalapit din ang mukha sa'kin. She keeps on leaning closer. I feel like she's just teasing me.

Nang lumapit ulit si Nicodaine sa mukha ko, agad kong hinatak ang braso n'ya kaya nagulat s'ya at napatukod ang dalawang kamay sa magkabila kong balikat.

I don't care if she has paint on her hands right now and if it will stain my clothes. Pakiramdam ko, kanina n'ya pa ako inaasar. Hinampas n'ya ang balikat ko at natawa.

"Ang ikli naman ng pasensya!" She said, laughing.

Now that I was finally able to hold her closer, nawala na ang inis ko at bumalik ang iniisip ko kanina pa.

"You haven't eaten yet," I told her.

Kapag kasi nasimulan n'ya na ang ginagawa, hindi s'ya titigil hangga't hindi n'ya natatapos. Hindi pa s'ya kumakain. 'Yon naman talaga ang ipinunta ko rito; aayain ko lang s'yang kumain. Pero naabutan ko s'yang nagpipinta kaya ako naman ang napagdiskitahan. She wants to paint a close up portrait about me. 

Punong-puno na ng paintings ang kuwarto kung nasaan kami. Karamihan, tungkol sa akin. Napangisi ako. You like me this much, Nicodaine?

"Concerned na concerned tayo, Li?" Halakhak n'ya.

Dahil naka-upo ako sa stool na nasa custom build na art studio ng bahay ni Nicodaine, pantay na ang mga tingin namin at halos magkasing tangkad na.

I stared at her twinkling round eyes. Gone are her empty and tired eyes. And I'm proud of myself because I was able to fill that emptiness again. Kahit na hindi naman ako kasing masiyahin at active n'ya, nagawa kong punan kung ano man ang kawalan na nararamdaman n'ya.

May mga takas na buhok sa gilid ng mukha ni Nicodaine. Her long hair suits her... but I miss her unusually short hair. Magulong naka-bun ang buhok n'ya. May ilang bakas ng pintura sa panga at leeg. Nakasuot s'ya ng puting apron na may mantsa na rin ng mga pintura.

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon