Chapter 34

30.7K 1.2K 589
                                    

Chapter 34

Mabilis akong bumalik sa lamesang naiwan ko sa library. Nandoon pa si Dom, ino-obserbahan ang digital art na nasa iPad ko at kinukuhanan pa ng litrato gamit ang phone.

Kaya naman nang hinablot ko ang iPad at mabilis na dinampot ang bag ay nagulat s'ya.

"What's up?" Gulat n'yang tanong pero iniiwas ko na ang tingin ko dahil namumuo na naman ang mga luha ko.

For Pete's sake, why are my tears so shallow?!

"Nics, what happened?" Nag-aalalang tanong ni Dom at sinundan na ako palabas ng library.

Napasinghap ako. Hindi ba alam ng iba kung totoong walang girlfriend si Leion? Bakit nandito si Eva? Ang alam ko ay interior design ang course no'n! Bakit n'ya kaka-usapin si Leion?

"Nics." Hinawakan ni Dom ang magkabila kong balikat.

Namuo ang mga luha sa mga mata ko. Realizations dawned on me.

What if Leion has already moved on?

What if he moved on... and loves somebody else now?

Sabi ko naman dati, tanggap ko na 'yon. Pero ngayong nangyayari na sa harap ko, ang sakit-sakit pala.

It's true that I can't see a future without Leion in it. Pero paano na ngayon kung may iba na nga?

My heart clenched at the thought.

I started to question my decisions.

Tama bang bumalik pa ako rito? Dapat ba... lumayo na lang ako?

I shouldn't have come back! Malay ko ba kung okay na s'ya? Kung hindi na ako mahalaga at wala na akong mapu-puwestuhan pa sa buhay n'ya?

Narinig ko ng mura ni Dom at hinatak n'ya ako palayo roon. Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Dom. Doon yata sa parteng may ginagawa pang mga building dahil walang estudyante roon at puro mg unfinished construction.

Hinawakan n'ya ang magkabila kong balikat at tinitigan ulit ako. Bahagya s'yang yumuko para magpantay ang mga paningin namin.

"Nics, what happened? Why are you crying?"

Lalong lumabo ang mga mata ko dahil sa mga luha. Normally, I'd laugh it off. But it hurts so bad that I can't even lift the corners of my lips.

"Nics." Nahihirapang sabi ni Dom at pinunasan ang mga luha ko.

He held both of my cheeks and wiped my tears off using his thumb.

"Chancing ka, ah." I commented and Dom cursed.

"Really? You look hurt but you still joke around?" Tawa ni Dom pero halatang nag-aalala pa rin.

I cursed and closed my eyes tightly as I let my tears fall.

"Ang sakit pala." I said and cursed again as I sobbed. "Ang sakit pala kapag mukhang may iba na."

Tahimik lang si Dom kaya nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Parang kailangan ko lang kasing ilabas. Nakakahiya kay Dom pero ano pa bang kahihiyan ng sinasabi ko? Naubos ko na kay Leion lahat kaya wala nang natira.

Remembering Eva even hurts more.

Oo, pinagtanggol ko s'ya sa isip ko sa ginawa n'ya sa akin noon. Ipinagtanggol ko s'ya pati kay Iñigo na handa sana akong kampihan! Pero hindi ibig sabihin no'n, hindi ako nasaktan sa ginawa n'ya.

Until now, hindi ko pa rin alam kung pa'no n'ya nagawa sa akin 'yon.

At kahit anong tanggi ko, ngayong nakita ko s'yang kasama si Leion, parang pinag-alab lang no'n ang galit na pinigilan ko noon.

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant