Chapter 2

40.5K 1.4K 341
                                    

Chapter 2

I have seen confessions before. Ah. Hindi ko nga lang sigurado kung confession nga ba ang ginawa ng babae kanina. I just assumed. Paano ba naman ay halatang dismayadong dismayado ang babae kanina.

Okay. I admit that the girl is pretty. Isa sa mga puwedeng dahilan kung bakit ako magtataka sa pag-reject sa kan'ya ni Leion Zendejas. Pero hindi naman ako nagtaka. Base pa lang sa naging interaksiyon ko sa babae, I can guess that she has a bad attitude. Puwedeng iyon ng dahilan ng pagtanggi ng lalaki.

Kinabukasan, sabay kaming naglalakad ni Iñigo papasok sa klase at naikuwento ko sa kan'ya ang nakita ko kahapon.

"Ah. That's not new." Iñigo chuckled after I finished telling him what I saw.

Naglalakad na kami ngayon papasok sa first subject namin. Pinilit ko kanina si Iñigo na puntahan ako sa parking area ng senior high school building para may kasabay akong maglakad papaakyat sa klase namin. Iritado pa s'ya kanina dahil nasa room na s'ya ng mga panahong iyon.

"Bukod kasi sa matalino si Leion, he has tons of girls wanting to get his attention. Alam mo na." Iñigo shrugged.

"I didn't know that." I said.

Pero hindi na rin iyon kataka-taka. Leion is good looking. There's just something in his aura that I do not like.

His eyes look dark, harsh, and strong, like he looks up to no good. He looks very intimidating. Ang kaguwapuhan n'ya ang humahatak sa mga babae, pero kung hindi dahil doon, baka nga walang lumapit sa kan'ya dahil sa aura na ibinibigay n'ya.

Break time nang naisipan kong dumaan sa hallway ng mga classrooms ng mga Accountancy, Business, and Management students. Kumpara sa mga estudyante ng track namin na halos puro canvas ang hawak ay puro makakapal na libro naman dito at mga print outs ng tingin ko ay mga reviewer.

Ang mga klase sa Torrero University ay walang mga ranking kaya scattered ang matatalino sa iba't ibang section. Hindi ko naman inaasahan na makikita ko ang lalaking iyon sa dami ng estudyante sa strand na ito. At isa pa, maraming section ang bawat strand ng senior high school sa Torrero University, kaya imposible rin na mahanap ko ang klase ng lalaking iyon sa paglalakad ko lang sa hallway nila.

Pero nagkamali ako sa naisip nang mula sa isa sa mga classrooms ay lumabas si Leion hawak-hawak ang isang makapal na libro nila sa accounting. He's alone.

Kahit na kahapon ko lang naman s'ya nakita at hindi pa mas'yadong pamilyar sa kan'ya, ang mahaba n'yang buhok na abot hanggang balikat ay hindi naman madalas sa campus. Even his height. Nakakakuha ng atensyon ang tangkad n'ya. Even his built.

Mabilis akong naglakad at binagalan lang nang tatlong metro na lang ang layo ko mula sa kan'ya.

Napa-awang ang mga labi ko sa tangkad n'ya. I look like a kid compared to him! His shoulders are broad. Ang slacks ng kan'yang uniform ay maganda ang pagkakayakap sa mahaba n'yang mga binti. Pati na rin ang kan'yang polo. Bakit hindi s'ya kinuha ng Torrero University bilang modelo ng school? Tiyak na maraming lilipat dito!

Hindi ko rin alam na puwede pala ang buhok n'yang iyan sa campus. I mean, hindi naman masyadong mahigpit sa buhok ang Torrero but that's too long! Halos lumagpas na sa balikat n'ya ang buhok n'ya.

Naisip ko tuloy kung okay lang kaya na s'ya na lang ang maging subject ko sa project namin? Well, pag-iisipan ko pa iyon. Titingnan ko na muna kung anu-ano ang mga pinagkakaabalahan n'ya.

Ah. Iñigo will surely call me a stalker. Una si Eli. Ngayon ang lalaking ito naman.

"Nicodaine!"

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Where stories live. Discover now