Chapter 25

26.9K 969 186
                                    

Chapter 25

I thought I got everything in control. Pero nang nagpatong-patong ang lahat ng gagawin, I started to get stressed with everything.

"You sure? Ikaw na ang gagawa?" Nag-aalalang tanong ni Iñigo nang makatanggap kami ng isa pang commission kahit may ilan pang pending.

Tumango ako.

I know that he's busy with other things. Lalo pa't paparating ang examinations sa darating na buwan.

I'm not as grade concious as he is. He is aiming for the honors. Ako, I knew I just had to pass it.

"Kaya ko, Iñigo." I smiled.

Umirap si Iñigo.

"Alam kong kaya mo." He said but I can see that he's worrying about me.

Tumango ako. Kahit ni ako, hindi rin sigurado. But you just have to think that it is true. Kaya ko.

Kina-usap din ako ni Eva kanina tungkol sa project namin. Malapit na ang pasahan. Tapos ko na ang parte ko at may ilan s'yang pina-rerevise.

"I don't like this." Sabay turo n'ya sa parteng hindi n'ya nagustuhan. "It's too straight-forward. Puwede pang liguyin nang kaunti."

I pursed my lips and I nodded.

"I changed the plot a bit kaya baka kailangan ding baguhin ang dulo. I sent you the details." Aniya.

Tumango ulit ako.

"What's that?" Sabay turo n'ya sa iPad na dala ko.

Tinutukoy n'ya ang kasalukuyan kong ginagawang commission. Patapos na iyon at kaunting details na lang.

"Uh, digital art?" I said.

Tumaas ang kilay ni Eva at parang naging iritado. Matalim na ang tingin n'ya sa akin at nakasimangot, halatang hindi nagustuhan ang sinagot ko.

"Inuuna mo pa 'yan kaysa sa project natin?!" Galit n'yang sabi.

Kumunot ang noo ko at magsasalita na sana pero dumating si Iñigo.

"Importante 'yan, Eva." Sabi ni Iñigo, hinaharap si Eva.

"Anong importante? Wala naman tayong project na gan'yan!" She said.

May ilan nang napapalingon sa amin. Agad akong napabuntong-hininga. What the hell? Really?

Nakita kong lumapit na rin si Dom.

"Eva, ano ba? Ginagawa naman n'ya ang parte n'ya sa project n'yo, ah?" Sabi ni Dom at marahas s'yang nilingon ni Eva.

"Her half-ass work? Really? Ipagmamalaki n'yo sa akin 'yon?" Galit na tanong n'ya at narinig ko na may iba nang kaklase na pinipigilan s'ya sa sinasabi n'ya.

"She has other issues outside school, Eva. Ano'ng akala mo? Na dito lang sa Torrero umiikot ang mundo natin?" Iritadong sabi ni Iñigo at hinawakan ko ang dulo ng polo n'ya para pigilan s'ya.

Natahimik si Eva at mukhang naisip ang sinabi ni Iñigo. She looked at me and stared.

Napalunok ako at hinatak ulit ang polo ni Iñigo kaya napalingon s'ya sa'kin. Tiningnan ko ulit si Eva at nakita kong kumukuyom na ang panga n'ya at parang napahiya. She stormed out of our room.

I sighed.

I felt so little. When my classmates were stealing glances at me, pakiramdam ko ang liit-liit ko at ang hina-hina ko.

I hated the feeling. Kaya naman nang nagkaro'n ng pagkakataon, hindi ko na napigilang pumunta sa banyo para umiyak.

I felt the burden of everything. Ang school, ang sakit ni Mama, at ang pagkataong gusto kong manatiling ako.

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora