Chapter 8: Goodbye

Start from the beginning
                                    

3. Emman and Rachelle

 4. Chandler and Monica

5. Summer and Everett 


"Today, aayusin lang natin ang mga kailangan gawin sa susunod na araw para wala nang magkamali. Kung saan kayo papasok, kung paano kayo ipakikila, kung kailan kayo tatawagin at syempre ang mismong debate," the student council representative informed us.


I nodded and looked at my side. 


Nagtama ang mga mata namin ni Everett ngunit hindi rin nagtagal dahil nahagip ng aking mata ang nakataas kilay na si Sheena sa likod niya. 


Umirap ako sa kawalan.Pero hindi nakatakas sa mata ng mga kasama namin iyon.


 "Morada? May problema ka ba sa sinabi ko?"


 At bakit ko nga ba nakalimutan? Mainit nga pala ang dugo sa akin ng mga tao rito. 


"Maybe she's tired, cut her some slack," Everett declared in a low voice that made everyone silent. 


Of course, who would go against the university heatthrob? Nakakasuka. Hindi na lang ako umimik at pinigilan ang sarili na umirap muli. 


This is so annoying! 


They started to orient us from the positions, timings, annunciation, and every other little details we shouldn't miss. 


Hindi rin naman ako makapag focus dahil panay ang landian ng dalawa sa gilid ko. The fuck are they doing? Geez, get a room! So cheap. 


"Summer!" malakas na sigaw ng isang lalaking kakapasok lamanag sa hall habang kumakaway-kaway pa.


I motioned him to keep quiet because of the orientation. 


"Sorry ngayon lang," bati sa akin ni Dwigh. He's one of Everett's friends at siya rin ang pinaka ka-close ko sa kanila.


He's just always the smiley and happy-go-lucky guy. Siya rin ang laging unang nag-aaproach sa akin kaya gumaan ang loob ko sa kanya. 


We remained friends and in touch ever since. 


"Huh? Ba't sa akin mo sinasabi yan? A-Ayos lang naman sa akin kung late ka. I mean... wala naman akong pake," I blurted out, confused. 


Bakit ba sa akin lumalapit ito? Naroon sa kabila ang kaibigan niya. 


"Ouch." Siniko niya ako habang nakahawak ang isang kamay sa dibdib, umaarteng nasaktan talaga siya. 


I chuckled. 


"Parang 'di tropa 'to. Syempre nandito ako para suportahan ka." Sinundot-sundo pa niya ang tagiliran ko na parang bata na nangungumbinsi. 

Opposite Souls [Soul Series #1] ✔️Where stories live. Discover now