Epilogue III

2.5K 50 185
                                    




That night, sinundan ko siya sa bahay. Naabutan kong nag iimpake ng mga damit habang umiiyak at may kausap sa telepono.


Parang bumalik sa akin lahat. Parang naulit muli lahat ng masasakit na ala-ala na matagal ko nang binaon sa limot.


Heto na naman ako, umaasa at dumedepende sa isang babae na iiwan rin ako pag nagkagulo na ang lahat.


"Dad, please. Sunduin niyo na po ako rito. Hindi ko na kaya," she begged talking to the phone.


But this time, it's my fault. It's my responsibility to explain myself to her. She is my responsibility.


It hurts. Ang sakit na gustong-gusto na niya makaalis dito. Para bang hindi niya kakayanin na nasa iisang espasyo kami.


"Summer," I called.


Hindi niya ako pinagbigyan kahit isang sulyap lang. Mas lalong naging agresibo ang pag iimpake niya ng damit.


"Calm down, I won't force you to stay, I won't even force you to listen to my explanation. I want you to calm down. Wag kang magpa dalos-dalos. Wag kang madesisyon ng galit ka-"


"Shut the fuck up! I don't want to hear anything from you!" That shout made me stop.


Natahimik ako. Halo-halo na ang mga naglalarong emosyon sa damdamin ko. Lahat iyon ay hindi maganda.


Tila ba bumubulong ang hangin na ito na 'yon. Ito na ang karma ko sa paglalaro kasama ang iba't ibang babae.


I felt very regretful. Gusto ko siyang kumalma muna at makapag-isip nang maayos pero sa presensiya ko pa lang ay nanggagalaiti na siya sa galit.


"You're disgusting. I should have never loved- Hell, I should have never talked to you in the first place! Sana ito na ang huli nating pagkikita, ayoko nang makita ka kahit kailan!"


Tumagos lahat ng mga salitang iyon sa akin. Hanggang ngayon ay dala ko pa rin ang mga iyon at ang takot na kapag ako'y lumapit pa sa kanya ay lalo siyang magalit. I don't want to her to hate me even more.


That night, sinundo siya ng daddy niya nang umiiyak at galit. Hindi man lang ako nakapag paalam nang maayos.


"I'm sorry, Everettt. Kahit kami ay hindi niya kinakausap. Mukhang may galit din sa akin ang anak ko. Bigyan muna natin siya ng oras," Tito Henrick said.


Araw-araw akong pumupunta sa kanila. I needed her to go on with my life. Kahit isang sulyap lang para makausad ako sa araw-araw. Malaman ko lang na mabuti ang lagay niya ay ayos na rin ako.


Natawa ako nang kinain ko rin pala ang mga sinabi ko. Hindi ako tutulad kay papa? Mas malala pa nga ako.


He told me to act in love with Sheena to convince the Clementes that what's going on between us is serious. I took her out to dates and accompany her wherever she wants. It's exhausting. Nakakapagod magpanggap.

Opposite Souls [Soul Series #1] ✔️Where stories live. Discover now