YWM 4

1K 50 12
                                    

RPOV

Kanina ko pa pinaglilipat lipat ang mata ko kila Glaiza at Glaize. Magkamukang magkamuka talaga sila. 🤔🤔
Kung gupit lalaki si Glaiza ay siguradong mapapagkamalan kong sya si Glaize..Ang Gwapo 😍.

"Lab.." Pukaw sakin ni Glaiza pagkatapos ay hinawakan nya yung kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mahabang mesa ng mga Galura. " This is my twin brother,Glaize. " Pakilala nya sa kapatid nya na agad naman ngumiti sakin.

Sh*t !! Ang gwapo talaga. Tsk tsk tsk

"Glaize,this is Rhian..My Wife." Yieeeeehh kinilig naman ako ng beri layt don.  😁😁

"Hi Rhian. Masaya ako na makaharap at makasalo ka ngayon sa hapag kainan. Napakaganda mo pala talaga." Nakangiting sabi ni Glaize na agad ikinapula ng magkabilang pisngi ko.😳😳 "You're blushing haha !"

Whuuuutt ? di kaya ako nagbblush.🙊

"Uhm Masaya din ako na sa wakas nakilala ko na ang kakambal ng asawa ko." Tugon ko sabay tingin kay Glaiza na kanina pa walang imik. " Ayos ka lang ba lab ? kanina ka pa tahimik dyan." Bahagya kong hinaplos yung pisngi nya.

" Ha ? ah..Oo lab ayos lang ako." Alanganing sagot nya bago ako binigyan ng tipid na ngiti.

"Damihan mo kasi ang kain,Nangangayayat ka na oh." Nilagyan ko ng pagkain yung plato nya.

"Ah Rhian,Kamusta naman ang parents mo ? Balita ko ay wala sila ngayon ?" Pukaw ni Tita sakin pagkatapos ko ipagsandok si Glaiza.

"Nasa France po sila ngayon. Alam nyo na,business is life 😅" Natatawang sagot ko. "Ok naman po sila."

"tu sais parler le français ?"(marunong ka magsalita ng wikang pranses?) Tanong ni Glaize. Maging si Glaiza ay nag angat ng tingin ng magsalita si Glaize sa wikang pranses.

"je fais"(oo) Wala sa loob na sagot ko.

Na amaze lang ako kasi ang galing nyang magfrench 😁 .

"on peut s'entendre haha !" ( Magkakasundo tayo haha) Tumatawang sabi nya sabay kindat sakin kaya natawa ako. Ang baduy. Naaalala ko mukha ni maxine kapag kumikindat sya. Lalo tuloy akong natawa.😂

"Akyat muna ako sa taas. Masakit ulo ko. " Putol ni Glaiza sa Pagtawa ko. Agad syang tumayo at umalis sa harap ng hapag kainan.

"Hayaan mo muna sya iha. Baka masama ang pakiramdam nya." Pigil ni tito ng akma kong susundan si Glaiza.

Natapos na at lahat ang tanghalian ay hindi pa rin bumababa si Glaiza. Kanina ko pa sya inaantay bumaba eh.

"blueberry cheesecake?" Nakangiting alok sakin ni Glaize.

"Uhm thank you. Favorite ko to."  Nakangiting sagot ko. "Tulog ba si Glaiza ? Kanina ko pa sya inaantay bumaba eh."

"Ewan ko. Maybe ?" Alanganing sagot nya pagkuwan ay naupo sya sa pasimano ng terrace nila na nakaharap sa garden. "Kamusta naman kayo bilang mag asawa ? Kamusta ang kapatid ko bilang asawa ?"

Sandaling natigilan ako. Pero naisip ko na normal lang naman sa isang kapatid ang magtanong tungkol sa kapatid nya.

"She's the best." Nakangiting sagot ko habang naglalaro sa isip ko yung mga alaalang binuo namin ni Glaiza ng magkasama. " I can't imagine life without her."

"You love her so much huh." Nakangiting tugon nya. Agad akong tumago.

"So much. She's my air i cant live without." Para akong tanga na nakangiti habang iniisip si Glaiza. Ang tagal naman matulog ng babaeng yon.

"What if nalaman mo na hindi pala kayo ang para sa isa't isa ? Na may iba palang nakalaan para sayo----

"No. Ayoko ng iba. Kundi man sya ang nakalaan para sakin..pipilitin ko na maging ako ang nakalaan para sa kanya."  Putol ko sa anumang sasabihin nya. Ayokong isipin na hindi para sakin si Glaiza. " Madami na kaming pinagdaanan. Kundi kami para sa isat isa.. Ang isat isa sa amin ay hindi magiging kaninuman."

"Wooaaahh" Tanging tugon nya habang nakataas pa ang dalawang kamay nya.

"Teka akyatin ko muna si Glaiza sa taas. Sabi nya kanina ililibre nya ako sa icecream parlor,nakalimot na naman yata." Tumatawang tumago si Glaize kaya nagmadali na akong umakyat sa taas.

"Lab ?" Tawag ko kay Glaiza. Pumasok na ko kasi hindi naman nakalock yung pinto.🙊 Tsaka asawa ko naman sya eh.

"hey.." Sagot nya pagkuwan ay naupo sya habang nakasandal sa headboard ng kama nya. Naupo ako sa tabi nya bago ko ipinulupot yung braso ko sa braso nya. "Naiinip ka na ba ?"

"Lab..Sabi mo lilibre mo ako ng icecream.." Nakabusangot na tanong ko. Naramdaman ko na humagikhik sya.

"Napakatakaw mo talaga. So how's my brother ?" Tanong nya.

"He's weird." Sagot ko. "Pero ok naman. Gwapo sya..pero mas gwapo ka." Nakangiting sagot ko.

"Kelan ka pa natutong mambola Ms.Howell ?" Natatawang tanong nya.

"Excuse me ? Mrs. Galura na ako ngayon." Nakapameywang na angil ko sa kanya. "I love you lab.." Dugtong ko tapos ay sumandal ako sa balikat nya.

"I love you always.." Sagot nya. "Whats that ?" Tanong nya ng mag umpisa ako mag hum

"Nothing..Eh bakit ba gusto ko kumanta eh." Natawa sya tapos ay tumahimik din. "How can you hurt me this way
Everything I knew was lovin' you
How could you try pretending
Your love was never ending..Now you can't even say that you will stay.."

"Anong meron sa lyrics ?" Takang tanong nya. Panira talaga to ng moment.🙄🙄

"Hindi ba ako pwedeng magmoment ?" Inis na tanong ko. " Kumanta ka nalang din ng sayo."

"How, how could you say you love me
When you would go and leave me
How could you make me hurt so bad
When I have loved you more than anyone can do
Can't believe the pain
That I'm feeling now because of loving you" Dugtong ko habang papikit pikit pa. 😁😁

"Broken hearted ka ba ?" Takang tanong nya. --bwiset talaga tong nerdy panget na to.🙄 eh bakit nga naman kasi ganyan ang kinakanta mo rhian ?

"Lab pag nagkaanak na tayo gusto ko kamuka mo para dalawa na kayo na Glaiza sa buhay ko." Sambit ko habang nilalaro yung mga daliri nya. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga nya.

"Ilang anak ba ang gusto mo ?" Tanong nya kaya napangiti ako.

"Ok na sakin kahit isang dosena lang---

"Isang dosena ??!!!!! lab..yung totoo..baboy ka ba ?" 🙄🙄🙄 "i mean..bakit naman ganon kadami lab.."

"Ako baboy ?🙄🙄 Baboy huh...Wag kang makatabi tabi sakin sa gabi haaaa !" Angil ko sa kanya. Makasabi ng baboy to..--parang totoo naman sinasabi nya rhian,di ba nga di na kasya sayo mga shorts mo ?

"Joke lang naman yun eh." Sabay yakap sakin. "Kahit magmuka ka pang baboy---

"So baboy na nga talaga ako ?!"

"Lab naman.." Kumakamot na tugon nya.

"ikaw glaiza ha numumuro ka na. Bibingo ka na sakin. Dyan ka na nga." Dere-deretcho akong lumabas ng room nya. Narinig kong agad syang sumunod sakin at tinatawag ako.

Napangiti ako. Namiss ko yung ganitong eksena.😁🙊

TO BE CONTINUED..

Yak ! We're MARRIED !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon