Ehefrau ?

5K 210 9
                                    

GPOV

"Past 7 oclock na tulog pa rin si Sunget ? di ba nya alam na may pasok kami ngayon? tsk ! Bahala talaga sya pag na-late kami.hmp ! Palibhasa ang tamad mag-aral." Su---i mean Rhian !!!" tawag ko mula sa labas ng kwarto nya. Oo ng kwarto nya,di ba nga pinalipat nya ako ng room ? "male-late na tayo..Bumangon ka na dyan." Aba't !? " Rhian !!"

"what !?" Singhal nya at muntik pa akong mapasubsob sa hinaharap nya dahil bigla nyang binuksan yung pinto. " Kung makatawag ka parang wala ng bukas,Naririnig kita okay !?"

"male-late na kasi tayo.." Alanganing sabi ko. "Magbihis ka na,hintayin na lang kita sa labas."

Inirapan nya muna ako bago isinara yung pinto. Hmp ! Kundi lang kita mahal,Hindi kita hihintayin ! Padabog akong bumaba ng hagdan ay nagtungo sa garahe para i-check yung kotse ko.
Maya-maya ay narinig ko na ang pagsara ng pinto mula sa main door.Nandyan na si sunget.

"let's go." Aya ko sa kanya at pinagbukas sya ng pinto.

"San mo ninakaw to ?" Takang tanong nya habang nasa byahe kami. Grabe sya ! Ninakaw agad !? " Wala ka namang kotse di ba ?"

" Regalo to sakin ni Dad. This is the new Lamborghini model of 2017. " Walang emosyong sagot ko habang nagddrive.

"Im still wondering kung bakit ako pinakasal sayo ng parents ko. Like duh ! Of all people !? Bakit sayo pa ?"  Nag-iinarteng tanong nya habang nakasimangot. Ang sakit nyang magsalita kaya di na lang ako kumibo. " at hindi rin ako makapaniwala na anak ka nila tito Gabriel." Nilingon nya ako tsaka pinasadahan ng tingin. " Wala ka man lang taste sa pananamit. Look at you..ewww ! anyway..ayokong may makakaalam na kinasal na tayo,ayokong masira yung reputation ko."

Di ako sumagot.
Deretso ang tingin ko sa kalsada.
Masakit pala kapag hindi ka mahal ng taong pinakasalan mo.

"Bakit di ka nagsasalita dyan !? Talk to me !" Inis na singhal nya.

"Rhian,kanina ka pa ng sigaw ng sigaw ! pwede bang manahimik ka muna kahit ngayon lang ?" Mahinahong pakiusap ko.

"we should make a rules. House Rules to be exact. Umuwi ka ng maaga mamaya para mapag-usapan natin." Sambit nya kaya napailing na lang ako. Hindi sya nauubusan ng sasabihin.

" We're here." tipid na sabi ko ng maipark ko na yung kotse ko sa parking lot ng H.G.U. ,Tahimik kong inalis yung seatbelt at akmang bababa na pero hinawakan nya ako sa braso. "Ano ?"

"Hindi tayo pwedeng sabay bumaba,baka kung ano isipin ng mga estudyante satin." Napabuntong hininga ako. Ganon na lang ba nya ako ikahiya ? " Mauuna ako,tapos after 10 minutes tsaka ka bumaba.Okay ?" Napatango na lang ako. May magagawa pa ba ako ? " bye ehefrau.(wife)" Nakangiti nyang sabi bago bumaba.

So Ano na naman yun ? Minura na naman ba nya ko ? Kota na ko sa sama ng bibig nya huh.😒
After 10 minutes ay tsaka ako bumaba ng kotse. May mangilan-ngilan na estudyanteng nakatingin sakin na para bang may ginawa akong karumaldumal na krimen. So ano ? porket hindi sunod sa uso yung suot ko at nakasuot ako ng eyeglass ay bawal na akong sumakay sa mamahaling sasakyan ? hmp !

"Kanino kaya nya yan hiniram ?" Bulong ng isang babae habang nakataas ang kilay na pinapasadahan ako ng tingin. Yumuko na lang ako habang lakad takbo na tinungo ang elevator. Super late na ko ! Grabe !

Pagdating ko sa block namin ay sarado na ang pinto.Nice ! first time kong ma-late. Kasalanan talaga to ng maarteng yun.😡
Okay,hingang malalim Glaiza..Kaya mo yan..Si Mr.Ramirez lang naman yung nasa loob.

"Inhale...Exhale..Inhale..Exhale..---"

"What are you Doing ?" Napadilat ako at bumungad sakin ang mukha ni Rhian Kasama yung tatlo nyang kaibigan. Bakit nandito pa sya sa labas ? Eh nauna nga sya sakin pumasok. " Dito mo pa talaga naisipan mag-meditate ?" Nakasimangot na tanong nya sabay bukas sa pinto ng room namin.

Bastos talaga to.
Di man lang kumatok.😒

Automatic na lumipat sa amin ang atensyon ng mga kaklase namin,maging si Alexis ay pagtataka ang mababasa sa mga mata nya.

"Hindi ka ba marunong kumatok,Ms.Howell ?" Seryosong tanong ni Mr.Ramirez. Gusto ko sanang sumabat na Mrs.Galura na si Rhian kaya lang baka isipin nila na nababaliw na ako. " Bakit ngayon lang kayo ? at kasama ka pa talaga Ms.Galura." Napayuko ako. Di ko naman talaga sila kasama eh.😭 di ko sila kilala.

"Ano bang pakialam mo tanda ?" Mataray na tanong ni Rhian,Bastos talaga. " Alam mo naman kaming mga babae,matagal kaming mag-ayos." Maarte nitong sabi kaya napasimangot si Mr.Ramirez. "Look, dont want to be Rude,kaya kung pwede lang..Hayaan mo na kaming maupo."

"May kalalagyan ka talaga Ms.Howell." Nagbabantang sabi ni Mr.Ramirez. " Kung sana ay dito nag-aaral ang anak ni Mr.Gabriel Galura,may katapat ka sana."

Napangisi si Rhian at bahagyang lumingon sakin. Pinanlakihan ko sya ng mata dahil baka ibuking nya ko.

"i dont think so.." Natatawa nyang sambit bago tuluyang naupo kasunod yung mga kaibigan nya.Naupo na rin ako sa tabi ni Alexis.

"Nice Ring.." Bulong ni Alexis. " Congrats Glai." Nginitian ko lang sya dahil baka mapag-initan pa kami ni Mr.Ramirez.
Sumulyap ako sa lugar ni Rhian,as usual poker face na naman." Saan kayo galing ng asawa mo ? advance honeymoon ?" Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa tanong nya.

"Wag ka ngang maingay,tsaka anong honeymoon ? inosente ako dyan."Bulong ko.

"Inosente your face." Natatawang sagot nya at nagbuklat buklat ng notebook nya,kunwari may binabasa kahit wala naman.Style nya bulok.

"Glaiza Galura .. Flat 1." Nagpalakpakan yung mga kaklase namin. Ngayon na pala sasabihin yung grade namin ?

"Naks ! Lagi ka na lang flat 1 ah,samantalang ako,kundi dos..tres ! hustisya naman." Natatawang angal nya habang pailing-iling pa. Napangiti din ako.

"Howell ..Flat 3." Napabuntong hininga si Mr.Ramirez. " Ms.Howell,hindi ka ba nahihiya ? kundi tres,singko. Wala ka ba talagang balak seryosohin itong subject ko ?!" Iritang puna nito.

"Hindi ko lang talaga kasundo yung subject mo." Balewalang sagot ni Rhian. " Bakit hindi ka na lang magfocus kay Nerdy panget A.K.A. Glaiza Galura ? tutal sya lang naman palagi ang nakakakuha ng flat 1." Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase namin.

"Bright Idea ! Bakit hindi ka na lang magpatutor kay Glaiza ? Baka sakaling makakuha ka ng flat 1" balik insulto ni Mr.Ramirez. " Ms. Galura,from now on..ikaw na ang tutor ni Ms.Howell,sasabihin ko na lang kila Mr.Alejandro Howell." Hindi na ako nakasagot dahil matatalim na tingin na ni Rhian ang nakikita ko. Problema nya ?

Pagkatapos ng klase namin ay inaya ako ni Alexis na manood ng Volleyball. Ang alam ko ay Isa si Maxine sa mga manlalaro niyon pero kahit kailan ay hindi ko pa sya napanood maglaro,ngayon pa lang.
Pagpasok namin sa loob ng gymanasium ay marami ng tao.Yung totoo ? Practice ba to o Match ?
Nakita kami ni Maxine kaya agad kami nitong nilapitan at inalok na maupo sa bleacher na nakalaan lamang para sa mga manlalaro. Ayos na rin to para kitabg kita ko. hehe😂

"Go jersey number 5 !!!" Sigaw ni Alexis na ng tinutukoy ay si Maxine. " uuy,magcheer ka naman para sa kaibigan natin."

"hmm..Okay,Go Maxine !!!" Malakas na tili ko kaya napangiti si Maxine at kumindat pa sakin. Natawa na lang ako.

"Go Jersey #3 !!! we love you !!!" Sigaw sa kabilang parte ng bleachers kung saan pawang nakakulay pink ang mga tao. " Go Rhian ! Go Rhian ! Go Rhian !"

Rhian ? wait ! Player sya ng Volleyball !?
Tumingin ako sa kabilang team. Nandon nga Si Rhian at sobrang sama ng tingin sakin.

TO BE CONTINUED..

Yak ! We're MARRIED !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon