Project 2.0

5K 206 8
                                    

GPOV

"Ms. Howell,Baka naman pwedeng wag mo ng drawingan ng bulaklak ?" Alanganing saway ko sa kanya dahil gusto nyang drawingan ng bulaklak yung plywood na pinutol namin para gawing wall ng bahay na gagawin namin.

"Nagrereklamo ka ba sa design ko !?" Nakasimangot na asik nya kaya napakamot ako sa gilid ng kilay ko. Design daw eh hindi naman mukhang design yung ginagawa nya tapos mali pa yung mga sukat na ginupit nya. "You're here at my territory kaya dapat lang na ako ang masunod."

Tumayo ako dahil kanina pa ako naiinis sa pinaggagagawa nya kaya wala kaming natatapos. Niligpit ko yung mga gamit ko at maingat na isinilid sa bag ko.

"where are you going ?" Takang tanong nya ng hindi man lang tumitingin sakin dahil busy sya sa Pagdedesign DAW sa project namin. " Ganyan ka ba magtrabaho o gumawa ng project ? iiwanan mo ng hindi pa tapos ?"

"Ikaw lang naman ang nasusunod." Despensa ko. Totoo naman,ang bossy nya masyado. Nag-angat sya ng tingin pagkatapos ay lumapit sa akin. " ano na naman ?" Utal na tanong ko dahil sobrang lapit nya sakin.

"ang sabi mo,ikaw ang gagawa ng plan at ako ang magdedesign." Taas ang kilay na sumbat nya sabay hawak sa kwelyo ko. " Hindi ako nagreklamo sa Plan na ginawa mo kaya wala kang karapatang pakialaman ang gawa ko." Pinalaki nya pa yung singkit nyang mata bago ako bitawan. " Kung wala ka ng gagawin,magluto ka ng snack natin dahil nagugutom ako."

"Project ang pinunta ko dit---" Pinanlakihan nya ako ulit ng mata. " yeah,sabi ko nga pupunta na ako sa kusina para magluto." Alanganing sambit ko. Nakita ko kung paano sya ngumisi. " By 9pm pala kailangan ko ng umuwi dahil may mga aayusin pa ako sa apartment."

"apartment ? Sa apartment ka lang nakatira ?" Takang tanong nya na para bang diring diri. Ang arte talaga nya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Yes,Ahm ano kasi---

"dont tell me kaya ka nakapasok sa HGU ay dahil scholar ka lang ?" Maka LANG naman to. Tumango ako ulit. "ich beneide dich.(i envy you)"

Huh ? Ano daw ?😶
Loko to ah,minumura na naman yata ako !

"idiot ! Umalis ka na nga sa harap ko !" Singhal nya kaya napaigtad ako.

"Di ko gets,hanapin ko na lang sa google." Sagot ko kaya lalo syang napasimangot at kulang na lang ay ibato sakin yung plywood.

"Subukan mo ! Asido na ibubuhos ko sayo." banta nya. Napakadragona naman nitong babaeng to.😒 " umuwi ka na nga ! wala akong mapapala sayo,nasasayang lang yung laway ko." Singhal nya.She's impossible.Sabi nya magluto ako,tapos ngayon pinapaalis na ako. " Nga pala Nerdy Panget,Ano pangalan ng tatay mo ?"

Makapanget to,akala mo kung sinong maganda.😒
Maganda sya Glaiza,aminin mo na..
Oo na maganda sya ! Kaya lang hindi yata naambunan ng kagandahan yung ugali nya. Tsaka bakit parang naging interesado sya sa daddy ko ?

"Bakit ? Crush mo daddy ko ?" Natatawang tanong ko sabay hagikhik ng mahina. "Ouch ! Ms.Howell !?" Singhal ko. Guys,binato lang naman nya ako ng plywood. Pigilan nyo ako dahil hahalikan ko talaga yang malditang yan !

" Kapal mo ! anyway Ich mag deine Nase.(i like your nose.)" Ayan na,naging alien na naman sya. Pag-aaralan ko na talagang magsalita ng German para hindi ako nagmumukhang tanga sa harap ng palalo na to. "Get out !" Singhal nya ng makita nyang nakatulala lang ako sa kanya.

Eh bakit ba kasi sya nagsasalita ng kung ano ano. Di ko nga maintindihan.
Maka-Get out akala mo aso lang yung pinapalabas.

"what !? F*ckin' idiot ! i said get out ! " Singhal nya kaya nagmamadali akong lumabas ng pinto. Napakamot na lang ako ng ibalibag nya yung pinto. Okay,goodluck talaga sa project namin. " Hoy panget !" Tawag nya.Wow naman ! Namiss agad ako ni sunget😂. Napangiti ako bago humarap sa kanya,Takang nakatingin sya sakin." Ano ? Nasisiraan ka na ba ? bakit ka nakangiti dyan ?" Tanong nya.

I was about to answer her ng bigla nyang ibato sakin yung bag na hawak nya.

" Your Bag,Mag iiwan ka pa ng kalat sa Condo ko." Inis na singhal nya.

"I-im so-sorry.." Nauutal na sagot ko sabay sukbit sa bag ko. " bye Ms.Howell." Paalam ko habang kinakamot yung gilid ng kilay ko.

"Niedlich." Bulong nya bago pumasok sa Condo nya Ano na naman yun ?Ah siguro Ingat yun kasi nga paalis na ako.Ang sweet naman ni Rhian. Haha

Pangiti-ngiti ako hanggang sa makalabas ako ng building na yun ng may biglang humintong Limousine sa tabi ko. Tsk ! Heto na naman sila.

"Señorita,Pinapasundo po kayo si Sr.Gabriel." Sambit ng lalaking nakasuot ng tuxedo at maayos na nakatayo sa harap ko. Nagpalinga-linga ako dahil baka may makakita sa amin.

"Bakit na naman daw ?" Iritang tanong ko.

"May mahalaga po kayong pag-uusapan.Naroon na rin po ang Pamilya ng mga Howell." Napataas ang kilay ko. Bakit nandoon sila ? tapos yung spoiled bratt nilang anak nandun pa sa Condo. Tumango na lang ako at walang anumang sumakay.

Malayo pa lang ay natatanaw ko na yung Mansion ng mga Galura. Ok fine,Mansion namin. Nang makita ng mga guard na paparating yung sasakyan namin ay mabilis nilang binuksan yung Mataas na Gate.

"Good evening po." Bati ko sa mga taong nagkakasiyahan sa Sala.Isa isa ko silang hinalikan sa pisngi.

" Mabuti naman at nandito ka na." Nakangiting sabi ni Daddy pagkatapos ay niyakap ako.Ganon din ang ginawa ni Mommy at nila tito alejandro at tita Minerva. Pagkatapos ng Batian ay agad na kaming dumulog sa hapag kainan.

"Balita ko ay Scholar ka sa H.G.U." Umpisa ni Tita Minerva kaya napatango na lang ako. " Napakatalinong bata,Siguradong matutuwa si Rhian kapag ganyan ang napangasawa nya.Bukod sa Nagmula sa Mayamang Pamilya,Matalino,mabait at napakaganda pa." Halos masamid ako dahil sa narinig ko. Agad akong inabutan ng tubig ng mommy ko.

"Wag mo naman biglain si Glaiza." Natatawang sambit ni tito Alejandro.

"Iha,Tumatanda na kami at gusto namin na mapabuti ang lagay nyo.Bata pa lang kami ay napagkasunduan na namin na ipakasal ang mga magiging anak namin sa isa't-isa,at dahil pareho kayong nag-iisang anak ni Rhian..--"

"Ikakasal kami ?" Putol ko sa sasabihin ni Mommy. Ok,alam kong ang rude ko. " Pero pareho po kaming babae."

"Glaiza,iha..Alam namin na lesbian ka at tanggap ka namin kahit ano ka pa.Tsaka hindi na bago ang Same sex marriage ngayon." Despensa ni Tito Alejandro.

"What about love ?" Takang tanong ko.

"Love takes time." Sabat ni Daddy. "Magpapakasal kayo ni Rhian next week at magsasama sa iisang bubong sa loob ng tatlong taon. Pag-aralan nyong mahalin ang isa't isa hanggang sa makatapos kayo."

"Paano kung hindi ?"

"Kapag hindi nyo minahal ang isa''t isa sa loob ng tatlong taon.." Sabat ni Mommy."Then file an annulment."

Okay,Makakatanggi pa ba ako ?
Eh mukhang nakaplano na ang lahat.
Wag ka ng maarte Glaiza,choosy ka pa..
Rhian Howell na yun oh.

Goodluck talaga sakin.

TO BE CONTINUED...

Yak ! We're MARRIED !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon