Clingy Rhian

5.5K 269 11
                                    

GPOV

"Iha,Napadalaw ka ?" Masayang bati ni Mrs.Howell ng magpunta ako sa mansion nila dahil hinahanap ko si Rhian,Bigla na lang kasing umalis eh. " Nasaan si Rhian?"

Napakamot ako sa kilay ko bago alanganing ngumiti.

"About that..Kaya po ako nagpunta dito ay dahil hinahanap ko po si Rhian." Sagot ko kaya napakunot-noo si Mrs. Howell.

"Nag-away ba kayo ?" Takang tanong nya pero umiling ako. Di naman talaga kami nag-away ah. Di ko lang sya agad nasundan nung lumabas sya ng gymnasium dahil pinipigilan ako ni Maxine. " Iha,alam kong hindi kayo magkasundo ng anak ko..But please,try to understand her.." Nakangiting sabi ni tita. Sinusubukan ko naman eh. "Get to know her,learn to love every details about her..Kahit ganon ang ugali nya,kapag nakilala mo syang mabuti..Sigurado akong magugustuhan mo sya. Kapag pinakita mo sa kanya na sya lang sa buhay mo,I swear ikaw lang din sa buhay nya."

Napaisip tuloy ako.
Kaya ko ba kapag nawala si Rhian ?
Paano ako gigising sa umaga na wala ng maingay ? Tsk ! Bakit ba mahal na mahal ko yung masungit maarteng babaeng yun ?

Glaiza you love her. That's it.

"Sige po tita,una na po ako. Hahanapin ko po muna si Rhian." Paalam ko bago nya ako ihatid palabas.

Muli akong sumakay sa kotse ko at hinanap si Rhian sa kahit saan.
where are you Rhian ? ..
Ala-sais na ng gabi at lalo pang lumalakas ang buhos ng ulan. May Bagyo yata.

"Gail !" Tawag ko sa isang babae na palabas mula sa isang restaurant. Huminto naman ito at takang tumingin sa akin na para bang kinikilala ako.

"Oh My Geeed !!! Baby G. !?" Alanganing tumango ako. Baby G talaga ? G-shock ?😅 " Hindi kita nakilala,sorry. Nice outfit,Ang cool mong tignan."

"Nakita mo ba si Rhian?" Tanong ko kaya napataas ang kilay nya.Baka isipin nya feeling close ako sa leader nila. "Ahm Ano kasi,Kailangan ko syang i-tutor ..malapit na kasi yung exam." Palusot ko.

"Uhm hindi eh,Maaga syang umalis kanina at di na rin sya pumasok nung hapon.May Emergency yata kasi bigla na lang kaming iniwan.Teka,ill try to call her." Sagot nito at mabilis na nag dial sa phone nya.

"Waking up to nothing when you're super far from home
And I watch you fall asleep at night and lay there on my own
Got me begging for affection, all you do is roll your eyes
Broken down, I've had enough
If this is love, I don't want it"

Takang napatingin sakin si Gail pababa sa hawak kong cellphone.Patay ! Nasakin nga pala yung phone ni Sunget na ngayon ay walang humpay sa pagtunog.

"Same pala kayo ng phone ni Rhian ?" Tanong nya habang nakatingin pa rin sa phone na hawak ko. " Hindi nya sinasagot eh."

"Ahm sige wag na lang,puntahan ko na lang sya sa bahay nila." Paalam ko pero pinigilan nya ako.

"alam mo kung saan sya nakatira ?" Takang tanong nya. " Ang alam ko kasi Lumipat na sya ng bahay.."

"Hah ? ahm---lumipat na ba ? akala ko dun pa rin sa dati,sige una na ako. Kausapin ko na lang sya bukas." Paalam ko ulit at mabilis ng umalis. Saan ba kita hahanapin Rhian ?😭 Mall lang ang alam kong pinupuntahan nya eh. Nagmaneho ako ulit at pilit syang hinanap kahit halos hindi ko na maaninag yung daan.

Huminto ako sa isang bakanteng lote at sinubsob yung mukha ko sa manibela,papatayin ako nila tito alejandro kapag may nangyaring masama sa anak nila,at papatayin ako ng konsensya ko kapag hindi sya nakabalik sa bahay. Double Dead.😨😨😨
Pasado alas syete na ..Baka nasa bahay na yun.Mabilis kong iniliko yung sasakyan ko at deretsong umuwi sa penthouse.

"Rhian ???" Tawag ko habang sinisindihan yung mga ilaw.Agad kumalat ang liwanag at hinanap ko sya. " Rhian ??" Tawag ko ulit bago ako kumatok sa pinto ng kwarto nya,but to my dismay..There's no sign nandito sya. Napaupo ako sa hagdan at unti-unti ng namuo yung luha sa mga mata ko."Im sorry ...." Umiiyak na sambit ko kahit hindi ko naman alam kung ano ang kasalanan ko. " Im sorry kung napasok ka sa sitwasyong to.."

"idiot..." Napatuwid ako ng upo at automatic na nagtama ang mga mata namin ni Rhian.Nakatayo sya sa main door at basang basa ang suot nyang uniform. Patakbo akong lumapit sa kanya at agad syang niyakap.

"You're here ...You're already home." Umiiyak na sabi ko habang yakap sya.Wala akong pakialam kahit mabasa yung damit ko.

"i hate you.." Bulong nya kaya nararamdaman ko yung init ng hininga nya.Lumayo ako ng bahagya sa kanya at tinignan sya.Namumutla sya,sh*t ! inaapoy sya ng lagnat!! Mabilis ko syang kinarga na parang bagong kasal at agad dinala sa kwarto nya---este sa kwarto ko. Hindi naman ako makakapasok sa kwarto nya dahil nakalock.

Maingat ko syang ibinaba sa kama ko pagkatapos ay mabilis akong bumaba papunta sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig at palanggana.tsk !
After that ay umakyat na ulit ako at hinanda yung pampalit nya. Nakapikit sya at parang natutulog na.Tsk ! anong gagawin ko ngayon ?---Ganito lang yan Glaiza,Hubarin mo yung suot nyang damit para mapalitan mo.

Bumaba yung tingin ko sa suot nyang Tshirt pababa---Hep ! Heads up Glaiza ! May sakit yan,wag kang manyak !

Unti-unti kong inangat yung tshirt nya at hinubad kaya tumambad sakin yung hinaharap nya este yung bra nya.😅
Witwiw ! Nice abs. Agad kong pinunasan yung mukha nya pababa sa leeg hanggang sa braso nya.

"Hhmmm.." Ungol nya. Hmp ! Bakit ba lahat na lang sayo maganda.Pati ba naman pag-ungol mo ng sexy pa rin pakinggan!?😒 Oxygen naman para sa puso ko. Pagkatapos ko syang punasan ay binihisan ko na sya ng pang itaas.

Okay..Inhale..Exhale..
Kaya mo yan Glaiza. Meron ka rin naman nyan kaya wag ka ng mahiya,ibaba mo na yang suot nyang jeans. whew !😬
Tinakpan ko sya ng comporter para di ko makita kahit maihubad ko na.
Lunok laway.

Pagkatapos ko syang mabihisan ay tumayo na ako para ibaba yung mga ginamit ko at para na rin maipaghanda sya ng makakain. Dapat sya ngayon yung magluluto eh. Naisahan na naman ako.😒

"Glaiza.." Tawag nya kaya napahinto ako. Nananaginip ba sya ? " Panget. " Tawag nya ulit. I rolled my eyes. Okay,hindi sya nananagini,Lumapit ako sa kanya ulit at tinignan sya." Stay here.."

"Ahm,magluluto ako ng pagkain mo para gumaling ka kaagad." Sabi ko sa kanya pagkatapos ay sinalat ko yung noo nya. Mataas talaga yung lagnat nya,kailangan nyang makakain para makainom sya ng gamot. " Magpahinga ka muna dito." Nagulat ako ng yumakap sya sa waist ko.

"Higa ka sa tabi ko.." Ungot nya habang nakapikit. " Please..." Wala na akong nagawa kundi ang mahiga sa tabi nya. Parusa to guys,Hindi ako makahinga sa pinag-gagagawa nya. "Hmmmm..." Agad syang sumiksik sa katawan ko ng makahiga ako. Kailangan siguro nya ng human heat." Glaiza..ehefrau.." Letcheng ehefrau yan,nilalagnat na nang aasar pa eh. Anu ba yun?😒 " Can you sing me a song ???"

Natigilan ako.
Kantahan sya ? Si Rhian ba talaga tong nakayakap sakin ngayon ? Bakit ang clingy nya ? Nakakatakot tuloy. Hinubad ko yung suot kong eyeglass at ipinatong sa bedside table.Hmmm.

"Sa piling ba nya'y ikaw ay may lungkot na nararamdaman.." Umpisa ko sa pagkanta habang nakatitig sa kisame at sya naman ay nakayakap sakin. " Damdamin mo ba'y di maintindihan ? at sa tuwing ako ay nasa iyong isipan,may nakita ka bang ibang kasiyahan ? Nandito lang ako..Naghihintay sayo na mapansin ang aking damdamin,na para lang sayo..oooohh.."

"Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko,Ikaw ang nasa isip ko..ang nais ko ay malaman mo..Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay Pag-ibig ko sayo'y ibibigay..ang nais ko ay malaman mo.." Nilingon ko sya,and to my surprise..Nakatingin sya sakin.. Nakatitig sa akin ang malamlam nyang mata."Na mahal kita.." And with that tuluyan na syang pumikit.Hmmm.

Nang maramdaman kong nahihimbing na sya ay unti-unti na akong tumayo.
Pero bago ako tuluyang lumabas ng kwartong iyon ay muli ko pa syang nilingon.

Maghihintay ako Rhian..

TO BE CONTINUED..

Yak ! We're MARRIED !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon