Yak ! We're Married ! TEASER

13.9K 286 31
                                    

Rhian Marseille POV

"what is wrong with you !? i said get out !!" Inis na sigaw ko sa nerd na tulalang nakatingin sa kagandahan ko.Oo,maganda ako at wala na kayong magagawa doon." what !? ano pang tinitingin tingin mo dyan !?"

Nakailang lunok sya bago magsalita na parang hirap na hirap pa. Sandali nyang inayos yung makapal na salamin na suot nya bago muling tumingin sa akin.
Tinaasan ko sya ng kilay.

"Rhian,this is also my room." Marahang sambit nya. " I am your wife." Eeeew ! kadiri ! Bakit ba hindi man lang sya kinikilabutan na sabihin yun ? I know that she's Gay pero duh ! Sana man lang magkaroon sya ng hiya na banggitin yun sakin.

"i dont fuckin' care idiot !Get your things and leave me alone !" Okay,i know ang harsh ko na sa kanya pero ayoko talaga syang makatabi sa iisang kama. Doon na lang sya kabilang room matulog.

"sunget.."

"what ? May sinasabi ka ?" Mataray na tanong ko sabay irap sa kanya. Bored na tumingin sya sakin bago isa-isang kinuha yung mga gamit nya. " Dalhin mo lahat ng books mo na nagkalat,"

"Kala mo sinong maganda.." Bakit ba ang hilig nyang bumulong bulong ? Naiirita tuloy lalo ako sa kanya." oh sige po Ms.Ramos,lalabas na po ako sa kwarto natin. Mamaya ikaw ang magluto ng dinner natin dahil gagawin ko yung assignments mo ." Sarcastic na dugtong nya habang inaayos yung mga gamit nya na nakapatong sa side table.

"inuutusan mo ba ko ?" Taas kilay na tanong ko sa kanya. Wala pang naglakas loob na utusan ako. Lahat ng tao ay napapaikot ko sa mga kamay ko at malaya kong napaglalaruan.

"Hindi. Pero bilang asawa ko,responsibilidad mo na ipagluto ako." Deretsang sagot nya na parang hindi man lang natatakot sakin. "bye Sunget."

" dont you dare to step out !" Gigil na banta ko. Wala pang kahit sino ang pwedeng tumalikod sa isang Rhian Marseille Ramos,Hindi pa ipinapanganak ang taong mag-uutos sakin.Not her ! " Wag mo akong tatalikuran kapag kinakausap pa kita."

Unti-unti syang humarap sakin at bored na tumingin. Nakakabwiset talaga yung itsura sya. Ang sarap nyang----

"what do you want ?" Tanong nya matapos hubarin yung suot nyang eyeglass. Damn ! She's Hot--ERASE ! Hindi sya hot dahil ang pangit pangit nya ! Old-fashioned at walang dating ! Basta !

"pwede ba ? Isuot mo nga yang eyeglass mo,Nagmumukha kang butiki sa paningin ko !" Singhal ko sabay irap sa kanya.

"Di mo ba alam na gumaganda ka lang sa paningin ko kapag wala akong suot na eyeglass ?" Sarcastic na sagot nya. Ang lakas ng loob nyang sumagot sagot sakin ! Tsaka napapadalas yata ang pagiging sarcastic nya ?. " Now what do you want ? Marami pa akong mas mahalagang gagawin kesa makipag-usap sayo."

Aba't ! Abuso na sya sa pagsagot huh !?

"FYI Miss Glaiza Galura !" I don't know kung bakit Glaiza ang ipinangalan sa kanya ng parents nya but it sounds definitely Cute and Unique---wait ! Binabawi ko na yung cute na sinabi ko.Hindi Cute yung Name nya,Ang sagwa nga eh. "Hindi ako marunong magluto kaya wag mo sakin iutos yun !"

" Marunong ka ba sa Calculus ?" Takang tanong nya bago muling isuot yung peste nyang eyeglass kaya bumalik na ulit sa normal yung pagtibok ng puso ko. " Kasi kung marunong ka,Pwede ka ng wag magluto at ako na lang ang gagawa nun."

Natahimik ako.
Hindi ako marunong magluto at bobo rin ako sa Math.

"Looks like kailangan mo ng magluto." Nakangisi nyang dugtong kaya naibato ko sa kanya yung alam clock na nakapatong sa bedside table.

"bahala ka sa buhay mo ! Idiot ! lumabas ka ng kwarto ko !" Inis na sigaw ko sa kanya.

Tumatawa syang lumabas ng kwarto kaya pabalibag ko iyong sinara.
May araw ka rin sakin Ms.Nerdy !😡

Kung nagtataka kayo bakit kami--este ako napasok sa ganitong sitwasyon..Ako lang.. kasi mukha namang nag eenjoy yung nerd na yun sa sitwasyon namin ngayon.If i know,matagal ng patay na patay sakin yun,ayaw lang ipahalata.

So Back to topic. Magkaibigan ang family namin,Yung daddy nya at daddy ko ay matalik na magkaibigan,Ganon din yung mommy nya at mommy ko. Nagkasundo sila na ang panganay nilang mga anak ay dapat maging mag-asawa,Ni hindi man lang nila naisip na baka pareho yung gender ng magiging mga baby nila.
At dahil Nag-iisa akong anak,At ganon din sya..Ayun,kaming dalawa ang pinakasal. Ang galing diba ?

Tok tok tok !

Sino na naman kaya tong istorbong to ?
Pabalang kong binuksan yung pinto at tumambad sakin si cutie Glaiza--Este si Nerd panget.Bakit ba ako nag-iisip kung sino ang kumakatok eh dalawa lang naman kaming nakatira dito sa penthouse. Napataas ang kilay ko sa itsura nya. Nakamessy bun sya at loose tshirt paired with maong short shorts. Hindi ba sya aware na ang sexy nyang tignan !? Di pala sya sexy,ang baduy nga eh.

weh ?

"Ano na naman ba ang kailangan mo !?" Inis na tanong ko habang inilalayo yung ulo nyang nakasilip sa loob ng kwarto ko gamit ang hintuturo ko. " What ? Yang ulo mo trespassing na."

"Grabe !" Bulong nya na mukha namang hindi bulong dahil rinig na rinig ko. " Nagugutom na ako. Magluto ka na,pwede ?" Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Magpapadeliver na lang ako." Balewalang sagot ko sabay sara ng pinto. I was about to Get my phone ng muli na naman syang kumatok. Kainis ! Di ba sya makapaghintay !? " What again !?"

Nagulat ako ng hilahin nya ako palabas ng kwarto. Mahigpit ang kapit nya sa braso ko kaya hindi ako makapalag.
Tuloy tuloy kaming bumaba sa first Floor at deretso nya akong hinila papuntang kusina.

"Cook." Utos nya.

Nameywang ako sa harap nya habang tinitignan sya ng masama. Hindi ba nya maintindihan na hindi ako marunong magluto !? Ipinanganak akong may gintong kutsara sa bibig. Ako ang pinagsisilbihan ! At never akong gagawa ng kahit ano para sa isang tao lalo na sa kanya !

" I said i dont know how to cook ! F*ck !" Galit na sambit ko. " Why dont you cook dinner for us !?" Ni hindi ko nga alam kung marunong ba syang magluto.

"Magluluto ka sa ayaw at sa gusto mo." Mariing sambit nya. Napaawang ang bibig ko. Walanghiya,hindi ba sya makaintidi ?! Ang talino naman nya sa klase tapos ngayon parang wala syang naiintindihan sa mga sinasabi ko. " Tawagin mo ako kapag kakain na."

Balewalang umalis sya sa harap ko.
Bwiset !!!

******

Yak ! We're MARRIED !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon