Aking Buwan

252 4 0
                                    

Aking Buwan
vjheyangv

Ikaw ang aking buwan
Sa malawak na kalawakan
Bituing makikinang ika'y napalilibutan
Sana ako'y huwag makaligtaan.

Ikaw ang nagbibigay sa akin ng kaligayahan
Gabi-gabi gusto kang pagmasdan
Ngunit pakikitungo'y naging malamig kamakailan
Mga salita tila ba nagbabadyang lilisan.

Hindi ko mawari kung ano ang dahilan
Ngunit 'di ko matatanggap kung ika'y lilisan
At hindi ko kakayaning pagmasdan
Na ang aking buwan binibigay na ang liwanag sa ibang kalawakan.

Sana ako'y huwag makaligtaan
Kahit na 'di pa tayo nagkita ng ilang buwan
Pandemiyang kinakaharap huwag sanang maging dahilan
Upang mabuwag binuong pagmamahalan.

Ilang beses na sinubukan ng kapalaran
Pilit pa rin na susuungin ang ulan
Sana' y walang sukuan
Puso mo'y huwag sanang makalimot aking buwan.

VJHEYANGV L I T E R A T U R E S 💜✨Where stories live. Discover now