Pangako
Jheavv1918 ✨Mula noong tayo'y nagkakilala
Lahat ng luha ako'y may kasama
Sa gitna ng ulan
Naging karamay ko mga kaibiganSa tinatahak nating daan
Pangako sa isa't isa walang iwanan
Hindi na tayo lalakad mag-isa
Sapagkat tayo'y magkakasamaAng ating pagkakaibigan
Hindi magbabago kailanman
Dumaan man ang kaguluhan
Hindi nito mabubuwag pundasyon ng pagmamahalanKahit minsan ay magkalayo
Puso pa din ay konektado
Mga ala-ala ay nasa aking puso
At hindi mabubura ang pangako...
YOU ARE READING
VJHEYANGV L I T E R A T U R E S 💜✨
PoetryThis are the compilation of my works and other helpful matters for all the students