SAWIKAIN

41 0 0
                                    


1. Abot-tanaw

Kahulugan: Naaabot ng tingin Halimbawa: Abot-tanaw ko na ang aking pangarap.

2. Agaw-buhay

Kahulugan: Naghihingalo; malapit nang mamatay; muntik nang maputulan ng hininga

Halimbawa: Agaw-buhay na nang dalhin sa ospital ang lola ni Andrea.

3. Agaw-dilim

Kahulugan: Malapit nang gumabi

Halimbawa: Bilisan na natin dahil mag-aagaw dilim na.

4. Ahas

Kahulugan: Taksil, traydor

Halimbawa: Alam mo namang ahas iyang si Belinda, bakit kinaibigan mo pa?

5. Alilang-kanin

Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.

Halimbawa: Kawawa naman ang alilang-kanin na si Perla.

6. Alog na ang baba

Kahulugan: Matanda Halimbawa: Alog na ang baba ngunit ayaw pa rin tumigil sa pagta-trabaho ni Lolo Lito.

7. Alsa balutan

Kahulugan: Naglayas Halimbawa: Nabalitaan ko na nag-alsa balutan daw ang anak mo.

8. Amoy pinipig

Kahulugan: Mabango, nagdadalaga

Halimbawa: Hindi na daw kasi amoy pinipig si Aling Grasya kaya iniwan na ng asawa.

9. Amoy tsiko

Kahulugan: Lango sa alak, lasing

Halimbawa: Bakit amoy tsiko ka na naman?

10. Anak-dalita Kahulugan: Mahirap

Halimbawa: Kahit anak-dalita ay naabot pa rin ni Abel ang kanyang pangarap.

11. Anak-pawis Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao Halimbawa: Ipinagmamalaki kong ako'y anak-pawis.

12. Anghel ng tahanan Kahulugan: Maliit na bata Halimbawa: Si Mikay ang anghel ng tahanan namin.

13. Asal hayop Kahulugan: Masama ang ugali Halimbawa: Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung taong asal hayop.

14. Bahag ang buntot Kahulugan: Duwag Halimbawa: Doon ka sa mas matapang sayo makipaghamon ng away, huwag kay Lino na bahag ang buntot.

15. Bakas ng kahapon Kahulugan: Nakaraan, alaala ng kahapon Halimbawa: Ang mga nangyari noon ay bakas ng kahapon na lamang.

16. Balat kalabaw Kahulugan: mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng hiya Halimbawa: Binalaan na kita noon pa na balat kalabaw talaga yang si Marta.

17. Balat-sibuyas Kahulugan: maramdamin o sobrang sensitibo ang damdamin Halimbawa: Noon pa man ay balat-sibuyas na iyang si Angge kaya piliin mo lamang ang mga sasabihin mo sa kanya.

18. Balik-harap Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran Halimbawa: Nakakainis talaga ang mga taong balik-harap.

19. Balitang kutsero Kahulugan: Maling balita, hindi totoong balita Halimbawa: Hindi ako naniniwala sa mga balitang kutsero ni Aries.

20. Bantay-salakay Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan Halimbawa: Bantay-salakay iyang apo ni Ka Doray.

21. Basa ang papel Kahulugan: Bistado na Halimbawa: Basa ang papel ngunit ayaw pa ring aminin ni Roy ang kanyang kasalanan.

VJHEYANGV L I T E R A T U R E S 💜✨Where stories live. Discover now