Hindi siya sumagot at tumahimik na lamang ulit ako. Nang makarating kami ng RU ay huminto ang sasakyan niya sa tapat nito. I removed my seat belt and looked at him.

"Thank you." I said and opened the door.

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at lumabas na ako ng kotse niya. Dire diretso lamang ako hanggang sa makapasok sa room. I sat on my chair at pakiramdam ko ay ngayon lamang ako nakahinga nang maayos.

Damn, what's wrong with me?




I focused myself in our class kahit pa pahapyaw hapyaw ang pagpasok ni Kuya Ryoga sa isip ko. I feel so disturbed dahil naiisip ko siya. Naiinis ako sa sarili at hindi ako mapakali.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Axel sa akin habang kumakain kami ng lunch.

"O-oo naman."

"Axel, taste this. Mukhang masarap 'to!" Ritsumi said.

She's with us at kasabay namin siyang kumaing apat. Wala pa raw siyang nagiging kaibigan rito kaya kami ang sinasamahan niya. Medyo naweweirduhan nga lang ako sakaniya dahil mula kanina ay puro si Axel ang pinapansin niya. I don't know if pansin din ba nila Lei at Luther 'yon. But don't get me wrong ha? I am not jealous or what. Nag tataka lang talaga ako dahil sa pagkakaalam ko ay si Luther ang gusto niya, so dapat si Luther ang kausapin niya at pansinin niya always. Not Axel.

Axel accepted the food with an awkward smile atsaka siya tumungin kay Luther. But Luther looks like he doesn't care at all. He doesn't even bother.

After naming mag lunch ay bumalik na ulit kami sa classroom. Kaming tatlo lang ni Luther at Leinah ang magkakasamang bumalik dahil nagpahatid pa si Ritsumi kay Axel sa room niya which is nasa kabilang building pa. I looked at Luther and he is just reading a book.

"Ther." Tawag ni Lei sakaniya at tahimik lang talaga siya.

"Bakit?" He closed his book and looked at her.

"Bakit kay Axel nagpahatid si Ritsumi? Bakit hindi sa'yo?"

Huminga nang malalim si Luther at nagkibit balikat.

"Did you two fight?" Singit ko sa usapan nila.

"No. Siguro may gusto lang malaman si Ritsumi tungkol sa'kin kaya si Axel ang nilalapitan niya."

Sasagot pa sana si Leinah pero tumahimik kaming tatlo nang biglang dumating si Axel. Pawis na pawis siya at halatang tinakbo niya ang kabilang building hanggang dito.

"I thought I was late." He said at umupo ito sa tabi ko. Hinahabol niya pa rin ang hininga niya at inabutan ko siya ng tissue.

"Punasan mo mukha mo."

"T-Thanks." He smiled at me.


Lumipas ang ilang oras nang pag aaral namin at uwian na rin sa wakas. Inipon ko ang mga gamit ko sa mesa at nilagay ang lahat sa bag ko.

"Uuwi ka na niyan?" Tanong ni Axel sa akin habang hinihintay akong matapos sa pag liligpit ko.

"Yep. Wala naman tayong lakad na magkakaibigan 'di ba?"

"Wala. Uwi tayo nang maaga." Lei answered.

"Ako na riyan."

Inagaw ni Axel ang paper bag na hawak ko na may lamang mga libro. May mga activities kasi kaming tatapusin kaya nang hiram ako kanina sa library ng mga books.

"Naol gentleman." Pang aasar sakaniya ni Luther.

Finally he talked! Kanina pa siya tahimik e.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now