"Anong bawal?! Sinong nagsabing bawal?!" napalingon ako kay Kid na isa sa kasama kong pharmacist na may kausap na customer.

"Ma'am, bawal po kasi—"

"Eh, bakit sa kabilang botika nagbibigay?!" she exclaimed exaggeratedly.

Natahimik kaming lahat, lalo na no'ng pinagtitinginan na naman ang mga customer na iba sa counter.

"Ma'am, gano'n po kasi talaga—"

"Hindi! Bakit noong nakaraan naman sa kabila binigyan ako! Dito sa inyo hindi! Anong klaseng serbisyo iyan!" she hissed.

Kid looks confused, nakita kong lumingon siya at nang magtagpo ang mata namin ay nahalata kong humihingi siya ng tulong.

"Go, Lia..." ani ni Ma'am kaya tumango na ako at lumapit sa kanila.

Gumilid si Kid nang makita na akong palapit, with a small and soft smile on my lips, I spoke.

"Hello, Ma'am, ano pong sadya nila?" I said kindly to her.

Tumikwas ang kanyang kilay, binuksan ang abaniko at masungit akong tinignan.

"Ayan, oh! 'Yang tonta niyong kasama, ayaw akong bigyan ng gamot eh, no'ng sa kabila nga nagbibigay!" she exclaimed.

The truth is, I was nervous, kaunti. May mga ganitong customer talaga and they're scary, lalo na kapag nagtataas ng boses pero kinalma ko ang sarili at hindi na masyadong naaapektuhan. Nasanay na rin kasi sa ilang taon ko sa trabaho at 'di na mabilang ang sigaw sa akin.

A part of my job is to be patient in customers like this.

"Ano po bang bibilhin niyo, Ma'am?" I asked.

"Clindamycin!" she hissed and I nodded, lumapit pang lalo sa counter at nagsalita.

"P'wede po bang makita ang reseta niyo?" I asked and smiled at her.

I saw her stopped, nag-alangan siya pero umirap at pinaypay ang abaniko.

"Wala! Anong reseta, kailangan ba iyan?!" she hissed at me and I calmly nodded at her, tumitipa sa computer bago siya hinarap.

"Yes, Ma'am, antibiotic po kasi ito. Hindi po ibibigay kapag walang reseta—"

"Eh, bakit sa kabila?!" she hissed at me, tumalsik pa ang laway kaya tumikhim ako at medyo umatras pero muling ngumiti.

"Para saan po ba gagamitin?" I asked him.

"Sa pimples!" aniya. "Eskinol tapos Clindamycin!"

Oh, I knew it...hindi ko alam bakit nasanay ang mga Filipino sa maling paraan ng paggamit ng gamot.

"Sorry, Ma'am, pero hindi po para sa pimples ang gano'n, oral po ang gamot kaya sa bibig at hindi dapat na binubudbod—"

"Anong mali?! Hindi mo ba alam na gano'n 'yon?!" halos lumabas na ang ngala-ngala niya roon.

"P'wede ko po ba malaman saan niyo nalaman 'yon?" I asked.

"Sa kapit-bahay ko!" she exclaimed. "Pharmacist ka, 'di mo alam?!"

"Sorry, Ma'am pero hindi po kasi—"

"Palibhasa kasi tindera lang kayo!" she hissed.

That was below the belt but I managed to stay calm, that's what people thinks we do. Hindi nila alam ang hirap namin just to get the license kaya siguro ganyan sila.

I wanted to tell her what antibiotic resistance could do to her but I know she won't listen kaya I'll try to explain.

"Ma'am, hindi po kasi nagbibigay ng walang reseta dito, atsaka po bawal ang paggamit ng antibiotic na capsule tapos ihahalo po sa eskinol—"

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon