Napangiwi ako. Hindi talaga ako para sa ganitong trabaho.

Nakita ko ang office sa dulo kaya naglakad ako patungo roon. Wala akong nilingon ni isang employee dahil mukhang busy naman ang lahat.

"Uhm... excuse me," tawag ko sa atensyon ng sekretariyang nasa labas.

Nag-angat ito ng tingin sa akin bago ngumiti. "Ipasok niyo na po."

I smiled back at her. Siya marahil ang kausap ko kanina sa telepono. I knocked three times before opening the door.

Itinago ko ang gulat sa mukha ko nang makitang kausap ni Mr. Castillo si Bethany. Napansin nila ako kaya bahagya silang tumigil sa pag-uusap. Bethany didn't look surprised. Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya.

"These are your orders, Sir," I said.

Ipinatong ko ang paper bags sa mesa bago nag-angat ng tingin.

Mr. Castillo smiled. "Ikaw ang owner ng The Slice, hindi ba?"

"Yes, Sir."

"Ikaw pa talaga ang nag-deliver. You're hardworking."

Tumayo ito at lumapit sa paper bags na dala ko. Marami-rami siyang inorder para siguro sa ibang employee.

"Thank you, Sir. Marami po kasi kaming deliveries ngayon kaya nag-division of labor kami."

He nodded before glancing at Bethany. Tumayo naman ang babae at lumapit din sa pwesto namin.

"I'll get going, Sir," I said.

Tumango lang ang lalaki. Tumingin ako kay Bethany at bahagya rin siyang nginitian bago tuluyang lumabas ng office. Ang sekretarya ang nag-abot sa akin ng bayad kaya nakatuloy na ako sa paglabas ng building.

Sasakay na sana ako ulit sa kotse ko nang nakita ko si Bethany na tumatakbo patungo sa pwesto ko. Her hair was a bit disheveled. Kumakaway pa ito sa akin.

"Ano 'yon?" tanong ko nang makalapit siya. "May problema ba sa orders?"

Umiling ito habang hinahabol ang paghinga. Sumandal ako sa pinto ng kotse ko at hinintay siyang makapagsalita nang maayos.

"Are you busy?" aniya.

Inayos niya ang kanyang buhok at nagtatanong ang matang tumingin sa akin.

"Hindi naman, bakit?"

She shifted her weight. "Can we talk?"

"Para saan?" tanong ko, bahagyang kinabahan.

"Let's grab a tea!"

Pumayag ako sa sinabi niya dahil sa kuryosidad. My heart was beating loudly against my chest. Isa lang kasi ang nasa isip kong pag-uusapan namin at si... Duke iyon.

Nang mai-serve sa amin ang orders, sumandal siya bahagya sa upuan at pinasadahan ng daliri ang buhok. I, on the other hand, remained calm.

"About your case..."

My brows furrowed. I blinked a few times before narrowing my eyes at her.

"Case? What case?"

She was a corporate lawyer, and I couldn't remember ever infringing on anyone's rights in my business.

She gave me a puzzled look. "Iyong ipinapaasikaso mo kay Laurence."

Lalong kumunot ang noo ko. What's going on?!

I shook my head. "Hindi na kami nag-uusap ni Duke... so I don't know what you're saying."

She looked annoyed. Humigop siya ng tsaa bago muling tumingin sa akin. Nakakunot ang kanyang noo at magkasalubong ang dalawang kilay.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon