Chapter 7

2.7K 93 33
                                    

Chapter 7

Masakit mang aminin pero I had fun with DJ today. Sobra kong naenjoy, especially nong pumunta kami sa playpen. Also, nakita ko ang isang side ni DJ. ‘Yung hindi pala-inis. May ganun pala siyang side. Ngayon ko nga lang narealize.

But that doesn’t mean that he’s already an angel to me. He’s still a spawn from hell. Sobrang persistent niya! Ayaw ko na ngang magpahatid sa kanya pauwi pero pinipilit pa rin niya! Maaga naman kaming natapos at tinext ako nila Julia na pupunta sila dito sa mall kaya naman pinapauna ko na siya kaso ayaw niya. Kesyo siya raw ang nagdala sa akin dito, siya rin daw dapat ang maghatid sa kanya pauwi.  Naiintindihan ko yun pero, nakapag-paalam na kasi ako kila Mama na kikitain ko nga sila Julia dito.

“Ganito na lang, hintayin ko na lang makita mo sila Julia tapos aalis na rin ako. Ayos na ba ‘yun?” tanong niya sa akin. Okay na rin siguro ‘yun. Kaysa naman sa samahan pa niya kami.

“Sige pero, promise me, you’ll leave immediately after natin silang makita,” sabi ko. Tumango na lang siya at tumingin sa paligid. Minutes later, nakita ko na sila Arisse na papunta sa amin. Tumayo na ako at tiningnan si DJ.

“O, andyan na sila. Pwede ka nang umalis,” sabi ko sa kanya nang mapansin kong hindi pa rin siya umaalis.

“Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid pauwi?” tanong niya ulit.

“DJ! You promised me! Now, scoot!” sabi ko sa kanya at tinulak ko pa siya palayo. Buti naman at umalis na nga siya bago pa man tuluyang makalapit sa akin sila Julia at Arisse.

“So, how’s your date?” tanong ni Arisse sa akin.

“It was okay,” sabi ko at naglakad na kami papunta sa department store.

“Okay lang ba talaga? Wala bang sparks?” pang-iinis ni Julia sa akin. Nakitawa naman si Arisse sa kanya.

“Ano ba! Wag nga kayong makulit,” sabi ko pero tumawa pa rin sila. Mga kaibigan ko nga talaga ang mga ito.

xyz

Pagkarating ko sa bahay ay chineck ko ang phone ko kung may text ba. Hindi naman ako nabigo dahil nagtext si DJ sa akin.

From: DJ

                Naka-uwi ka na ba?

 

Yes, naka-uwi na ako…

 

Hinatid ka?

 

Yep. Why?

 

Wala lang. Sino naghatid sa’yo?

 

The Devil's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon