Epilogue

3.2K 94 8
                                    

Thank you for making it this far <3 :*

============================


"Theo, stop running!" sigaw ko sa apat na taon kong anak na lalaki. Nasa park kami ngayon because it's a Sunday.


"Don't worry about him, Mom. He really likes to run around," sabi naman ng panganay kong si Thea. Nginitian ko naman siya tapos ay hinalikan ang ulo.


It's been five years, and I am so overwhelmed. I never thought na aabot pa kami sa ganitong stage. Sino bang nag-expect, diba? We were like cats and dogs, laging nag-aaway at nagbabangayan. Well, hanggang ngayon pa rin naman ganoon kami, a toned-down version only.


"Hey, where's Theo?" tanong ni DJ sa akin na kakalapit lang sa amin. Naghanap pa kasi siya ng parking kaya pinauna na niya kami.


"He's running around, Dad!" sagot ni Thea sa tatay niya. Binuhat naman siya ni DJ at naglaro sila. Naalala ko tuloy kung paano namin sinabi kila Mama, Papa at sa mga magulang ni DJ na magkaka-anak na kami.


xyz



"Ma, I'm pregnant, and si DJ po ang ama," mahina kong sabi. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila. Di nga kami bumibisita sa kanila madalas


Laking gulat ko na lang nang napahalakhak si Papa and si Tito. Napatili naman sila Mama and Tita.


"What's happening?" tanong namin sa kanila.


"Finally!" sigaw ni Tito.


"Ariel happened to me?" dugtong naman ni DJ kaya nasapok siya ni Tita.


"Loko 'to! Pero, sa wakas, magkaka-apo na tayo kumare!" sabi ni Tita at nagyakapan sila ni Mama.


"Uhm, hindi po kayo galit?" tanong ko sa kanila. I am quite surprised na hindi ako sinisermunan ng mga magulang ko ngayon. Growing up, they always told me that there was always a time for everything and dapat ay pinaprioritize ko muna ang sarili ko bago magcommit at gumawa ng pamilya.


"Of course, we're not mad! Ang tagal na naming hinintay ito!" sabi ni Mama at nagpatuloy sila sa pagsasaya.


xyz


"Hey, natulala ka na naman," sabi ni DJ sa akin at napatingin naman ako sa kanya. Nakita ko namang naglalaro sa may harapan namin si Thea at Theo.


"Nothing, just remembered something," sabi ko sa kanya. Hinila naman niya ako tapos ay humiga siya sa lap ko. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay iyon sa ulo niya. Hinaplos ko naman ang buhok niya. Gusto niyang ginagawa ko iyon lalo na kapag kakagaling lang niya sa trabaho.


"Hey, kasal na nila Patrick and Arisse next week. May regalo na ba tayo?" tanong niya sa akin. Napangiti naman ako.

The Devil's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon