Chapter 10

2.2K 84 5
                                    

Three months have passed... Pero ganon pa rin ang nangyayari sa akin. 

Every day, nakikita ko kung gaano ka-sweet si Arisse at si DJ. Sinagot na ni A si DJ three weeks after nitong manligaw at after non, hindi na sila tumigil sa pagiging sweet. Habang ako, minsan bitter, madalas wala nang pakialam. Para saan pa diba? As if that could change something. 

Pero, enough about that part. Nakakadiri na rin kung minsan e. Akalain mo nga naman, halos kalahati ng buhay ko, kinaiinisan ko si DJ tapos biglang ganito? Ako 'tong nalulungkot dahil may unrequited crush ako? Gaga. Gaga. Gaga. Sarap ulit-ulitin sa sarili ko yan. 

Ano baaa, tigilan na natin 'to! I have other things to focus on. Katulad na lang nitong JS Prom. Dahil Seniors na kami, kailangan naming ayusin kung paano ang takbo ng program. Section pa naman namin ang na-assign.  Next month na pa naman ito!

"Masquerade na lang theme natin! Hindi pa natin nattry yun!" sabi ni Julia.

"Ano? Gusto niyo na ba 'yun? Para masulatan na natin ng letter si Ms. Alvarado," sabi ko. Baka kasi mamaya mahuli pa kami sa pagpasa tapos pagalitan niya pa kami. Mahirap na.

Pumayag naman kaming lahat sa nagpag-usapan na gawing Masquerade ang theme namin. Tinuloy pa naman namin ang pag-uusap, kung paano ang design ng stage, ng invitations, at ng kung ano-ano pa. Syempre, legacy din naman ito kasi ito na ang last year namin. Nang matapos namin ay pumunta ako sa computer room para maitype ko na ang letter at maibigay kay Ms. Alvarado.

"Ouch. Sorry!" sabi ko nang may nakabunggo ako.

"That hurts! Why aren't you looking ba at the corridor while you're walking, you four-eyed nerd!"

 Ito pa pala yung isa kong problema.

"What the hell, Zharm. Nabunggo lang kita tapos ganyan agad reaction mo? Edi wow!"

"Well, you totally deserve it!" sabi niya tapos ay tinulak ako ulit.

"Woah there, anong nangyayari dito?" 

Biglang lumapit si DJ at hinawakan ang balikat ko.

"I'm not doing anything!" deny ni Zharm. What the hell? Dumating lang si DJ tapos ganyan na siya mag-deny? May girlfriend na 'to, ategirl! Wala na tayong pag-asa dyan!

"Wala ka mang ginagawa o meron, don't mess up with this girl. She's my friend," sabi ni DJ na dahilan naman kung bakit sumimangot 'tong si Zharm. Padabog siyang umalis kaya naman naiwan na kami sa corridor.

"Ayos ka lang?" tanong ni DJ sa akin habang nakaharap siya sa akin at nakahawak sa balikat ko. Tumango na lang ako dahil hindi ko kayang magsalita.

I was just staring at his brown pools. Napaka-expressive ng mga mata niya. Ang mga mata niya ang pinakapaborito kong parte ng katawan niya. 

"Ano, kaya mo nang mag-isa ha? Wag ka nang makikipag-away!" sabi niya tapos umalis na. May bonus pa akong kaway. Oh, what are you doing to me?

The Devil's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon