Nakita ko naman si Aiken na nakangisi at napapailing-iling pa.



"Ayaw mo ba mag girlfriend kuya mo?" Tanong naman ni Zayen.



"Gusto pero hindi pa ngayon. Bakit may angal ka?" Tanong ko sa kanya.



"Woah! Easy, magka-ugali talaga kayo ng kuya mo." Natatawang sabi niya.



Nagtuloy-tuloy ang laro ng hindi ako natututukan ng bote. Nainip naman ako kaya lumabas muna ako at nag-punta sa may garden.



Tahimik akong naka-upo at naka-tingin sa langit ng maramdaman kong may tao. Nilingon ko iyon at nakita ko si Aiken na nakatingin pala sa 'kin.



"Hi," Nahihiyang bati ko.



"Hi," Sagot naman niya at umupo sa tabi ko.



Nakakabinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Hindi ko naman kasi alam kung nasa mood siyang makipag-usap.



"Why are you here?" Tanong niya ng hindi tumitingin sa 'kin.



"Uh, na bored na kasi ako sa laro nila." Sabi ko.



Hindi naman siya sumagot at nanatiling nakatingin sa kung saan.



"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Pagbabalik ko ng tanong.



"Same as yours." Sabi niya.



"Uh, okay." Sabi ko nalang.



Natahimik na naman kaming dalawa. Nakatingin lang ako sa langit ng magtanong siya ulit.



"Is that how you treat your brother?" Tanong niya.



Naguluhan naman ako sa tanong niya kaya tumingin ako sa kanya at kinunutan siya ng kilay kahit hindi naman niya makikita dahil tutok siya sa harapan niya.



"Ang alin?" Naguguluhan kong tanong.



"You kissed his cheeks." Sabi niya.



"Ah, oo, lagi ko yun ginagawa everytime na dadating siya." Paliwanag ko.



Napatango-tango naman siya.



"Bakit mo pala na itanong?" Curious na tanong ko.



"Nothing. Just don't do it again." Sabi niya saka tumayo at bumalik na sa loob.



Huh? Anong problema nun? Eh kuya ko naman yun kaya ayos lang na ikiss ko siya.



Pumasok nalang ulit ako sa loob at nakita ko silang nagtatawanan na. Tinignan ko naman si Aiken na seryosong nakaupo.



"Kyn! Upo ka muna dito sa tabi ko, mag kwentuhan muna tayo." Aya sa 'kin ni Zayen.



Tumango nalang ako at umupo sa tabi niya. Wala rin naman akong gagawin kaya ayos lang.



"Kyn-Kyn totoo ba yung sinabi ng kuya mo na ayaw mo sa mga player?" Tanong ni Zayen.



"Uh, oo eh." Sabi ko.



Totoo yun ayaw ko talaga sa mga players.



"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ni Acel.



"Baka paglaruan lang din kasi nila yung feelings ko saka busy sila sa pagttraining." Paliwanag ko.



Napatingin naman ako kay Aiken na nakatingin sa 'kin. Naiigting ang panga at parang gustong ipamukha sa 'kin na hindi lahat ng players ganun.



Iniwas ko nalang ang tingin ko at tinignan si Zayen na nakangiti sa 'kin. Parang tanga 'to si Zayen. Hindi ata naka-inom ng gamot niya.



"Ako hindi ko paglalaruan feelings mo at ilalaan ko sayo lahat ng oras ko." Proud na sabi niya.



"Wag yan ang piliin mo, maraming babae yan hindi ka rin niyan mabibigyan ng oras." Panira ni Nef ng diskarte ni Zayen.



"Marami ka daw babae eh." Pagsakay ko sa trip ni Nef.



"Hindi ah! Niloloko ka lang niyan ni Nef." Pagliligtas naman niya sa sarili niya.



"Psh. Tigilan mo na nga yang kapatid ko." Inis na sabi ni kuya. "Mag ligpit na kayo at umalis na." Dagdag pa niya.



Wala namang nagawa ang mga loko at naglinis nalang. Pagkatapos maglinis ay hinatid ko na sila sa labas. Hindi na sumama si kuya dahil may inaayos daw siya.



"Alis na kami." Paalam nila.



"Sige, ingat kayo." Sabi ko naman.



Maglalakad na sana ako papasok ng makita ko si Aiken na hindi pa umaalis. Tinignan ko siya at nagtama ang mata namin.



"You don't like players, Huh? Then I'll change your mind." He said and leave me dumbfounded.


-🤗

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon