Chapter 16

20 5 0
                                    


Hoy! Kinikilig ako! Mainggit kayo please. Gusto niya daw ako. Akalain mo yun yung crush ko crush din pala ako.



Kayo kase yung crush niyo may crush ng iba. Tapos sa inyo pa magtatanong at manghihingi ng advice. Not knowing na nasasaktan kana.



Wag kayo mag-alala dadating din yung para sa inyo, nauna lang yung akin. Hahaha! Hoy baka magalit kayo sa 'kin ah?



Gusto ko lang naman iparating na huwag kang magmadali darating at darating din yung taong magmamahal at handa kang ipaglaban.



Back to my love life. Ayun nagka-aminan na. Hindi man lang siya nahiya, diba halos lahat ng mga umaamin hindi naman ganun? Siya pa lang yung alam ko na chill lang habang umaamin sa taong gusto niya.



Hindi na ako naka-kain kagabi dahil sa sinabi niya. Napatay ko pa bigla yung tawag dahil sa gulat.



"Pandak! Bakit tulala ka diyan ha?" Tanong ni kuya.



"Si Aiken kasi.." Pangbibitin ko.



"O anong nangyari sa kanya?" Tanong niya.



"Umamin kasi siya sa 'kin kagabi na gusto daw niya ako." Sabi ko kay kuya.



"Anong sinabi mo?" Biglang sumeryoso si kuya.



"Wala, napatayan ko ng tawag. Nagulat kasi ako huhu." Naiiyak na sabi ko.



"Anong balak mo?" Tanong niya.



"Magpapakasal na ako sa kan—- ARAY!" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil pinitik ni kuya yung noo ko.



"Anong magpapakasal?! Ang bata mo pa Laikyn!" Galit na sabi ni kuya.



"Kuya naman joke lang yun! Masyado ka namang O.A!" Sabi ko sa kanya.



"Wag mong binibiro-biro sa 'kin yang kasal kasal na yan! Sasamain ka talaga sa 'kin." Galit pa rin na sabi niya.



"Oo na, wag kana magalit." Sabi ko sa kanya.



"Umayos ka Laikyn ha." Sabi pa niya.



Para talagang si Papa 'to sa sobrang protective sa 'kin. Kung nandito lang si Mama sigurado tumatawa na yun.



Umupo muna ako sa sala para manood ng movie na pinapanuod ni kuya. Hindi ko naman maintindihan yung pinapanood niya kaya nag cellphone nalang ako.




Nag scroll lang ako sa Facebook at nakita ko yung pose ni Zayen na pinagtripan daw siya ng kapatid niyang babae. Nag comment naman agad ako.



Laikyn Velasquez: Ang ganda mo naman girl! Yes yuff 22o no lies.



Nabasa naman niya agad yun at nag-react ng heart.



Zayen Silvero: Talbog ang ganda mo girl!



Loko talaga! Tinawanan ko nalang iyon at nag scroll nalang ulit. May nag pop-up naman na notification na may nag-chat daw sa 'kin. Tinignan ko naman iyon agad.



Aiken Jace Furrer: Are free today?



Agad ko naman siyang ni replyan.


Laikyn Velasquez: Always free for you beybee.



Natawa nalang ako sa ni reply ko sa kanya. Paniguradong namumula 'to ngayon sa kilig. Hahaha!



The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon