Chapter 9

27 4 1
                                    


Tangina?



Tulala ako ngayong naglalakad papunta sa kwarto. Hindi ko maintindihan kung anong trip ng lalaking yun at gustong gusto niyang binabaliw ako ng ganito.



Naupo ako sa kama ko ng tulala pa rin. Sino ba namang hindi matutulala sa mga sinabi nung lintik na Aiken na yun? Pota! Hindi ko na alam gagawin ko.



You don't want players, huh? Then I'll change your mind.



You don't want players, huh? Then I'll change your mind.



You don't want players, huh? Then I'll change your mind.



You don't want players, huh? Then I'll change your mind.



Nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga salitang sinabi niya kanina. Ano naman kayang gagawin niya? Saka yung sa garden anong ibig sabihin nun? Argh! Mababaliw na talaga ako nito.



Inalis ko muna sa isip ko yung lalaki na yun. Kahit kailan talaga sakit sa ulo binibigay niya sa 'kin. Kinuha ko muna ang cellphone ko at nag scroll muna ako sa Facebook. Pagbukas ko ay may sunod-sunod na nag-add sa 'kin. Tinignan ko naman agad iyon.



Zayen Silvero sent you a friend request.



Acel Claude Rivera sent you a friend request.



Nef  Cassius Montero sent you a friend request.


Aiken Jace Furrer sent you a friend request.



Potangina! Talagang di pa nakuntento sa ginawa niya kanina sa 'kin, may pa friend request friend request pa siyang nalalaman. Pero syempre dahil marupok tayo aaccept natin siya.


Pagka-accept agad na may nag pop-up na message sa messenger ko galing kay Zayen. Tinignan ko naman yun at sinagot.



Zayen Silvero: Hi Kyn-Kyn!


Laikyn Velasquez: Hello!


Zayen Silvero: Rosas ka ba?


Laikyn Velasquez: Huh? Bakit?


Zayen Silvero: Kasi sa spaceship isasakay kita.


Laikyn Velasquez: Gago ka ba?! Pati ako dinadamay mo sa pagsakay mo sa spaceship!



Zayen Silvero: Joke lang yon Kyn-kyn! Hahaha.



Laikyn Velasquez: Tse! Sumakay ka mag-isa mo sa spaceship mo saka paandarin para mawala kana sa mundong ibabaw!



Zayen Silvero : Hahahahahalt



Nakakapang-gigil 'tong si Zayen, pati ako sinasali sa mga kalokohan niya. Akala ko pa naman maayos kausap yun pala e pagtitripan lang ako. Ayos na rin yun at least nawala sa isip ko yung lintik na lalaki na yun.



Habang nagsscroll may nakita akong post ni Zayen na naka-tag ako. Myghad! Ano na naman kayang kalokohan ang pinost nito at naka-tag pa ako.



Zayen Silvero
Laikyn, payag kana sakay ka sa spaceship ko. Hahahahahalt
2 mins. ago
45 HAHA          16 comments         5 share



Tanginang Zayen 'to oh, ipapangalandakan pa ang kalokohan. Nagbasa nalang ako ng comments, nakita ko kasi mga name ng kaibigan ni kuya pati na rin siya.



The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now