Epilouge

45 7 2
                                    


After 3 years.........



"Kinakabahan ka ba?" Tanong ko kay Aiken.



"Hindi." Tipid na sabi niya.



"Anong hindi? E namumutla ka nga diyan." Sabi ko sa kanya.



Umiwas lang siya ng tingin at panay ang paglaro niya sa mga kamay niya. Hinawakan ko naman iyon para mapakalma siya.



"You can do it. Galing mo kaya!" Nakangiting sabi ko sa kanya.



Ngingitian lang niya ako at tumingin sa paligid. Kinakabahan talaga siya. Ngayon kasi ang final game nila.



Nang magsimula na ang game ay hinalikan ko muna siya para mabawasan naman ang kaba na nararamdaman niya.



"Kaya mo yan. Dito lang ako pag checheer kita promise." Sabi ko sa kanya.



"I love you, baby." Nakangiting sabi niya.



"I love you too."



Nagsimula na ang laro nila at napansin ko si Aiken na hindi mapakali at hindi makapaglaro ng maayos. Kaya naman naisipan ko siyang e cheer.



"GO AIKEN! GO AIKEN! GO! GO! GO! YOU CAN DO IT BABY! I LOVE YOU!!" Sigaw ko.



Nakakuha naman ako ng atensyon kaya agad na nagsitilian ang iba at naki-cheer na rin. Pero ang paraan ng pag checheer nila ay may halong panunukso.



Dahil doon ay naging maganda na ang laro niya. Halos sa kanya ang mga puntos sa grupo nila. Natapos ang laro ng sila ang nanalo.



Nang papalapit na siya sa akin ay agad akong tumakbo para yakapin siya. At e congratulate.



"Ang galing talaga ng baby ko! Sabi ko sayo kaya mo e, congratulations baby!" Sabi ko saka siya dinampian ng halik.



Naramdaman ko naman ang mga kamay niya na humawak sa bewang ko at hinapit pa lalo sa kanya. Napahawak naman ako sa kanyang leeg.



"It's all because of you, baby. Because of your cheer, now I can proudly say that I change your taste." Seryosong sabi niya.



"Hindi na ako aangal kasi totoo naman." Sabi ko sa kanya ng natatawa.



"Hindi lang pala kita sa kama ko mapapasigaw, pati rin pala sa laro ko at sa mga darating ko pang laro." May ngising nakakaloko na sabi niya.



Pinalo ko naman agad siya sa braso na ikinatawa niya. Ramdam ko naman yung pag-iinit ng mga pisngi ko. Loko talaga siya ang dami kayang tao dito. Nag-ayos na siya ng gamit dahil may celebration daw sila. Ako naman ay nilapitan sila kuya at mga kaibigan niya sandali para e congratulate din sila.



Grabe mga instinct ng mga 'to, hindi pa nga nila alam kung mananalo ba sila, meron na agad nakahandang party. Sabagay magaling kasi sila.



Sa isang mamahaling restaurant kami nagpunta malapit lang sa pinagganapan ng laban at parang inarkila nila yung buong venue.



Pumasok na kami sa loob ni Aiken, nakita kong nandoon na din yung ibang mga players. Umupo kami ni Aiken sa may pinakaharap. Nakita ko pang may mini stage sila.



"Aiken bakit sa may pinakaharap pa tayo umupo? Pwede namang sa may likod nalang." Sabi ko sa kanya.



"Dito daw ako uupo sabi ni coach, may pwesto kasi bawat players." Paliwanag niya.



The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now