Lights. Camera. Action (Part I)

Start from the beginning
                                    

“No. Mali yung sagot mo sa number 7.”

Muntik na niyang mahulog ang Math notebook niya sa gulat. In front of her stood a topless and smiling Andreau Cortez. Her eyes trailed on his body for two seconds bago bumalik sa pagtitig sa SOHCAHTOA. (She couldn’t afford to have any distractions right now. Mahirap ang Trigo!)

“Uhh... mukhang tama naman?” she dumbly replied. Ngumiti na lang si Andreau at umupo sa tabi niya. Parang lumiit ang tent niya sa presence ng lalaki. “Uhh.. hindi ba ka—“

“Here, let me solve it.” Hinablot ni Andreau ang notebook niya at tahimik na sinolve ang problem #7. Zade couldn’t believe it. Si Andreau Cortez.. magaling sa Math? She heard na tumigil daw ito sa pag-aaral dahil sa hectic schedule nito. Wala naman sa itsura nito na magaling siya sa Math. Imbis na sa notebook siya tumingin, nakafocus lang si Zade mismo kay Andreau. Hindi talaga siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

“There. Tama yan,” sabi ni Andreau after almost two minutes of solving. Tinignan ni Zade ang notebook and she was surprised to see explanations written on it. “Mauna na ako, baka hinahanap na ako ni Direk eh. Just approach me if you need help!” todo ngiti pa ito bago lumabas ng tent.

Mga limang minuto ring tinitigan ni Zade ang sinulat ni Andreau sa notebook niya. Sure, mali nga ang una niyang ginawa. Ni hindi nga niya alam na may shortcut pala para sa problem na ‘yon. Sinubukan niyang gamitin ang explanations ni Andreau sa iba pang problem at himalang nadalian siya sa pagsagot.

Totoo nga ang sabi nila. First impressions don’t last.

Hindi naman pala mayabang si Andreau Cortez.

IV.

Seven months ding nagtagal ang teleserye nila ni Andreau. At sa tatlong buwan doon, naging tutor niya ito sa Math.

Well.. hindi naman tutor na tutor. Naiintindihan naman ni Zade ang ilang concepts kapag nasa klase pero kapag naba-blangko ang utak niya kapag gagawa na siya ng assignments. Sumasakto lang na may assignment siya kapag may taping sila ni Andreau kaya pinapasagutan niya rito ang pinakamahirap na problem. At first nahihiya pa siyang magpasagot pero nakaramdam ata si Andreau kaya ito na ang unang lumalapit sa kanya.

Isang problem plus explanations from Andreau, the rest kay Zade. That was their setup for three months.

Naging magkaibigan ba sila? Hindi masyado. Less than 20 minutes lang naman ang interaction nila in between takes at majority sa oras na ‘yon ay nakalaan sa pagsosolve ni Andreau. Thank you na nga lang ang nasasabi niya kapag inaabot na sa kanya ni Andreau ang Math notebook niya. Hanggang doon lang.

Second week of March nang matapos ang teleserye nila. Ni hindi na nasabi ni Zade na nakapasa siya ng Math dahil sa tulong ni Andreau.

(Pero pinapaulit-ulit ni Zade sa sarili niya na magta-thank you siya rito kapag nagkasalubong sila sa station or something. Kaso.. hindi ‘yon nangyari.)


V.

Pansamantalang huminto si Zade sa pag-aartista after ng teleserye nila ni Andreau. At first nagdadalawang-isip ang nanay niya kung susuportahan ba niya ang desisyon ni Zade. Malaki kasi ang chance na baka ‘di na niya mabalikan ang nagsisimulang career niya. Pinag-isipan naman niya itong mabuti, at mas priority niya muna ang makapagtapos ng high school.

Wala na siyang contact kay Andreau. Hindi naman sila nagpalitan ng number nung thanksgiving party ng teleserye nila. She remembered na may kumuha ng picture nilang dalawa but that’s it. Ayaw na rin niyang hanapin ‘yon dahil.. bakit pa?

Kung siya ay nagfocus sa pag-aaral, mas sumikat naman si Andreau Cortez.

Sa TV lang niya nasubaybayan ang career ni Andreau. Apparently nagkaroon na ng stable loveteam si Andreau.. none other than his sister sa kanilang previous teleserye na si Jillian Cabrera. She found it kinda weird, though. Magkapatid sa teleserye tapos naging magkaloveteam? Fictional incest?

Pero doon sumikat si Andreau. Naumay na nga si Zade sa mukha nito eh. Sa TV, magazine, movies at kahit sa radyo, nandoon siya. May blockbuster movie at sobrang hit na teleserye. Nag-improve rin ang acting ni Andreau (Wish she could say the same for Jillian) at.. mas gumwapo ito. Mas gumanda ang katawan. (Honestly, ngayon lang talaga niya napansin ang attractiveness ni Andreau Cortez. Ilang buwan silang nagkasama pero never niyang binalak na tignan siya Andreau nang ganun.)

Sinubukan niyang panoorin ang blockbuster movie ng Jildreau (She loathed the name for no reason) sa sinehan sa mismong Valentine’s Day. Gusto niyang malaman kung may sparks nga ba ang dalawa kaya pinagtiyagaan niya ang acting ni Jillian.

Halfway through the movie ay nanghinayang siya.

(Kung sana.. kasing ganda lang siya ni Jillian.. e ‘di sana siya ang kapartner ni Andreau sa pelikulang ‘yon.)

to be continued...

AnthologyWhere stories live. Discover now