In Her Eyes

27.6K 322 30
                                    

From Tumblr:

Anonymous asked: Tatin & Cyrus ficlet please. Yung mga panahong maayos pa sila. Gusto ko sanang makita yung difference ng dynamics ng TinRus sa Bayrus. Haha. Thank you! :))

**

Ever since Grade 6, uso na sa barkada nila ang dibs pagdating sa crushes. Bawal na magkaron ng crush sa lalaki kapag may nakapag-dibs nang iba sa barkada. So far wala pa naman silang pinag-aawayang lalaki (well, muntikan na nilang pag-awayan ni Fel si Wes noong Grade 6. But in the end they decided na hindi worth it pag-aawayan ang lalaki. He clearly liked someone else).

When Cyrus Casabueno came into their lives, si Ria agad ang unang nag-dibs sa kanya.

Matagal nang attracted si Ria sa mga chinito at matatangkad kaya hindi niya pinalagpas si Cyrus. Pumanig pa ata sa kanya ang swerte nang pinaupo ng adviser nila ang bagong transferee sa harapan niya. Siya ang kauna-unahang bumati at nagpakilala kay Cyrus, her patented way for making dibs. Tuwang-tuwa siya na walang pakialam si Tatin sa gwapong katabi nito. After all, alam niyang hindi type ni Tatin ang tulad ni Cyrus.

So she did everything to make Cyrus notice her. Lagi niya itong kinakausap sa loob at labas ng klase,. Ilang beses din siyang nagvolunteeer na maging partner nito sa kung anu-anong activities. At first okay lang kay Cyrus, kaso after four activities, he politely declined her offers. Kung anu-ano pa ang ginawa niyang tactics para makuha ang loob ni Cyrus pero laging palpak.

Sabi ni Chass baka raw bading si Cyrus Casabueno.

Sabi ni Fel baka raw focused lang talaga sa studies at basketball si Cyrus kaya hindi interested sa kanya.

Tatin didn’t say anything. Lagi namang ganun ang kaibigan, hindi nakikialam sa mga love-related stuff. Kahit siya ang pinakamaganda at pinakasikat sa kanilang apat, walang pakialam si Tatin sa mga manliligaw. Kuntento na ito sa mga crush niya.

One August morning, nagulat na lang si Ria nang makita niyang bumaba sina Cyrus at Tatin sa iisang tricycle. Agad namang nagpaliwanag sa kanya ang kaibigan. Last tricycle na raw sa village nila at no choice na magsabay silang dalawa para hindi malate. Tinanggap naman ni Ria ‘yon at nagpakwento kay Tatin ng tungkol sa biyahe nila. Hindi naman siya nagsasalita eh, sagot sa kanya ni Tatin. Sobrang tahimik niya.

A week later, pinili ni Cyrus si Tatin na maging partner nito sa assignment nila sa Business Math. Double kill kay Ria ‘yon. Absent kasi si Tatin that day at nagtataka siya kung bakit of all classmates, si Tatin pa ang pinili ni Cyrus.

I.. really don’t know, sagot sa kanya ni Tatin the next day pagkapasok nito. I was surprised na dumaan siya kagabi sa bahay para ibigay yung assignment. I’m sorry, Ria. Pwede namang magpalit na lang ako ng partner. I’ll explain to him na lang.

Nahiya naman siya kaya pinilit niya si Tatin na wag na kausapin si Cyrus. Okay na sa kanya na ang kaibigan ang maging kapartner nito kesa sa iba nilang kaklase.

After that, unti-unti niyang napansin ang pagbabago nina Cyrus at Tatin (as if she had a choice, they were sitting right in front of her). Madalas na silang nag-uusap, napapatawa ni Cyrus si Tatin (this was the biggest surprise of all. Mahirap patawanin si Kristina de Asis!) at natutong kumain ng kwek-kwek ang kaibigan niya. Mas naging masiyahin ito, mas approachable at mas carefree. Ibang-iba mula sa kaibigan nilang si Kristina de Asis na hindi kumakain at galit sa mga magulang niyang kakadivorce lang.

Alam ni Ria na dapat masaya siya para kay Tatin. Who wouldn’t be happy for their friend’s happiness, right?

Kaso, come October, after matalo ni Tatin sa muse competition, nagkaalaman na.

AnthologyWhere stories live. Discover now