[Bayruseth] i'm on my way (to believing)

17.9K 360 30
                                    

Random lyric meme prompt: “I wish that I could press rewind somehow.” Bayruseth. I'll give you liberty to choose between the two, Ate. <3

I cannot choose between the two so Bayruseth na lang para dito. (OT3 yay!)
Word vomit lang 'to, guys. Nothing serious. And I'm not drunk. Hahahaha

Title from Paramore's The Only Exception.

**

Minsang napapaisip sila kung tama ba ang mga desisyong ginawa nila sa mga nagdaang buwan.

Siguro, kung naging klaro lang siya, baka hindi siya nakasakit.

Siguro, kung naging bukas siya sa posibilidad na pwede siyang magmahal, baka kinaya niya ang sakit.

Siguro, kung naging maagap siya at sinabi na ang nararamdaman niya, baka hindi siya nasaktan.

Kung pwede lang nilang balikan ang nakaraan.. baka pwede pa nilang itama ang mga mali nila.

Pero alam nilang hindi sila matututo kung lagi nilang pipiliin ang madaling daan. Hindi nila alam kung paano babangon ulit kung hindi nila mararanasan kung paano matalo at masaktan. Hindi sila tuluyang sasaya kung hindi nila mararanasan ang malungkot.

Hindi nila mararanasan ang lahat ng ito kung wala ang isa’t isa.

Siguro isang araw, ilang taon mula ngayon, may magtatanong sa kanila.

Hindi ka ba nagsisisi na nasaktan ka dati? Ayaw mo bang hilingin na sana makabalik ka sa nakaraan para maitama ang mga kamalian mo?

Hindi mo ba pinagsisisihan ang desisyon mo?

Iisa lang ang sagot nila sa mga katanungan na yan.

Hindi.

(Masakit at mahirap man ang mga bagay ngayon, alam nila na darating din ang araw na magiging maayos ang lahat. Darating din ang araw na unti-unting gagaling ang lahat ng sugat at sakit na napagdaanan nila.

Dahil sa huli, alam nilang karapat-dapat sila na maging masaya.)

AnthologyWhere stories live. Discover now