05 ˎˊ˗

2.2K 136 49
                                    

- IZZY's

"Good luck on your first day, sweetie!" I kissed my grandma's cheeks bago lumabas ng bahay.

Actually, last last week pa nagstart ang klase dito pero kahapon lang kami nakabalik nila Papa kaya ngayon lang ako papasok.

"Fresh air." Ani ko pagkalabas ng bahay. Pumara ako ng taxi para kaagad akong makarating sa school.

Pagkalipas ng ilang minuto, nakarating na rin ako sa school. Nagbayad ako sa driver at bumaba ng sasakyan.

"Izzy!" Naghihintay pala si Miyuki sa may gate. "Omg, gumanda ka lalo!"

"What section ka ba?" Tanong niya.

"Section A." She gasped and covered her mouth. "Bakit?"

"Classmate mo si Niki!" Pinalo niya ang braso ko. "Speaking of Niki, ayon siya oh!"

Agad kong nilingon kung saan siya nakaturo.

Totoo nga, he's walking towards our direction. Should I greet him? Ano sasabihin ko?

Nung medyo makalapit na sa amin si Niki, nag-ready na ako sa sasabihin ko..

Nararamdaman kong biglang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Niki, good morni-" Dinaanan niya lang kami ni Miyuki. Hindi niya ako pinansin na para bang hangin lang ako sa paningin niya.

Bakit ba siya gano'n?

Lumingon ako kung saan pumunta.

Sa isang lalaki pala siya dumiretso, yung lalaking kasama niya kahapon sa random dance. Nakipagkulitan siya sa lalaki.

"Izzy, let's go. Ituturo ko sayo yung room mo." I heave a sigh and smiled at Miyuki na para bang walang nangyari.

krdp ⌕ ִֶָ  ni-kiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon