47 ˎˊ˗

1.4K 93 45
                                    

- IZZY's

Dumungaw ako sa may bintana, grabe ang ganda ng sikat ng araw. Bumaba na 'ko para pumunta na sa school.

May nakita akong dalawang ubento box sa sala, nasa ibabaw ng mesa. Nag-iwan din ng letter si Lola, sabi niya maaga siyang umalis dahil may pupuntahan daw siya, pinagluto niya ako at 'yon ang pinapabaon niya sa 'kin. Wag daw ako magpapagutom.

Napangiti ako. Sobrang bait at maaalahanin ni Lola kahit kailan. Ayaw niya akong nagpapalipas ng gutom.

Inilagay ko sa bag ang dalawang lunchbox bago i-lock ang pinto. Binuksan ko ang gate namin pero nagulat ako nang makita ko si Niki.

"Izzy... good morning." Nag-alangan pa siyang ngumiti sa 'kin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tuluyan na akong lumabas at isinara ang gate.

"Sabay tayo." Napahawak siya sa batok niya. Bakit ba ang cute nito?

"Ayaw ko," Muntik na ako matawa sa reaction niya. Humakbang ako palapit sa kanya. "Ba't naman ako sasabay sayo?"

"Kasi kailangan," Magtatanong pa sana ako nang takpan niya ang bibig ko. Ang bango ng kamay, amoy baby... ko. Choz lang. "Huwag na maraming tanong, sasabay ka sa 'kin sa ayaw at sa gusto mo."

Tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa bibig ko at hinila ako palayo sa bahay namin. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papuntang school.

Binitawan niya lang ang kamay ko nung nasa gate na kami at may humarang na dalawang estudyante.

"Niki..." May hawak na box ang isang babae na nasa harapan namin ni Niki. Mukhang alam ko na kung ano ang gagawin niya. "Noon ko pa gustong sabihin 'to... Niki, I really really like you." I was right.

Inilahad ng babae ang box kay Niki pero hindi niya ito tinanggap.

"Please go out with me.." Kukunin ko na sana yung box sa kamay nung babae kasi baka nangangalay na kaso pinigilan ako ni Niki.

"I already like someone else, gomen."

Hinila ulit ako ni Niki papasok sa loob ng school. Anong sabi niya? He already likes someone else? Bakit 'di ko alam 'to?

Bumitaw ako sa hawak niya.

"Sorry, did I make you uncomfortable?"

"No.." I feel so safe nga kapag hawak niya lang ang kamay ko.

"Then, bakit ka bumitaw?" Kunot-noo niyang tanong. Bakit nga ba?

"Wala, ano, feeling ko kasi nagw-water falls na ang kamay ko." Bigla siyang natawa sa dahilan ko.

"What? Let me see, I'll wipe it for you." Niki, ba't ka ba ganyan? Nakakainis ka, pa-fall amp. "Izzy."

"A-ah, no. It's okay." Binuksan ko yung bag ko, kinuha yung isang lunch box at ibinigay sa kanya. "Here, dalawa ang niluto ni Lola, sayo nalang 'tong isa. Una na ako."

Tumakbo ako ng napakabilis patungo sa room. Hindi ko rin alam kung bakit ako tumakbo.

-
a/n: sorry, napahaba?

krdp ⌕ ִֶָ  ni-kiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon