Chapter 17: I can work

Magsimula sa umpisa
                                    

Bakit pakiramdam ko madadagdagan ang tropa namin? Si Fyglia pa talaga!

"Kuya may tanong ako. Bakit puro ka photography? May natapos ka naman bakit ka na lang doon? Mas malaki ang kikitain mo sa natapos mo."

"Hanep, nag mamatured na kapatid ko." nag make face naman siya. Kasi naman seryoso siya tapos babasagin ko.

"Mag apply ka kila Kuya Louie. May job vacancy daw."

"Paano mo nalaman?"

"Basta dalhin mo na lang yan kay Ate Fyglia mamaya agad. Lagot ka sa akin kapag hindi mo binigay yan. Siya b-bye!"

Umalis na ang kapatid ko. Anong nangyayari sa akin? Bakit hinayaan ko na utusan ako ng kapatid ko?! Hinabol ko siya palabas pero wala na siya. Ano ba kasi ito?! Hayss.. oo na pupunta na ako. Baka magalit pa sa akin itong si Lyn. Mabuti nga nagkausap na sila kahapon. Miss na miss na daw niya si Fyglia.

Pero iidlip muna ako.

Nag-ayos ako ng itsura ko tapos pumunta sa kanila. Sun Residences. Sosyal na siya ha... Paano niya nagawang tumira dito? Di nga kaya ng sweldo ko ang downpayment kapag bibili ako ng unit dito. May kakaiba talaga sa kanya.

Hindi agad ako nakaakyat dahil ininterrogate ako nung babae sa lobby tinawagan niya pa yung Unit ni Fyglia bago ako paakyatin. Security purposes daw. Pero nung sinabi ko buong pangalan ko, pinaakyat na ako. Mabuti naman akala ko hihingan pa ako ng I. D eh.

Nag doorbell ako sa unit na binigay sa akin ng kapatid ko.

Nagulat ako sa nagbukas ng pinto. Di dahil kilala ko siya. Lagi ko siyang nakikita pero tama kaya ang kinatok ko?

"Oh Ciel..."

"Uhm, hi Krissy. Dito ba si Fyglia? Mali ata nakatok ko."

"No, no no... Dito siya. Pasok ka muna..." pinapasok niya ako at talagang mahilig siya sa yellow ha? Nagulat ako sa nakita kong nakadisplay sa pader. Si Krissy na naka fairy costume ang picture sa pader. Napansin niya ata akong nakatingin doon.

"Nagtataka ka siguro bakit nakaganyan ako. Di na ako magpapaligoy ligoy pa. Fyglia and I are the same." napatingin ako sa kanya mula sa pagtitig ko sa frame. ANO DAW?! "-we are fairies. Diwata. I came to this world because of mission. Ginawa ko pero walang nangyari. Kaya pinapunta ko na si Fyglia dito kasi wala na ding kwenta ang mission niya."

Kaya pala sinabi niya sa akin di na niya ako guguluhin. May kalahi na siya.

"Paano?"

"Di ko din alam kung bakit di na ako nakabalik sa amin after I finished my mission."


"Ano ba kasi yang mission niyo?" pero umiling lang siya. Ayaw din sabihin sa akin ni Fyglia yung sa kanya. Naalala ko binigyan niya ako ng papel noon. Di ko na lang inintindi..

"Bakit mo pala ako binigyan ng papel noon?"

"To tell you about this... Pati ngayon pala Fyglia and I are sisters in papers. Thanks sa Dad ng friend mong si Isaiah. Di ko dapat sasabihin ito sayo pero dahil may nalalaman ka sa amin kaya sinabi ko na. Doon pala sa Tree Incident. Don't worry I'll help her to find answers for you."

Tutulong pa sya. Dapat si Fyglia lang.

"Thanks.. nasaan si Fyglia?"

"Nagpunta siya kila Louie ihahanap daw siya ng trabaho." siguro kinuwento niya ito sa kapatid ko. Yung Lyn talaga na iyon! Kaya pala brining up din ang topic na humanap na ako ng ibang trabaho. Ito pala ang dahilan.

"Salamat, bye"

Nice Lyn, matchmaking ba?

Hindi ko na inantay siyang sumagot dahil lumabas na agad ako ng kwarto at tumakbo sa elevator. I need to see her ang dami niyang dapat sabihin sa akin. Hindi na ako nagtanong tanong kay Krissy kahit nangangati ang dila ko. Gusto ko kay Fyglia lahat mag mula ang sagot sa tanong ko.

Hindi na ba siya pwedeng bumalik sa amin?

Bakit ko ba iniisip ito?! Ahh kasi gawa ng kapatid ko namimiss siya!

Naghahanap sya ng trabaho? I can work for her! Damn!

Mabilis akong nakarating sa building nila Louie. Inofferan din niya ako ng trabaho noon pero di ko tinanggap sabi ko kasi masaya na ako sa ginagawa ko. Pero naisip ko di pa rin sapat na masaya ako sa ginagawa ko dahil kulang ang nabibigay ko sa kapatid ko.

Hindi naman ako nahirapang pumunta sa office niya dahil kilala na ako ng tao dito. Pagkarating ko sa office. Pagkabukas ko pa lang ng pintuan. Ano ito? Ang bilis naman. Sino ba talaga?

"Ehem" singit ko sa paglaloving loving nila.

"Caloy..." nagbitiw naman sila at tumingin sa akin. Ano ngayon? Huli ka. Mga kaibigan ko pa talaga ang nilalandi mo. Nagbago na isip ko. Bahala na siya sa buhay niya. Yung mga tanong? Wag na di na yun mahalaga. Di naman mahalaga yang babaeng yan.

"Napadalaw ka?" sabi ni Louie. Di ko na pinansin si Fyglia nag-init na ang ulo ko sa nakita ko kanina. Ano ba ginagawa niya dito? Wala naman atang kayang gawin yan, kung makahanap ng trabaho. Tapos dito pa.

"Sabi sa akin ni Lyn, may job vacancy ka daw. Baka pwede na akong mag-apply.."

"Totoo ba ito pare? Nagising ka na sa katotohanan na kailangan mo ang totoong field mo?"

"Oo na... ano? Meron ba? Magpapa interview na ba ako?"

"Ako na bahala. Ihanda mo yung mga papeles. Bukas na bukas papainterview na kita sa HR. Alam ko naman na matatanggap ka." lumapit si Louie sa akin at tinapik ako sa balikat. Tinignan ko si Fyglia at nakatingin lang siya sa amin.

Matagal na kasi akong inaalok ni Louie na iwan ko na ang photography at mag work na lang dito. BSIT kasi natapos ko at kailangan nila ng empleyado na IT ang natapos. Tutal nabring up na sa akin ng kapatid ko ito at nakita ko pa itong babaeng ito. Edi ipush ko na!

Bigla siyang nagsalita,

"Louie pupunta na ba ako doon?"

"Oo, wait lang. Di pa nagtetext yung driver ko eh." aba magpapahatid pa siya. Tapos umupo na lang siya bigla bigla sa harapan ni Louie. Di nga siya inaalok nung tao na umupo kung makaupo parang matagal ng kaibigan.

Dahil naiinis ako sa mga inaasal niya. Umupo ako sa harap niya. Bali magkarap kami tapos sa gitna namin si Louie. Ang pagitan lang namin ay lamesa.

"Nice... Kayong dalawa pa ang nag apply dito. Fated lang? Destinied? Hahaha" tinignan ko siya ng masama. Nag make face na lang siya tapos binuksan yung laptop. Tinignan ko si Fyglia nakadress siya na mahaba. Wala namang bago. Maganda pa rin. Malandi nga lang.

"Fyglia, bakit okay lang sayo mag janitress? Bakit di mo gayahin kapatid mo? Mag model ka na lang din kaya?"

"Hindi ba nasabi ko na sayo ang sagot ko dyan." mag model daw? Bilang photographer di naman mapagkakaila na pang model din naman ang itsura at katawan niya. Pero wag na! Lalandiin lang niya ang makakamodelo niya.

Kaibigan ko nga pinagsasabay sabay.

"Sino ba talaga?" biglang lumabas sa bibig ko. Napatingin siya sa akin. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagtaas ng ulo si Louie at tumingin din sa akin.

"Ha?"

"Look, obvious na may gusto sayo si Isaiah, obvious na obvious din na gusto ka din ni Miguel tapos kanina si Louie naman. Sino ba talaga?" nagkatinginan si Louie at Fyglia. Mas lalong nag init ang ulo ko. Pero kumulo na ang lahat ng dugo sa katawan ko nung sabay sila nagtawanan. Pinagtatawanan ba nila ako?

"It's not what you think." sabi ni Fyglia. Inienglish mo na ako ha? Galing parang noon ang tanga tanga niya lang sa English.

"Yeah pare, walang ganoon. Fyglia baba ka na. Nandoon na yung driver. Goodluck!" tumayo siya at hinagkan si Fyglia sa harapan ko. Nginitian lang siya Fyglia bago ito umalis.

Pagkaalis ni Fyglia,

"Pare kilala kita. Nagseselos ka. Akala ko si Kaylee pa din pero good thing nagising ka na that she is a wicked witch."

"What the?!"

"Sumabay ka na sa kanya. Bilis!" bigla na lang niya ako pinagtulakan palabas ng pintuan. Nilock pa niya ang office niya pagkalabas ko. Edi sasabay na!

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon