DCMA 1: Hello, Ex

3 3 0
                                    


Chapter 1

ANGEL MARIE'S
POINT OF VIEW


"Hoy, Angel--- Pumunta ka nga dito, feeling prinsesa ka na naman diyan." Sigaw ng kaklase kong si Mica.


"Tss... Don't call me angel..." Sagot ko sabay tayo para mamulot ng kalat sa bawat upuan. "Because I'm not an Angel."


"Baliw ka ba? Of course, I am going to call you Angel, that's your name diba. Ganda mong kausap." Singhal nito.


"Whatever. You can call me Marie naman, why Angel pa?" Natapos na ako sa pagpupulot ng kalat, kaya kinuha ko na ang bag ko sa upuan ko. "I'm done here, see you tomorrow, Mica."


"Okay. Take care, bye!" Sagot niya.



I am so irritated when someone's always calling me by my first name. Like duh, it sucks. I am not an Angel, but my name is Angel Marie Castro. Ewan ko ba kung bakit nilagyan pa ng Angel ni Mommy 'yong name ko. Tss, Whatever. By the way, I'm already 18 years old.


I'm on my way home na when I saw someone who's familiar with me. Guess who? MY EFFIN' EX-BOYFRIEND, MELVIN AGASER. Well, I was just shocked kase akala ko patay na siya. As in PATAY NA! Napabalita kase na naaksidente daw ang sinasakyan niyang kotse, I don't mind about that though. To be honest, 2 years na kaming wala kaya nga wala na akong pakialam sa kaniya diba? K, back to business. Mabuti na lang nandito ako sa loob ng kotse kase paniguradong makikita niya ako. And I don't want that to happen.


"Ma'am, si Sir Melvin po 'yon diba? Akala ko po ay patay na siya?" Tanong sa akin ni Manong Tito.


"Ewan ko nga rin po e, Manong. Masamang damo siguro talaga siya kaya hanggang ngayon e buhay parin. Don't mind him po, continue driving na po." Paliwanag ko sa kaniya.

"Sige po Ma'am... Pahinga na po muna kayo, gigisingin nalang po kita kapag nasa bahay na tayo." Ani Manong Tito.


Naalimpungatan ako nang may yumuyugyog sa akin. Pero hindi pa rin ako nagmumulat ng aking mga mata.


"Ma'am---" Ani ng kung sino sa akin. "Ma'am, andito na po tayo. Gising na po..." Doon na ako napamulat, si Manong Tito pala ang gumigising sa akin.


"Sorry po Manong. Napasarap po ang tulog ko hehehe..." Tumayo na ako at lumabas sa kotse. "Asan na po pala ang gamit ko?" Dagdag ko pa.


"Dinala na po ni Lilia sa loob, Ma'am..." Sagot ni Manong Tito.


"Ganun po ba? Sige po, salamat... Pasok na po ako sa loob." Paalam ko sa kaniya.


"Sige po, Ma'am... Bibiyahe na po akong muli, susunduin ko pa sina Sir Arnold at Ma'am  Angelina." Tumango na lamang ako bilang tugon.


"Magandang hapon, Ma'am Ange---" Pinandilatan ko siya. "Ma'am Marie po pala."


"Magandang hapon rin po... Asan po si Manang Lilia?" Tanong ko sa kaniya.


DON'T CALL ME ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon