“Hindi na baka hanapin niya ako eh.” Mahina kong sabi.

Napabaling naman ang atensyon ko sa isang pusa na lumakad papunta sa aming table. Natahimik kami ni Kimmy at sinundan ng tingin kung ano ang gagawin ng pusa. Napahinto ito sa harapan ng pagkain ko tinignan niya ako.

“Meow.”

Ilang sandali pa ay kinain nito ang hindi ko pa nakakaing pizza. “Ano saan ba yung owner mo? Hindi ka ba niya pinapakain?” tanong ko sa pusa.

Kulay puti ito at mataba. May nakalagay din na pangalan sa leeg nito.

“Meow?” basa ko sa pangalan niya.

“Meow,” muling saad ng pusa at kinain ulit ang pagkain ko.

Meow ang pangalan ng pusa. “Siguro tamad na mag-isip ng pangalan ang may ari ng pusa kaya meow ang pangalan niya.” Natatawang bigkas ni Kimmy.

Hindi ko din mapigilang mapangiti at hinayaan na lang ang pusa na kainin ang pagkain ko. Inangat ko ang mga daliri ko at pinalandas iyon sa kanyang ulo. Komportableng umupo ito at hinayaan akong hapulusin siya.

“Saan yung owner mo ha? Ang cute mo pa naman sarap mong gawing siopao.” Mahinang saad ni Kimmy at hinaplos din si meow.

“Baliw ka talaga Kimmy.”

Nang gumaan ang pakiramdam ko ay nag-aya na ako kay Kimmy na umuwi ng bahay. Ilang beses pa akong tinanong kung magiging ok lang ba ako kapag magkita kami ni kuya Rafae.

“Alam mo naman na hindi maiiwasan na hindi kami magkita Kimmy. Magkaibigan ang mga magulang namin atsaka nasa iisang school lang tayo.” Sabi ko sa kanya bago bumaba ng sasakyan.

Umiling naman siya. “Basta kapag feel mon a umiyak ulit andito lang ako. iinom natin yan.”

Natawa ako sa sinabi niya. “Salamat talaga Kimmy.” Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap.

Nagpaalam na ako sa kanya at pumasok sa loob ng bahay. Napakatahimik ng paligid, kinuha ko ang cellphone ko at ito ang nagsilbing ilaw. Binilisan ko ang lakad dahil nakaramdam ako ng takot lalo na madilim ang paligid at ang tahimik. Bigla na lang kumalabog ang dibdib ko at kung ano-anong katatakutan ang pumasok sa isip o habang naglalakd sa sala papunta sa second floor.

Malapit na ako sa kwarto ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni kuya Rafael kaya napatili ako.

Agad naman akong natahimik ng seryoso siyang napatingin sa akin. “K-Kuya…” mahinang kong bigkas. Pakiramdam ko ay bigla na lang huminto sa pagtibok ang puso ko sa mga oras na iyon. Napasandal din ako sa pader ng maramdaman pagnginig ang katawan ko at paglambot ng aking mga paa.

“Are you ok?” nag-aalalang tanong niya.

“O-ok lang. Nagulat lang ako dahil bigla ka na lang sumulpot.”

Tinignan niya naman ako at binuksan ang ilaw sa loob ng kwarto niya at binuksan ang pintuan kaya nakita niya ang kabuoan ko.

“Umalis ka?” kunot-noong saad niya sa akin.

Ibinaling ko naman ang aking mga mata sa aking paa. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang tingin lalo lang ako nasasaktan kapag tuluyan kong makita ang kanyang mukha.

“Kasama ko naman si Kimmy at ang driver nila.” Paliwanag ko.

Nadinig kong napabuntong hininga siya. “Ah, naantok na ako. Matutulog na ako kuya.” Sabi ko at mabilis na pumasok sa aking kwarto.

May gusto pa siyang sabihin sa akin ngunit hindi ko siya kayang tignan ngayon at kausapin ng matagal. Masyadong masakit sa dibdib ko, at parating pumapasok sa isipan ko na hindi niya ako mahal.

Kinabukasan wala ata akong tulog. Hindi ako makatulog at nanuod lang nga mga anime na nirecommend ni Kimmy. Maaga din akong nagising at umalis sa bahay. Hindi ko na hinintay si Kuya Rafael, hindi ko naman siya kakausapin kapag nagkasama kami.

Panay ang hikab ni Kimmy habang umuupo sa aking harapan. Kaunti pa lang ang tao sa school at agad ko siyang tenext habang nag-aayos pa lang ako sa bahay na maaga akong papasok at kakain na lang ng breakfast sa cafeteria.

I already ordered our food. “Ang aga mo naman.” Sabi niya sabay subo ng cornbeef. “Alam talagang umiiwas eh,”

“Ginagawa ko ito para sa sarili ko.”
“Really?” nang-uuyam niyang saad.

“Tsk. Mabuti na ito ng hindi na ako masasaktan.”

“Masaya ka na niyan sa ginagawa mong yan?” tanong niya sa akin at uminom ng tubig.

“Hindi ko alam. May part sa akin na nalulungkot ako, alam mo yun ang saya naming dalawa tapos nang umamin ako biglang nagulo. Parang nasira ko ang relasyon naming dalawa. After the confession hiindi ko alam kung may mukha pa ba akong maiiharap sa kanya.”

“Alam mo, hindi naman kasalanan ang umamin ng feelings eh. Sa maturity yan sap ag-iisip niyong dalawa. May choices yan eh. Una pwede kayong maging magkaibigan ulit at kalimutan na lang ang confession mo. Ikalawa pwede din itong ginagawa mo ngayon kaya lang friendship over na kayong dalawa.” Tinuro niya pa ako ng tinidor niya. “Madami pang choices kaya lang ang tamad ko ng mag-isip at masarap ang breakfast natin ngyaon.” Sabi niya sa akin at nagpadagdag pa ng rice.

Buong araw ay hindi ko nakita si kuya. I mean nakikita ko siya pero ako ang unang umiiwas. Bigla na lang ako kinakabahan tuwing napapatingin siya sa akin. Kaya tuwing akmang pupuntahan niya ako ay umiiwas na akong umiiwas dahil naiilang ako sa aming dalawa.

Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno habang nagbabasa ng libro. Alam kong hindi ko makikita si kuya Rafael sa hallway dahil oras ng klase nito. Habang umiiwas kasi ay nakita ko ang schedule nila na nakapaskil sa bulletin board. Tinext ko lang si kimmy kapag hinanap nitya ako ay nasa garden lng ako ng school.

“And they live happily ever after.” Malakas na saad ko at ngumiti.

“Nakita din kita sa wakas. Ang bilis mong umiwas ha.” Mahinang saad ni Kimmy at umupo sa tabi ko.

Sinilip niya ang librong hawak ko. “Ang boyfriend kong writer.” Basa niya sa title ng librong hawak ko.

Gulat ang kanyang mga mata at tinignan ako. “Gosh! May saltik ka na nga. Kailan mo pa yan natapos?” excited na tanong niya.
“Matagal na, pinaayos ko lang sa kaibigan kong editor at inayos ang mga grammar ko at typos.” Sabi ko at hinaplos ang librong matagal ko ng natapos.

Kimmy read the last sentence on the last page of the book. “They live happily ever after.” Mahinang bigkas niya.

Tinignan niya ako sa mga mata. “Matagal mo na itong ginawa at ngayon ay natapos na. ibibigay mo ba ito sa kanya Ms. Author?”

Ngumiti ako. “Siya ang rason kung bakit nakagawa ako nito… Bukas, ibibigay ko sa kanya.”

And this is my first and last gift before I let go

Fallen Series #2: Ang boyfriend kong writerWhere stories live. Discover now