Saglit (BeCka)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alis tayo pagkatapos mong kumain ha. Pasyal tayo. Kahit saan."

7

Nakamasid lang ako sa mga nadadaanan naming matatayog na gusali.

"Angtahimik mo. Hindi pa ba bumabalik lahat ng alaala mo?"

Bumaling ako sa kanya. "Medyo. Kaya pina-familiarize ko ulit ang sarili ko. Saan mo pala ako ipapasyal?"

"Intramuros. Marami tayong memories dun."

"Ah. Okay." Hindi na siya takot mag-drive sa highway. Noon ako lagi ang nagmamaneho e. "Galing mo nang magdrive ah."

"Kailangan e. Umalis ka kasi. Wala na akong driver." May pagtatampo niyang sagot.

8

Intramuros daw tong pinuntahan namin. Sakay-sakay kami ng tri-bike. Naawa na ako sa driver. Parang hingal na siya e. Nasa San Agustin Church na kami.

"Naalala mo ba 'tong lugar na 'to? O baka naligwak na rin sa alaala mo?" may inis niyang tanong. Lahat kasi ng pinuntahan namin kanina hindi ko talaga maalala. Fragments lang ang naalala ko. Pero itong lugar na 'to familiar. Parang ilang beses na akong nakapunta dito.

"Slight. Kasama kita dito ano? Ilang beses?"

Nangiti siya. "Buti naman. Kala ko hindi mo din 'to maaalala. Magtatampo na ako talaga."

9

Dito ko daw kasi siya dinala nung sobrang down niya dahil hindi siya nakapasa sa interbyu sa college entrance exam.

"Hindi pa tayo close nun." Kung icompute yung time na magkaibigan na kami. Siguro kakakilalal ang namin nun. "Pero sumama ka sa akin. Paano na lang kung masamang tao pala ako?"

"I trust my instinct. Tamo naging close pa tayo."

After ng Intramuros dumeretso kami sa Luneta Park. Malabo rin ang alaala ko sa lugar na 'to. Pero 'yung pakiramdam na ilang beses na akong nakapunta dito ay familiar. Bumili siya ng foil na ilalatag sa damuhan para maupuan namin.

"Tambay tayo dito noon. 100 lang pera natin masaya na tayo."

10

"Oh? Madalas tayo dito?"

Tumango siya. "After exams tatambay tayo dito. Minsan kasama si Dana at Jem."

Dang! Fragment of memory flashed in my head. "Hmm. Tas sasakay tayo dun sa tren. Libre kasi pang-engganyo lang tayo sa mga turista."

"Naalala mo!" excited niyang sabi. "Ano pang naalala mo dito? Marami tayong memories dito. Sobrang dami."

Sandali akong nag-isip. "May shooting dito dati. Kinuha tayong extra. Meron pa 'yong nandito si Mayor tas kilig ka kasi kras mo. Nakipagtulakan ka. Nalimot mong kasama mo ako."

Namula siya. "Halla. Mga nakakahiya naman ang naalala mo. Angdaya."

11

Bumalik na kami sa condo niya. Leftovers na ang dinner namin. Pagod na rin siya para magluto e. Movie marathon naman daw. Siguradong tutulugan lang naman niya ang movie.

Avengers Endgame ang nakasalang na movie. Nakasandal siya sa akin. Kakaumpisa pa lang e. Tsk.

"Bakit ngayon ka lang bumalik?"

"Hmmm? Dapat ba mas maaga? Hindi ko rin alam e. Siguro kasi everything happens for a reason?"

Nagsimula na ang movie. Napanood ko naman na to. Alam ko na ring iiyak ako sa huli kahit paulit-ulit ko nang napanood 'to.

FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon