"Not anymore, Tita." I said.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay umupo ako at pinanood silang dalawa sa pag luluto. I locked my sight at Kuya Ryoga's back na nagsasangag. His back is sexy though. Nagfeflex pa ang muscles niya.

"Anong oras kaya gigising ang mga 'yan?"

"It's 9 AM already Tita. Gigising na rin po 'yan." I said.

"I doubt. Gisingin mo na sila at matatapos na ako. Tell them it's breakfast time." Utos ni Tita.

Tumayo na lamang ako at iniwan silang dalawa sa kitchen. Dumiretso ako sa living room at nakaupo na si Leinah habang kinakamot nito ang ulo niya. Mukhang kakagising niya pa lang.


"Lei, ano? Lasing ka pa?" Pang aasar ko sakaniya.

"Baliw." She said at humikab ito. "Nakatulog pala ako rito?"

"Yep. Gisingin mo na 'tong dalawa. Akyat lang ako sa taas at gigisingin sina Kuya. Breakfast na raw sabi ni Tita."

"Okay."

I left her and walked upstairs. Inuna kong puntahan si Kuya Raine. Kumatok ako ng tatlong beses atsaka ko binuksan ang pinto. I saw him fixing his bed at mukhang kakagising niya lang din. I'm just on time.


"Good morning, Kuya." Bati ko sakaniya.

"Good morning din baby ko."

"Breakfast na raw sabi ni Tita. Punta ka nalang sa dining."

He just nodded. Lumabas ako ng kwarto niya at dumiretso sa tapat ng pinto ni Kuya Luke na siyang katabi ng kwarto ko. I knocked three times and I opened the door.

Medyo madilim pa ang kwarto niya at tahimik. Tunog lamang ng AC ang naririnig ko. Tulog pa yata?

Naglakad ako papalapit sa kama niya and he is half naked. Tinitigan ko ang mukha niyang tulog na tulog at jusko! Noong sigurong nagpa ulan si Lord ng kagwapuhan ay gising na gising siya at sinalo niya ang lahat.

Umupo ako sa kama niya habang tinititigan pa rin ang mukha niya. His lips are so red just like an apple. Masarap siguro i kiss 'to? Gosh! Ano ba 'tong pinag iisip ko?

I cleared my throat and decided to wake him up. Baka mamaya nasa dining na silang lahat at kaming dalawa nalang ang wala.

"Kuya Luke." Pag gising ko sakaniya. "Gising ka na."

Hindi siya gumalaw or what so I decided to pat his shoulder. Enebe! Ba't ang tigas?

"Kuya? Gising ka na."

"Hmm."

Luh?! Ungol ba 'yon?! Ang dumi na talaga ng utak ko punyemas! Kasalanan ni Leinah 'to e.

"K-Kuya. Gising ka na raw." I said again at yinugyog ko na ang braso niya na matigas. Enebe?

Napatigil ako sa pagyugyog sakaniya nang buksan niya ang mga mata niya. He pulled my hand at bumagsak ako sa tabi niya.

"Lancie." He whispered at nagulat ako nang yakapin niya ako.

Lancie? Hindi ba 'yun 'yung crush niya? Omg! Iniisip niya ba na ako 'yun? The hell? Akala ko pa naman may gusto siya sa'kin!

"Hindi ako si Lancie, Kuya. Reginy ako." Bulong ko at mabilis siyang humiwalay sa akin at umupo sa kama.

"Oh, I'm sorry. Nananaginip yata ako."

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Kainis. Iniscam ko ang sarili ko.

"Kakain na raw. Pinapa gising ka na."

"Yeah, sure."

Tinalikuran ko siya at biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. My eyes widened when I saw Kuya Ryoga standing and staring at us.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now