Chapter 24

37 15 0
                                    

Andaming nagbago sa buhay ko simula sa araw na iyon. Sinimulan na nga niyang ligawan ako, pero naglagay ako ng batas kasi hindi pa ako gano'n ka komportable. Ang sabi ko sa kanya, 8-5 I'm his employee, and later after that, I could be the girl he'll court at pumayag naman siya.

Magrerepresenta pa nga siya na ihatid ako, pero dahil palagi kaming sabay ni Ishaani uuwi, hindi ako pumayag dahil wala pang alam si Ishaani tungkol sa panliligaw niya. It's not that I'm hiding what's happening with my life and sir Darxon's, it's just that, I'm not yet ready to speak about it having experiences where everytime I share about the guys in my past, palaging mapupunta sa wala at najijinx ang kung ano mang dapat mangyari.

For a first timer like him, he's impressive. He's very gentleman and understanding, and there are parts of the courting stage he showed that I never experienced before. Maybe, giving him the chance isn't a bad idea all along.

"Yes, yes. Just make sure that before March ends, magagamit na ang building. Hindi pwedeng magtagal ang ibang empleyado sa DZGC." Aniya habang nakatapat ang phone sa tainga dahil may kausap siya mula sa kabilang linya.

He's currently inside my apartment right now dahil actually, gabi-gabi soyang narito para raw makapag-usap kami minsan dahil ang hirap ko rawng hagilapin sa opisina. It has been a week since that day in the conference hall happen, and 1 week naring ganito ang sitwasyon namin, kung saan sinusundan niya ang sinasakyan namin at kapag nakaalis na si Ishaani, kaya lang siya bababa sa sasakyan niya at papasok sa unit ko.

Natawa nalang ako sa situation namin na para bang pinagtataguan ko siya sa boyfriend ko. Like, I'm the cheater and he's the one I cheat on. Ni hindi ko kasi kaya pang sabihin sa mga kaibigan ko, lalo na't si Sir Darxon ang pag-uusapan namin.

"Tapos ka na? Kain na tayo." Tugon ko nang makitang ibinababa na niya ang kanyang telepono.

Tumango naman siya at tumayo saka lumapit sa mesa kung saan ko inilatag ang mga pagkain na niluto ko. Tumalikod muna ako para kumuha ng pinggan saka nagsalin na rin ng tubig sa pitsel.

"Are you free tomorrow?" He asked because tomorrow is Sunday.

"Ah, pupuntahan ko po si Mama s-si--,  I mean pupuntahan ko si Mama." I stuttered as I was preventing myself to say the "sir" part.

Gumawa ako ng batas tungkol sa dating hour, at gumawa rin siya ng kanya na nagsasabing tigilan ko na ang po at opo, pati na rin ang sir. Kaya tumawa nalang siya nang muntikan ko na namang masabi iyon. Hindi pa kasi ako sanay, lalo na't buong working life ko tinuturing ko siyang boss. But it turns out the other way round, and I don't know what to call him now.

"Saan? Baka pwede kitang samahan." Aniya at umiling ako.

"Hindi mo na kailangan. Actually pupunta ako sa QC bukas kasi doon siya nakatira." Ani ko at hindi ko pinapahalata na may halong pait sa boses ko sa ala-alang doon rin ako nakatira dati.

"Doon ka rin ba nakatira? Diba nasa Australia ang papa mo? Bakit nasa Makati ka?" Sunod-sunod niyang tanong, halatang nalilito sa sitwasyon ng pamilya ko.

"A very very long story." I smiled and started eating. "By the way, kumusta na nga pala yung kabilang building? Sa pagkakita ko ay maraming nagbago."

"I renovated the entire building. I even plan to redesign, pero siguro matatagalan kung gagawin ko iyon kaya hindi na muna, since kailangan na ring gamitin iyon before April enters."

"Diba may laro kayong planong gagawin? Kumusta na iyon?" Tanong ko at inalala ang panahon noong sunog.

His scars are visible but since it's only on the side of his face, you wouldn't immediately see it, unless you'll going to stare on his face for very long. Hindi rin mahahalata ang scar na nasa braso niya kasi palagi siyang nakasuot ng long sleeve.

 A Deferred AssetWhere stories live. Discover now