Chapter 18

41 15 0
                                    

Agad akong tumayo ng maayos matapos niya akong iangat. His touch has a tingling sensation that tickles my senses and I couldn't bare with it.

"Bakit ba parati mong sinasabi na okay ka kahit halata namang hindi?" Bulalas niya matapos kong inilayo ang sarili ko sa pagkakahawak niya.

"Kasi okay lang naman po kasi ako sir." Saad ko at bigla niyang itinagilid ang ulo niya at binigyan ako ng sarkastikong tingin habang tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Kahit namumutla ka na, okay ka pa rin? Kahit muntikan ka ng matumba, okay ka pa rin? Eh paano kung tinuloy ko yung sasakyan at nasagasaan ka, okay pa rin?" Sunod-sunod niyang batid at natahimik ako.

"Ihatid na kita." Aniya matapos kong matameme sa pangangatwiran niya.

"Sir, ayos lang po." Pagtanggi ko. "Hindi naman ako nasaktan o ano, kaya ayos lang po."

"Ayan ka na naman sa 'ayos' mo." He tsked. "Muntikan na kitang masagasaan kaya dapat lang na ihatid kita as my way of saying sorry."

"No sir." I kept on rejecting. "I'm very very fine so you don't have to take me home nor say sorry, because I'm actually feeling well."

"Ang hirap mo naman. Nagmamagandang loob na nga ako dito." Aniya at ang dami niyang sinabi kaya pumayag nalang ako na ihatid niya ako.

"Pasalamat ka, muntikan lang. Hindi ko diniretso." Rinig kong sabi niya habang pumapasok ako sa sasakyan niya. Hindi nalang ako nagsalita at isinara na niya ang pintuan ng sasakyan niya.

He maneuvered his car out of the driveway and we were about to go to the highway when I suddenly remembered about the box.

"Ay sir!"

Agad niyang hininto ang sasakyan at kunot-noong tumingin sa akin. "What?"

"May box pala akong naiwan sir. Pwede atras muna tayo? Nasa labas lang ho ng building." Tugon ko at wala siyang pag-alinlangang inatras ang sasakyan ng dahan-dahan hanggang sa huminto siya sa harap ng entrance.

"Teka lang sir ha." Pahintulot ko and then I stepped out of the car and went to where my box is. Magpapatulong na sana ako kay Kuya Guard sa pagbubuhat ng box, nang biglang nagsalita sa gilid ko si Sir Darxon.

"Is this it?" Biglang sabi niya at sabay kaming nagulat ni Kuya Guard sa biglang paglitaw niya.

Tumingin siya sa akin at wala sa sarili akong tumango ng ilang beses, dahan-dahan. Nagkibit-balikat siya bago niya binuhat mag-isa ang box at tumaas ang kilay ko sa ginawa niya. Nagkatinginan kami ni Kuya Guard at bigla niyang tinuro si Sir Darxon na naglalakad na papunta sa sasakyan niya. I smiled awkwardly to him then followed Sir Darxon and tried to help him with the box because I can see how he's struggling with the box knowing how heavy it is.

"Buksan mo na lang yung compartment." Utos niya sa akin at ginawa ko ang inutos niya.

"Pwede bang ihiga ito?" Tanong niya sa akin at tumango nalang ako kahit hindi ko alam kung anong laman. Matatagalan kasi sa paglagay kung itatayo kaya ihihiga nalang.

"Saan ba to galing?" Tanong niya matapos isara ang compartment ng kanyang sasakyan.

"Sa Papa ko." Tanging tugon ko.

"Abroad?"

"Oo, sa Australia." Sagot ko at tumango siya saka naunang pumasok sa kanyang sasakyan.

"Kangaroo ba laman non? Bakit ang bigat?" Tanong niya matapos kong makasakay sa sasakyan niya. Tipid akong tumawa at napailing sa sinabi niya.

 A Deferred AssetWhere stories live. Discover now