Lumapit ako sa kanila at nakisiksik sa gitna ni Sejun at Stell. Tiningnan ko 'yong listahan. Mas marami pa 'yong mga hindi naman kailangan! Kinuha ko sa kanila 'yong listahan at nilagyan ng 'X' 'yong ibang pinaglalagay nila.


"Bakit mo binawasan 'yong hotdog?" Tanong ni Sejun.


"Ang dami mo kayang nilagay! Hindi naman 'yan magkakasya sa freezer," sagot ko. Sampung pack ba naman ang ilagay!


Ilang minuto pa kaming nagtalo talo doon kung ano lang ang mga kailangang bilhin bago pa makapag-finalize. Ang dami kasi nilang dinadagdag. Sa tuwing may aalisin ako, may ipapalit sila. Nakaka-stress!


"Oh, okay na ito ha. Wala nang ilalagay pa," kalmado kong sabi.


"Kulang pa ng-" Hindi na naituloy pa ni Justin ang sasabihin dahil sinamaan ko na siya ng tingin. "Ito naman hindi mabiro haha wala na pong idadagdag." 


Natawa nalang 'yong iba dahil sa naging reaction ni Justin. Kumuha lang kami ng lagayan at ready na umalis nang mapansin naming missing in action na  si Ken.


"Where's Ken?" I asked while looking around. 


"Ken, aalis na!" Pasigaw na tawag ni Stell. 


Pumunta si Sejun sa second floor para icheck daw sa kwarto, si Josh naman sa may studio habang kami ay nasa sala lang naghihintay. Saan naman kaya nagsuot ang isang 'yon.


"Alam mo ba ang tawag kapag si Ken kumain ng chicken?" Biglang tanong ni Justin kay Stell. At dahil hindi siya pinansin ni Stell, sa akin naman siya lumapit.


"Athina, alam mo ba ang tawag kapag si Ken kumain ng chicken?"


"ChicKEN Eater?" Hula ko pero umiling naman siya. "E ano?"


"Edi Kenibalism!" At ano pa nga ba ang sumunod, tumawa na siya nang pagkalakas lakas. Natawa nalang din ako, haynako Justin!


"Anong kenibalism sinasabi mo diyan?" Napalingon naman kami sa nagsalita.


"Ken!" Banggit ko. "Saan ka naman nanggaling? Hinahanap ka namin e kasi aalis na."


"Kanina pa nga ako nasa labas, kayo ang hinihintay ko," simple niyang sagot.


Nakabalik na rin sina Sejun at Josh. Pinagsabihan pa si Ken na kung saan saan nagpupunta. Umalis na rin kami pagkatapos nilang magbangayan. I checked my phone and saw that it's already 3:00pm. Hanggang 5:00pm lang nakabukas nag mga bilihan ngayon kaya nagmadali na kami.


Pagkarating namin sa grocery store ay halos kakaunti lang ang tao, mabuti nalang kailangan ngayon ay naka-face mask tuwing lalabas ng bahay kaya naman safe sina Ken at Stell, hindi sila makikilala dito.


Kumuha na kami ng cart at napagdesisyunan na bathroom essentials muna ang bilhin. Si Ken humiwalay kasi mamimili na daw siya ng ibang nakalista. 


Tamang desisyon, Ken Suson!


Tahimik lang kaming naglalagay ng mga pinamili sa cart, para tuloy kaming mag-asawa na naggo-grocery para sa pamilya. Ang landi!


"Okay na ito 'no?" Biglang tanong ni Stell kaya naman nagulat ako at napasambit ng, "Ay oo, asawa!"


"Ano 'yon?" Natatawa niyang sambit. Napalingo tuloy ako sa paligid kung may nakarinig ba samin. Nang mapansin kong wala naman ay nakahinga ako ng mapayapa.


"Huh? Ano, uhm yes okay na," I stated shyly. I can't even look at him!


Sabi niya lang 'okay' tapos doon na kami sa part na may mga frozen foods. Tinanong niya naman ako kung ano daw ba iuulam namin mamayang gabi. Sinagot ko nalang siya, este sinabi ko nalang na siya na ang bahala.


"Puntahan ko muna si Ken, baka kung ano ano nang napamili no'n e." Tumango lang siya.


Hinanap ko na si Ken, medyo malawak din kasi itong grocery store dito. Sa mga snacks ako dumiretso at doon ko nga siya nakita na basta nalang naglalagay sa cart kaya agad akong lumapit para alisin 'yong iba.


"Hindi naman 'to kasali sa listahan, e. Ito rin bakit mo nilagay, bawal 'yan sa inyo," ibinalik ko nalang 'yong mga hindi naman namin kailangang bilhin. Ang dami niya kasing inilagay na unhealthy foods. Although gusto ko rin 'yon, bawal naman sa kanila ang masobrahan. Concern ako syempre, lalo sa asawa ko!


"Ito nalang, isa lang naman." He begged. Pinagbigyan ko na, ang cute niya e.


Huh? Ano daw? Ang cute niya? 


Pero si Stell pa rin ang bias ko, always remember that! And yes pinagsasabihan ko ngayon ang aking self, HAHAHAHA nababaliw na naman yata ako.


"Ayos naman na 'yan, puntahan na natin don si Stell baka tapos na rin siya mamili."


"Okay," he simply answered.


Pagkarating namin sa frozen food section ay saktong paalis na rin si Stell. Pang-chicken curry nalang daw ang binili niyang pang-ulam. At ayon tuwa naman ang isang bata dahil chicken na naman po ang ulam. Sinabihan ko nalang sila na hintayin ako kasi ako na ang pipila sa counter saka baka may makakilala pa sa kanila.


Halos 5,000 pesos din pala ang nagastos namin na ikinagulat ko syempre. Hindi ko malaman kung dahil ba tumaas ang mga bilihin o sadyang madami lang talagang pinamili? Ngayon ko lang naranasan mamili na umabot sa ganito ang presyo, grabe! Edi kayo na ang mayaman, sana all!

__________


💙💙💙💙💙

Living With SB19Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang