"You look sweet together Mommy and Daddy!" Puna samin ni Keraleine kaya ngumiti nalang ako sakanya at bumaling ulit kay Riley na nakatingin pala sakin.

"Salamat, wifey!" He said and I just smiled.

"Sige na kumain ka na. Mukhang pinagod ka ng dalawang ito," I said and he nodded. Kumain narin ako. Nagkwentuhan at nagkulitan kaming apat na parang tipikal na pamilya. Sa saglit na panahon ay naramdaman ko ang tunay na saya sa puso ko. Muli silang naglaro at nagkulitan pagkatapos kumain.

"Mommy sali ka po! Si Daddy taya!" Pagyaya sakin nila Maizyne kaya ngumiti ako at tumayo.

"Bilisan mo tumakbo wifey sige ka matataya kita agad!" Banta sakin ni Rile kaya tumawa ako.

"Hoy mabilis ako tumakbo Madigan! Baka nga hindi mo ko mataya eh," Panghahamon ko sakanya. Nagsimula na siya tumakbo at kaagad naman ako tumakbo palayo sakanya.

"Nataya ko na silang dalawa wifey! Magpataya ka na sakin oh..." Aniya sakin pero tinawanan ko lang siya at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Ang cute nila tignan oh,"

"Grabe nakakapanggigil yung kambal nila. Ang swerte naman nung ina ang gwapo ng asawa niya ah,"

Rinig kong pag uusap ng dalawang babae na nakatingin sa amin. Napatigil tuloy ako sa pagtakbo. Napatili ako ng may biglang pumulupot na kamay sa bewang ko at yinakap ako mula sa likod.

"Gotcha! Nataya na kita wifey may parusa ka sakin mamaya" Bulong niya kaya bigla ako kinilabutan.

"A..Ano naman 'yon?" Tanong ko. Ngumisi siya sakin.

"Magtatabi tayo sa kama mamayang gabi sa ayaw at sa gusto mo." Aniya kaya nanlaki ang mata ko. Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Huwag ka mag alala wala akong gagawin sayo, I promise." Paniniguro niya kaya napahinga naman ako ng maluwag.

"Sa totoo lang gusto kita kausapin tungkol sa bagay na yan. K..Kasi nagtataka na sila Keraleine kung bakit hindi tayo magkasama sa iisang kwarto kaya naisipan ko na... Tabi nalang tayo palagi matulog?" Pag amin ko sakanya at napakagat labi ako at napaiwas ng tingin sakanya. He chuckled and made tilted my head to face him.

"Alam mo bang sobra mo ko pinasaya ngayong araw? Salamat dahil tinupad mo ang hiling ko sayo, and I'm glad na simula ngayon katabi na kita matulog. Kahit sa ganoong paraan, I felt like I am close to you." He said and I just lightly smile.

Niligpit nanamin ang mga gamit namin at sumakay na sa kotse para umuwi. Nakatulog na sila Maizyne kaya tahimik lang kami sa byahe. Hawak niya parin ang kamay ko habang nagmamaneho. Para bang ayaw niya itong pakawalan.

Nang maka uwi kami ay pareho namin binuhat sila Keraleine at Maizyne paakyat ng kwarto nila. Kinumutan ko sila pareho at hinagkan sa noo.

Dumaretso na ko sa master bedroom at pumunta sa shower para maligo. When I got out the shower I put my robe on at pumunta sa walk in closet para kumuha ng damit. Nanlaki ang mata ko ng maabutan si Riley doon and he is topless.

"Oh, Sorry magpapalit lang ako ng pantulog. I prefer sleeping without clothes but nakakahiya naman sayo," He said and I just nodded at him while smiling.

"Rile, salamat nga pala. Napasaya mo ang mga anak ko. Ngayon ko lang ulit sila nakita ng ganoong kasaya," Pagpapasalamat ko sakanya at ngumiti naman siya.

"Wala 'yon, Alam mo namang napamahal narin sakin ang mga anak mo. Magbihis ka na, kapag hindi ako nakapag pigil baka magahasa kita ng hindi oras. Lagot ako kay Kyle." Bulalas niya at tinalikuran na ko. Nanatili lang akong nakanganga at nang mapagtanto ang sinabi niya ay malakas ko sinirado ang sliding ng walk in closet para makapag bihis. Pagkatapos ko magbihis ay naabutan ko siyang nakahiga na sa kama at naglalaro nanaman sa cellphone niya. Seriously!? malapit na siya mag 3 years old pero para parin talagang bata. Tinabihan ko na siya at tinignan ang nilalaro niya.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Cooking fever, ang galing ko kamong cook dito. Hayaan mo mag aaral na talaga ako magluto para mapagluto kita." Aniya kaya binatukan ko siya.

"Sira ka talaga! Yung iba mga call of duty ang nilalaro pero ikaw cooking fever? Seriously!? Bading ka ba Riley?" Panunukso ko sakanya at tumawa. Sinamaan naman niya ko ng tingin.

"Hindi ako bading Melanie, sa gwapong kong 'to magiging bakla lang ako? Sayang ang lahi ko kaya magpaparami ako, willing ka bang anakan kita?" Alok niya kaya nanlaki ang mata ko.

"Tigilan mo nga ko Madigan! Magparami ka ng angkan mo kung gusto mo pero huwag ka sakin mag pa anak" Sagot ko at umiwas ng tingin sakanya.

"Paano kung ayoko sa iba? Paano kung gusto ko ikaw lang ang magiging ina ng mga anak ko?" Aniya kaya napatigil ako. Napatingin ako sakanya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sakin.

"Melanie kung hindi ba dumating si Kyle sa buhay mo, mamamahalin mo ba ko?" He asked once again and I can't even look at him in the eyes.

"Riley, your a good man. Inaamin ko pangit ang first impression ko sayo pero lahat 'yon nagbago ng makilala kita. You made me believe that all the bad things I thought of you are all wrong. Ibang Riley yung nakita ko. Maybe, kung wala ngang dumating na Kyle sa buhay ko ay mamahalin kita. Hindi ka mahirap mahalin Riley, I'm sure you can able to find a good woman that suits you... Hindi ako ang babaeng 'yon Rile and I am sorry if I am saying this like I am dumpting you. Yes I do like you as a friend, hanggang doon nalang 'yon. Mag asawa tayo sa papel at sa mata ng lahat but you know that we really didn't want this marriage to happen in the first place. Napilitan lang tayo dahil ito ang kagustuhan ng mga magulang natin." I said. He just sighed and caressed my face.

"At first napilitan lang din talaga ako sa kasal natin. But as years go by of being with you, getting to know you more... I saw the real Melanie. I fell and I don't know if I can able to get up again. I know sa oras na mahulog ako ay wala na kong kawala, pero hindi ko mapigilan, sa tuwing palagi ko kayo nakakasama mas lalo lang kita minamahal at hindi kita sinisisi. This is my own doing and I should take full responsibility of my feelings."

"I'm glad that you still accept me as a friend, Melanie. Maybe hanggang doon na nga lang talaga tayo, after all this bullshits that our parents caused us alam kong maghihiwalay na tayo at babalik ka na sakanya. You deserve all the happiness and freedom in the world Melanie and I am not selfish para ipagkait sayo 'yon. I am glad that for a number of years, naging asawa kita." Aniya. A tear escape through my eye and he hugged me tight.

"Shh... Don't cry dahil naaawa ka sakin, umiyak ka kapag nakita mo ko sa kabaong," He said at hinampas ko naman siya sa dibdib.

"Sira ulo ka talaga! Nagagawa mo pa magbiro, hindi nakakatuwa..." Anas ko sakanya kaya tumawa siya pero ramdam kong pilit lang  'yon. I hate that his feeling this way. He doesn't deserve all of these. He deserves to be happy.

"Melanie, gusto ko masabi ko 'to sayo kahit alam kong hindi mo naman ito maibabalik sakin." Aniya at tinignan ako deretso sa mata.

"I love you, Melanie." He mumbled and he gave me a soft kiss in the lips and I just can't help to close my eyes and fell another tear.
He broke the kiss and a sad smile was on his face.

"Can I hug you when we sleep?" He asked. I slightly smiled and nod. Humiga na kami sa kama and his hands wrapped around my waist, cuddling with me from behind. Minutes have passed ay narinig ko na ang mahina niyang pag hilik. I slowly face him and saw that he is peacefuly sleeping. I kissed his forehead.

"I am so sorry Riley..." I whispered.

***

Enjoy Reading :)

Thread of Love (SERIES 5) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon