Prologue

48 2 0
                                    


•  RECOGNIZE

Melanie,


I am a 17 years old, Grade 11 student. Simula bata ako, isa akong loner. Never ako nagkaroon ng kaibigan. I've tried to talk to other people pero, mukhang ayaw nilang makipag kaibigan sakin dahil ang panget panget ko daw. Hanggang sa mag elementary ako, yun parin ang bukambibig nila sakin. Isang panget na nerd. Hindi daw bagay sakin ang apilido ko dahil hindi naman daw ako maganda.


Pero lahat ng yun nagbago nung nag high school ako. Dahil isang araw, may isang mabait at gwapo na lalaki ang lumapit sa isang panget at nerd na babaeng katulad ko. Sya si Kyle Elfanco. Bigla nya kong kina usap non at simula non, nagbago ang buhay ko. Naging mag kaibigan kami sa buong 1st high school year namin.


Pero, hindi rin nagtagal ang pagkakaibigan namin. Nung mag 2nd year high school na kami, sabi ng parents ko ay sa states na daw ako mag aaral. Kaya hindi na ko nakapag paalam kay Kyle.


3 years later, bumalik na ko dito sa pilipinas. Sa pagbalik ko, hindi na ko yung dating panget na nerd na kilala nila. I've change for the better.


Sa Far Eastern University ako nag desisyon na mag aral ng senior year.
Hindi ko akalaing dito ako makakahanap ng bagong kaibigan. Nakilala ko si Hazelle at ang iba pa nyang kaibigan.


Pero hindi ko akalain na nandito rin pala ang ka isa isang tao na itinuring akong kaibigan noong isa lang akong panget na nobody sa lahat ng mga tao noon.

***

Sa tingin ko ay hindi na nya ko naalala, dahil ang laki na siguro ng pinag bago ko at ang laki narin ng pinag bago nya. Mas lalo syang gumwapo pero hindi na sya yung Kyle na kilala ko na masiyahin at palangiti. Magiging mag kaibigan pa ba kami ulit? Maibabalik pa ba namin yung samahan namin noon?


Nung nagkita kami nung unang araw ng klase, wala akong emosyon na nakita sa mga mata nya nung nagtama ang mata namin. Hindi nalang ako nag pahalata na magkakilala kami, kasi parang hindi narin naman nya ko naalala.


Sinubukan ko nalang na umiwas sakanya pero, mukhang pinag lalapit kami ng tadhana. Sa dami ng makakapares ko, sya pa dahil katabi ko sya. Nag seating arrangement kasi kami at sabi ni Ma'am, yung ka partner nalang namin sa project yung katabi namin kaya sya yung katabi ko at si Hazelle naman ay si Dylan.


"Melanie pangalan mo diba?" Nagulat ako ng nagsalita sya.


"O..Oo bakit?" Tanong ko.

"Nagkakilala na ba tayo noon?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong nya.
Na aalala pa ba nya?
Sasabihin ko ba?

"H..hindi" tipid kong sagot.

Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko, pero wala na kong magagawa dahil nasabi ko na.


Thread of Love (SERIES 5) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon